Chapter 21

111K 2.8K 916
                                    

Dakota's POV.

Hindi ko alam how I managed to still drive for him after that conversation. Guiltiness is eating me. Hindi ko man direktang sinabing namatay ang anak namin. I made it look like that.

Tahimik na si Storm at pakiramdam ko ay nakatulog na talaga sya kaya kahit papano ay nakapag drive ako ng maayos.

I was amazed na alam ko pa rin ang daan pauwi sa bahay na iyon. The last time I saw that house was years ago and I promised na hindi na babalik pa pero ito ako ngayon at nagpapark sa harapan nito.

Ang scam ko talaga ko.

Umiiling-iling ako habang hinuhubad ang seatbelt ko. I gently tap Storm, nung una ay hindi sya gumalaw.

"Dalfon Storm" I called him, maya maya ay tila nagulat ito. He immediately opened the passenger side door at dahil hindi sya naka seatbelt ay dumiretso syang bagsak sa labas.

Ay tanga talaga.
Inom pa.

Balak ko sanang panoorin sya papasok ng bahay ng gumagapang pero hindi ko pa rin natiis.

"Hey, let me help you" sabi ko. I slowly grabbed his arms, supporting him to stand up.

But I was shock ng muntik na syang tumumba sakin kaya naman napasandal ako sa kotse, I can feel his weight on me, sa pag-angat ng tingin ko ay napakalapit ng mukha nya sakin.

He is wide awake.
He was there.
Staring at me straightly.
It felt surreal.

Tumikhim ako dahil pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga sa posisyon namin.

He chuckled a bit at lumayo ng konti. He can barely support himself pero natatakot akong hawakan sya.

"Go home" sabi nya sakin. "Take my car"

"Ha? Wag na, mag ga-grab na lang ako"

"Tsk. Dakota" he said in a warning tone.

"Ayos lang talaga, sanay naman na ako"

"Let me drive you home then"

"Siraulo ka ba? Gusto mo bang mamamatay tayong dalawa?! Sige na pumasok ka na doon"

"It's not safe for you, just bring my car"

"Storm-

"So I can also have another reason to see you"

"Eh?" tumaas ang kilay ko.

He smiled. A smile that we rarely see.

"I'm really happy to see you"

"Storm, lasing ka lang kung anu-ano ang sinasabi mo" sabi ko. Tumingin ako sa bahay, tila nag sink in lang sakin ang lahat. What if Paris and Elle is there, she will kill me. She will definitely!

"You do not really want me in your life anymore?"

"Storm, my life is at peace now, hindi ko na kailangan pang guluhin ako ni Paris and also think about Elle, anong sasabihin ng anak mo-

"Elle is not my daughter"

Napahinto ako. Memories of Paris being pregnant and Elle's smiling face came flashing in the back of my head.

"W-what?" I asked. He must be kidding. Lasing lang sya, pati anak nya dini deny nya.

"She is not my daughter biologically but I still took care of her like she is mine, Paris lied and I couldn't do anything anymore, you're gone. Nawala ang anak natin, you left me and it was all too late. Oh I did one thing"

"Ano?"

"I didn't gave Elle my surname even though your sister begged me, I just couldn't. My surname is just for him, para lang sa anak natin yun Dakota"

WISH UPON A STORM (Montenegro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon