Chapter 30

101K 2.4K 649
                                    

Dakota's POV.

"Bumalik ka na talaga doktora!" paunang sigaw ni Head Nurse Icy, na sinundan naman ng mga sigaw ng iba pang nurses.

Mabilis akong sinalubong ng yakap nina Nurse Jen, Nurse Niña, Nurse Joan, Nurse Jane, Nurse Tine, Nurse LJ, at Nurse Gelie.

"Grabe miss na miss ka namin dok, masaya kami na bumalik ka na"

"Namiss ko rin kayo, wala akong option kundi bumalik dahil kilala nyo naman si Celestine, what she wants, she will get" sabi ko sa mga ito.

"Sa true lang dok" sabi ni Nurse JD bago tumawa.

"Si Nurse Yien pala, sumama sya para dito na din magtrabaho"

"Hi Yien, welcome!" masayang bati ng kapwa nurses nya.

"Salamat, napakaganda ng ospital nyo, walang sinabi yung ospital namin sa probinsya, pang mayaman ito"

"Oo, ginagastusan ng mga Montenegro, yung asawa ni doktora, ay oo nga pala, hiwalay na kayo dok" sabi ni Nurse Gelie na humawak pa sa bibig nya.

Pasmado talaga ang bunganga ng isang ito, hindi nakapagpigil at pinamukha pa ulit sakin ang katotohanan.

I faked a laugh, bago lumapit kay Nurse Gelie at mahinang kinurot ito.

"Ang bait mo talaga Gelie" bulong ko dito.

"Sayang, sana magkabalikan pa kayo ni Sir Storm" Nurse Jen said.

I just faked a laugh, sige nga, nurse i try natin, baka kainin ako ng bagyo sa harapan nyo.

"Doc Leo!" masayang bati ni Nurse Niña dito, patay na patay pa rin yata kay Leo ito.

Binati rin nila ito gaya sakin.

Mukhang hindi nila alam ang totoong rason kung bakit kami naghiwalay ni Storm, as expected the Montenegros are private as ever.

"Eh di tamang-tama, pupunta kayo sa event bukas? Nagpapalit pa talaga kami ng rest day para makadalo" sabi ni Nurse LJ.

Napahinto ako ng marinig ko iyon. Celestine, you smart-ass witch!

Bukas ang annual anniversary ball ng Montenegro Corp, kasabay ng birthday ni Dalfon Storm.

Mabilis na hinanap ko ang opisina ni Celestine at laking pasasalamat ko na, tanda ko pa ito.

Pagpasok ko ay nakatayo ito sa bintana, hawak-hawak ang tila isang medal badge, while looking at her window, inilapag nya iyon sa loob ng drawer bago nakangiting humarap sakin.

"I figured you will need a gown, so I'll send it over to my condo" panimula nito.

"C" tawag ko dito. "Hindi pa ako handa, hindi ko alam ang sasabihin ko"

Tumawa ito bago ako binato ng tissue.

"Do you think I asked you to come here, just to meet my brother? Edi sana pinag eye-ball ko na lang kayo, I need you and Leo here, may mga kailangan akong asikasuhin. Don't get me wrong, nagalit at naiirita pa rin ako sayo pero I just came to realize na tao lang tayo, we make mistakes, I need you to be there tomorrow night, as you and Leo will be part of the board of members of this hospital, might as well, makilala na kayo"

"C, I am really sorry"

Huminga sya ng malalim at niyakap ako.

"You know I'm a maldita, right? Why can't I just be mad and hate you forever? Maybe because isa ka sa mga unang taong minahal ko D"

Humiwalay sya sakin as tears escaped my eyes.

"Don't cry on me Dakota!"

"You're making me!" pinunasan ko agad ito at pilit na pinakalma ang sarili ko. Umiiling-iling ito habang tumatawa sakin. "Kamusta sya?"

WISH UPON A STORM (Montenegro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon