19

1.5K 82 5
                                    

Chapter Nineteen
Dense





"Tangina naman, Ceci eh!!" naiiyak kong sabi sakanya ng makita ang katawan ko. Wala na yung machine bilang support sa paghinga niya. Naka oxygen na siya para hindi mabigla ang katawan ko tapos pagkatapos ng ilang araw baka pwede ng tanggalin ang oxygen.

And that's a freaking big progress already.

Umiiyak din siyang tumingin sa akin. "Malapit na tayo, Maxi. We can find a way in order for you to go back. Onting tiis na lang." sabi niya sa akin kaya napayakap ako sakanya.

Kahit na wala pang kasiguraduhan kung kailan siya magigising.

"Thank you, Ceci." sabi ko sakanya habang umiiyak. "Basta wag lang mawalan ng pag asa. Mas lalo ka na, River." sabi niya sabay tingin sa katawan ko. Napatawa tuloy ako.

"River! keep fighting, alright? Nandito lang kami. We're always waiting for you." sabi ko naman at niyakap ko rin ang katawan ko. "You did a good job, River. I know it's tiring but please keep going on." bulong ko sakanya.

Thank you, Lord.

"Maxi!! Maxine wake up!!" pagbangon sa akin ni Ceci. "You slept here?" tanong niya at pagtingin ko sa oras halos alas otso na pala.

"Hindi ka ba hinanap ng magulang ni River?" nagtatakang tanong niya sa akin at tinitigan ko lang siya ng inaantok. Halos buong gabi ko ba namang binantayan ang katawan ko sa sobrang saya ko.

"Sinabi kong may kailangan kaming i-rush na reporting." saka ko kinuha ang towel para magshower na. "At pinayagan ka? As far as I know River's parents are strict. Very strict." dagdag pa niya.

"Sinabi ko lang yung pangalan ni Addison at pumayag naman sila. I don't know but they seem to like it whenever I am hanging out with her tapos diba nakwento ko na sayo yung dinner ko sa Mansion nila? Are they relatives?" nagtatakang tanong ko naman sakanya.

"No. Baka naman business relationship you know? They're hoping for Addison and River to be something... ganon?" hindi sigurasong sabi niya sa akin.

"If that's the case then poor him, he doesn't have the chance to love who he wants to love. Mas lalo na at iba ang preference niya." sabi ko na lang at pumasok na sa CR para maligo.

Sabay na kaming pumasok sa room namin ni Ceci at malamang boses na naman nila Travv ang naririnig ko.

"RAXX!!!" makulit na pagwelcome sa akin ni Travv habang kunwari nagdi-dribble pa siya. Something boys would do inside the room. Hays.

"Your father was asking my father about you last night. Hindi ka raw umuwi? Eyyy ikaw ha! Nagchixx ka noh?" mapangasar na tanong sa akin ni Travv at siniko naman ako ni Ceci.

"Akala ko ba nagpaalam ka?" bulong niya habang nakatingin naman silang lahat sa akin.

"Sweetie, hindi ko naman alam tropa niya rin pala ang Villegas. Hindi ko lang nasagot tawag niya kung sino sino na tinatawagan niya. Nakausap ko lang naman si Papa ng mga hating gabi na eh." pasimpleng bulong ko rin sakanya at umupo na sa tabi ni Sae.

"Back to being trouble maker Raxx again." natutuwang sabi rin ni Tom at pumunta pa sa harap.

"So where did you sleep last night huh?" saka ako tinanong ng diretso. Ramdam ko naman lahat na inaantay ang magiging sagot ko. Napakachismosa ng lahat dito.

"Shut up, Tom. I am not in the mood to joke with you. Puyat ako, okay?" sabi ko sakanya at humarap kay Sae. Mas maayos tong kaharap kesa sa pagmumukha ni Tom.

"Ohhhhhhh! Puyat daw siya oh! Kanino ka napuyat ha? Sino pumuyat sayo?" natutuwang tanong pa niya ng masampal ko bunganga niya bigla na ikinagulat niya. Hindi naman sobrang lakas pagkasampal ko. Siguro slight masakit lang.

He's My Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon