Chapter 29

95.3K 2.4K 1K
                                    

Dakota's POV.

Rinig na rinig ko ang malakas na paghampas ng alon sa pampang at kahit papano ay iyon ang nagpapakalma sa utak ko lately.

Tinanaw ko ang dagat na para bang makikita ko ang dulo nun, na para bang masasagot nito ang lahat ng katanungan sa isip ko.

Huminga ako ng malalim, trying to relax myself, trying to revert back from remembering everything that had happened.

"Doktora!" napalingon ako sa tumatawag sakin at humahangos habang papalapit ako.

"Nurse Yien, anong problema?"

"Dok, may emergency surgery daw po kayo, kailangan na kayo sa hospital"

Binigyan ko ng isang tingin pa ang malakas na alon, tila may paparating na bagyo.

I bit my lip.
Bagyo.
Natatakot ako sa sariling bagyong tinakasan ko.
Sya mismo, ang bagyo.

"Tara na" sabi ko rito.

Mabilis kong hinubad ang mask ko pagkalabas ko ng operating room, dumaan ako sa scrub area at nagpalit ng damit, nag disinfect na rin.

"Ang tagal ng operation na iyon doktora, apat na oras tayong nakatayo, mabuti na lang at successful" sumabay sa paglalakad ko si Nurse Joy, habang nag-uunat-unat pa.

"Nasabihan na ang pamilya na ililipat muna sya sa ICU, for close monitoring, hindi pa tayo pwedeng makasiguro hangga't hindi gumigising ang pasyente"

"Nasabihan naman po Dra. D"

"Mabuti, kakain na muna ako"

"Dra, di mo ba isasabay si Doc Leo? Sabay kayong pumasok dito pero lately parang nag iiwasan kayo, hindi ba at boyfriend mo sya?"

Napahinto ako dahil sa sinabi nya.

"Sino namang nagsabi sayo nyan?" tanong ko.

"Chismis dok, pasensya na, bagay na bagay kasi kayo ni Doc Leo, kaya- pasensya na dok"

I tried to smile before leaving her, nauna na ako dahil hindi ako komportable sa conversation.

I sat down quietly, putting my shoulder bag on the chair beside me, ibinaba nya naman ang hawak na menu at nakangiting tumingin sakin.

"My favorite girl" masaya nitong bati sakin, he is smiling yet hindi na ito umaabot sa mata nya.

"Leo" I called him and tried to smile back.

"I already ordered something for you, yung favorite mo, gambas"

Napahinto ako dahil sa sinabi nya and I chuckled a bit bago dahan-dahang umiling.

"Leo" I called him, inosente naman nya akong nginitian. "Hindi ko paborito ang gambas, I am allergic sa shrimp"

"Oh shoot, I forgot, sorry!"

"It is not my favorite, paborito sya ni Gabriella"

Kusa nyang naibaba ang hawak na wine at diretsong tumingin sakin.

"Dakota"

"How long should we continue being like this Leo?"

"I do not understand what you are saying"

"Isang taon na ang nakalipas Leo, when I agreed to run with you and you brought me to this island, to this people so I can find myself, so we can see if we will really work out"

"Dakota-

"Isang taon na nating niloloko ang sarili natin na we are working out, that you and I are happy with each other, na patuloy nating paninindigan ang pagpili sa isa't-isa, na kalimutan ang mga bagay at taong iniwan natin, we didn't work out Leo, ni hindi nga natin alam kung ano tayo, kung bakit tayo nandito, all we know is we took the risk, kasi ayaw nating mabuhay sa what if, pero Leo, my what-ifs are coming back, same as yours, umaandar na rin sa utak ko, what if I chose to stay that night?"

WISH UPON A STORM (Montenegro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon