Dakota's POV.
Nanatili ang tingin ko kay Lysa dahil sa sinabi nya. That's why she looked so familiar, kababata rin pala namin sya pero hindi yun ang tanong ko, ano sya sa buhay ngayon ni Storm?
Sya ba yung tinutukoy ni Storm sa post nya?
Pakiramdam ko sumisikip ang dibdib ko at nahihirapan ako sa paghinga ng may humawak sa braso ko kaya nagbitaw ang titigan naming dalawa ni Lysa.
"Dakota" magiliw na bati nito sakin.
"Mommy-Mrs. Montenegro" pagbati ko rito, mabilis itong yumakap at bumeso sakin.
"I want you to meet some people na makakasama mo sa pagpapatakbo ng ospital, hijo, Lysa, if you'll excuse us" Akira Montenegro pulled me from that nightmare.
Hindi ko alam kung saan nya ko dadalhin pero nagpahatak na lang ako.
Hinatak nya ko sa banquet area, walang tao halos dito dahil busy sa pakikipag kwentuhan o pakikipagsayaw.
Kumuha sya ng plato at pinahawak sakin, she is holding the tong.
"How are you hija, you look dazzling, I am glad you made it"
"Hindi po ba kayo galit sakin?" hindi ko napigilang itanong.
Sinalubong nya ang tingin ko.
"I was hurt and kinda disappointed at first but then I remembered, I made mistakes too and was lucky enough na mapagbigyan ng tadhana to correct it, so that's why Thunder and I are together, naiintindihan kita Dakota"
"Mommy" gusto kong maiyak pero malamang magwala si Celestine kapag nasira ang make up ko.
"You were hurt, you wanted to take time for yourself, you were confused and tama lang na ginawa mo iyon, so that ngayong ready ka na, you can give your 100 percent sa kanya, yun nga lang, decisions have consequences" she said, naglagay sya ng muffin sa plate ko.
"W-why is she with Lysa?"
Nahinto si Mommy Aki, sa ginagawa and gave me a small smile.
"Storm, at ang lahat ng nangyari at pinagdaanan nya, yun ang consequence ng pag-alis mo, he went through a lot at gusto ko kapag handa na sya, sya na ang magsabi sayo pero the reason why he is with Lysa, he became so focus on the business, he wanna acquire a new business platform and that is owned by the Vergarras, Lysa's family, tila na-inspire ko itong si Lysa, so she asked her parents na kapalit ng gusto ni Storm, they will set an arranged-marriage"
"Storm married Lysa?!" pinagdadasal ko na sana hindi malakas iyon, napakalakas ng kabog ng dibdib ko.
"No, no, not yet hija, that's why Celestine brought you here, she said only you will knock the sense out of Storm, he is making impulsive decision by agreeing on marrying Lysa, we hope, no I hope, maayos nyo ito, para kay Archer at Elle" she held my chin and smiled before leaving me.
She went to Thunder Montenegro, mabilis nitong in-angkla ang braso sa asawa and her husband who is busy talking to other business tycoons, stopped to smile and look at her before placing a kiss on top of her head. They are almost 50 but when I looked at them, it seems like the only thing growing old are their physical appearances but not the love they have from one another.
"Hi" kusa akong napalingon sa tumawag sakin. It is Lysa. "We're too young to remember each other, hindi nga tayo close noon pero it was nice meeting you again Dakota"
I tried to smile.
Ako ang dating asawa at nasa harapan ko ngayon ang bagong mapapangasawa, how ironic!"You look good" yun na lang ang sinabi ko at akmang aalis na ng-
BINABASA MO ANG
WISH UPON A STORM (Montenegro Series #2)
Romance(COMPLETED) Montenegro Series #2 A drop of tear fell into the invitation I am reading. Umiiyak na pala ako. Ilang buwan at gabi na ba akong umiiyak. Ilang buwan na din silang engaged pero hindi ko matanggap. YOU ARE INVITED TO OUR WEDDING Paris Mari...