Chapter 8

89.2K 2.7K 581
                                    

Leonardo's POV.

When she told me that she was pregnant, I must admit I was shocked.

I have always been a playboy. At my age, I bed too many woman already, madalas na dahilan para pagalitan ako ni Mom.

Dad was always cool with it, he often tell mom to let me go dahil I am having the time of my life. I should enjoy dating and all, dahil ang alam ko. Dalawang beses pa lang nai inlove si Daddy, hindi ko alam kung sino yung una pero alam kong si mommy ang pangalawa at huli.

They call me playboy and other stuff pero kapag nakikita ko ang magulang ko, naniniwala ako na may tamang tao para sakin and I already found her, years ago.

It was her.
All my life, I waited to finally be the man for her.

For Dakota Heather Sy.

Gusto ko kapag nakilala nya na ko, yung handa na ko at tapos na ko sa lahat ng kalokohan ko. I promised to myself, I'll make her my queen. She will be my wife and the mother of my kids.

Nung dinala ni Astrid nung bata pa kami yung picture nilang magkasama, galing sya ng pinas noon while I stay in states to study. When I saw that smile, nagka crush na agad ako hanggang sa nagdalaga na sya, I will often stalk her social media. Hindi sya pala post unlike nung kapatid nya. As time goes by, sa sobrang pagkakagusto ko siguro kay Dakota, hindi na talaga ako nako confused sa kanilang kambal, kahit same color and dress pa sila. I can easily distinguish her, yun nga lang di nya ko kilala.

When she told me about her pregnancy, hindi sumagi sa isip ko na tanungin sino yung ama cause she's hiding it, it clearly means, that guy lost her and Dakota is for me to keep.

I promised to give them the life they deserve. I will love her hanggang sa makalimutan nya yung pagmamahal na meron sya sa taong yun. Pupunan ko lahat ng kulang, magpapakatino ako dahil sa kanya, dahil mahal ko sya.

"Where is she?" tanong ko ng maabutan ko si Dad sa dining, nakikipag kwentuhan na si mom sa mga business partners nila sa sala.

"Nasa backyard, dumating na din ang mga pinsan mo" sabi ni Dad na nilingon ang backyard. Mula sa dining namin ay kitang kita ko ang bonfire. Nasa gitnang bench si Brent at Audi and nasa kanan si Dakota at sa tapat nito ay kitang kita ko ang seryosong pagkakatitig sa kanya ng pinsan kong si Storm.

Hindi ko mawari ang kabang bumalot sa puso ko ng oras na iyon pero pinagkibit balikat ko.

Dakota said they are not close.

"You do know that your mom is not my first love, right?" nagulat ako sa tanong ni Dad.

Weird ko naman syang nilingon. He is holding a bottle of beer. Tumango ako sa kanya.

"Mom told us every crush and fling she had pero ikaw hindi nagku kwento dad, why? Baka mag away kayo ni mom?"

Natawa si dad at umiling.

"Ang mommy mo, magagalit? Ang lakas ng bilib nyan sa sarili nya" he said. "Just kidding! Hindi magagalit ang mommy mo dahil mayabang sya, well maybe konti pero it is because she knows how much I love her"

"So sino nga ang first love mo dad?"

Seryoso itong tumingin sakin.

"It was Akira Sapphire Santos"

Napanganga ako sa sinabi nya.

"Are you really saying na si Tita Akira na asawa ni Tito Thunder?" namamangha kong tanong.

Tumango-tango sya.

"She was my first love, college even until lumaki ang Ate Celestine mo, I even took care of her nung di pa sila okay ni Thunder"

"That is so f-ck up, totoo ba? Hindi naman nakwento ni Ate Celestine"

"Because ang weird, imagine your Dad had a crush with your aunt, right? So para wala na lang masyadong issue nung maliliit pa kayo, di na namin kinukwento pero we really are all good now, masaya na kaming lahat. We have our own family"

"No wonder Tita Sanya often joke that Tita Akira is pinakamaganda sa balat ng lupa" I said and laugh. "Pero bakit nag decide kang ikwento sakin Dad?"

Sinundan ko ang bote ng alak nya na itinuro nya sa direksyon kung nasaan si Dakota.

"I know my brother so well, katulad mo may mga traits kang namana sakin and by just looking sa pamangkin ko" uminom si Dad. "That's a Montenegro territorial look"

"What do you mean Dad?"

Tumawa si Dad ng weird.

"Now both of your parents will be hands off, now this battle will be all yours"

"Ang weird mo dad, di talaga kita naiintindihan"

"Son, it looks like, history is about to repeat itself. Isang Montenegro laban sa Hermosa" he finished his beer at malakas na nilapag iyon sa mesa. "It's just up to you kung ipapanalo mo na ang laban na to" he chuckled and then he tapped my shoulder. "Have a great night anak, please no punching and broken glasses, magagalit ang mommy mo, now we don't want that"

Ilang segundo na ang lumipas nung umalis si Dad pero pina process pa rin ng utak ko ang sinabi ng tatay ko.

Bumaling ako ng tingin and shook my head, Dad was drunk at hindi ako dapat magpa apekto sa mga sinabi nya.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila, busy sila sa pakikinig sa kwento ni Brent, he is the madaldal in the group, manang mana sa mama nya.

I was able to get close to Dakota and I was able to smell her familiar vanilla scent. She looks so beautiful tonight. I went close and gave her a kiss on the shoulder na ikinagulat nya naman.

I sat down beside her at sinadya kong ipatong ang kamay ko sa likod nya, I even rested my head on her shoulder.

Nakakahinga naman ako ng maluwag kapag nag iiwas ng tingin si Storm.

Dad might be wrong but still Dakota is my girl and this is how a Hermosa starts being a territorial.

---------
To be continued.

Pinapakita ko lang sa inyo POV ng bebe nyooooo!

Pano pa kaya pag POV na ni Storm yung nandito CHAROOOOT

ABANGAN

Umaandar na ang barkooooo

Ang cute nung name na binigay nung ibang readers.

Hermosa+Sy = Team HERSHEY daw.
So pano naman sa
Montenegro+Sy= Team MONTEREY?????

Pagkain ba labanan dito?
Gutom kayoool guys?

Ano kayang name ng mga ship?
Ideas?

Vote and comment.

- KayeEinstein.

WISH UPON A STORM (Montenegro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon