Chapter Thirty One
Irreversible Mess?
We jump out of joy when we heard the name of Sae as the winner of Ms Intramurals. Halos nagtakbuhan na kaming magkakaibigan malapit sa stage para lang mapicturan siya.
Pagkatapos sinundan namin siya sa may waiting room na. "CONGRATS BABY SAE!!!!" natutuwang sabi ni Travv sakanya at niyakap ito. Ganon din ang ginawa nila Spence, Zara... Kahit hindi ko nakikitang nag uusap usap sila I guess they all still seem closed.
Ang sarap naman pala sa pakiramdam na magkaroon ng group of friends. It seems fun and it feels warm at the same time.
"Congrats bebe Tom!! Okay lang yan! Panalo ka parin sa puso namin. Ang laki laki na ng baby namin pero kung magmukmok dahil hindi niya nakuha ang korona wagas." natutuwang sabi rin sakanya ni Spence.
"Hoy! Epal mo Tom mas mataas nga nakuha mong awards eh. Dapat ako kinocomfort dito." singit naman ni Zara at bigla lang niyakap ito ni Travv na kunwaring malungkot.
"Okay lang yan Zara babe, sa una palang alam na namin. Kapag ganyan ba naman ang pagmumukha---" hindi niya naituloy dahil kinurot to ni Zara.
Tinakpan naman ng kamay ni Zion ang bunganga ni Travv. "Sarap talagang tahiin tong malaking bunganga mo!" nag cross of the sign naman si Travv. "Sorry boss, behave na talaga." as he tried to zip his own lips.
Travv looks so annoying and at the same time cute. Alam mo yung pangungulit niya sa una maiinis ka pero pag nawala, hahanap hanapin mo rin ganon.
Pang third place naman kasi si Tom tapos na eliminate naman si Travv at Zara sa semi-finals kaya hindi sila nakasali sa question and answer portion. Eto namang Tom tatanga tanga ng sagot, ayon hanggang third place lang naabot.
"Anyway mga chickababes ko!! Party tonight sa Torrio Mansion!" sigaw naman ni Tom na ikinatingin namin sakanya. "Ano daw? Chickababes? Hindi ata tayo yon? Tara na nga." sabi ni Zara at lahat kami hinila niya.
"Gaga, isali niyo naman ako." pagrereklamo ni Tom at lahat kami natatawa na lang. "Sige na nga, mamaya na lang sa bahay. 10 pm para mas exciting." sabi naman ni Sae at nahiyawan sila Travv.
"Pool party to, Sae ah! Hubarin na to! So wear appropriately to the event--- which means wear nothing. I'll bring some of my girls. Yiee. Bye!" excited na sabi ni Tom at umalis na. Nakisama pa si Travv.
Hays. Mga parehong utak.
"So una na muna kami or do you need some help with your things?" sabi ni Ceci kay Sae na ikinatingin niya sa akin. "Raxx will help me. Right?" sabi niya sa akin sabay nagtinginan sila ng sikuin ako ni Ceci.
"Uh. Yeah." agad kong sagot kaya naman umalis na sila at pumasok na kami para mag ayos. Actually kasama namin mga staff niya make up artist, sila Kim madami kami rito.
Nilibot ko ang paningin ko ng paunti unti na silang lumabas halos nagliligpit na sila ng madatnan namin. Umupo naman siya sa may mirror at umupo rin ako sa may couch.
She was busy taking off her earing and any big jewelries when she looked at me through the mirror. "So... how was it?" tanong niya sa akin ng matauhan ako.
I was lost looking at her do her thing. Ang ganda niya talaga.
"How was... what?" pang uulit ko sakanya. "My performance? walk? answer?" tanong niya at napaisip ako. I actually wasn't able to watch the whole pageant show.
I was too preoccupied about Addison. Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang kausapin kahit wala naman akong alam na dapat naming pag usapan.
Why am I so bothered anyway?
BINABASA MO ANG
He's My Girl
Teen Fiction[COMPLETED] What if... you are given a chance to live somebody's life? Are you going to live it? Or would you find a way to go back? Maxine Dior Angel Arcangel as Blackpink Lisa Addison Rae Cervantes as Blackpink Jennie