44

1.4K 74 31
                                    


Chapter Forty Four
A Nightmare







"So you're telling me that you are not River?" tanong niya sa akin at tamad akong tumango sakanya. Jusko! Paaulit ulit ba tayo? Kanina pa siya gising at yung buong oras na kagigising niya pinanood lang kami ni River hanggang ngayon ata hindi parin makapaniwala sa nangyayari.

"Kaya ibang iba ka?? That's why you know how to play instruments, rap, dance and you can even perfect your exams easily." natutuwang sabi niya at bored lang akong nakatingin sakanya.

Seriously? Ngayon niya lang talaga nagets eh kagabi pa namin ine-explain sakanya?

"Wow! Masyado ka namang mapanlait. It's like you're telling me that I don't have any talent and... stupid." nagtatampong sabi ni River na ikinatawa ako. "Ganon ka naman talaga." singit naman ni Ceci habang busy na kumakain ng ice cream.

"Ang sweet mo talaga sa akin!" sabay pinch sa cheeks niya at inakbayan ito ng biglang umepal si Spence at umupo sa gitna nila. Seriously? This boy is sick. Lahat na lang ata pagseselosan niya. "Ikaw si River, diba?" tanong niya.

"Spence, you don't need to get jealous. He's gay." walang ganang sabi ni Ceci sakanya na ikinagulat niya. "Wh...at??? you're gay?? HOW??" hindi makapaniwalang sigaw niya sa amin.

"Hinay hinay lang sa revelations na sasabihin niyo baka mamaya hindi lang mahihimatay yan pero diretso na sa langit." natatawang sabi ko naman ikinaseryoso ng tingin nilang dalawa sa akin ni Ceci. I just gave them a sweet peace sign.

Eh sa mukhang mas nagulat pa ata siya sa pagiging gay ni River kesa sa nangyari sa amin.

"I thought you liked Sae---? Shit. Shit! Wait, You!!! You're dating Addison, right?" tanong niya sa akin. "Does she know this--- that you're a girl? So you're a lesbian too? And he's gay? Man! This is more mind blowing than your soul switch thing." nagpapanic na sabi niya sa sarili niya.

Ayan na ayan na! Hihimatayin tong tukmol na to.

Nagtinginan lang kami ni River at nagkibit balikat.

"Baby, Please don't tell anything about this to Travv and the others." sabi naman ni Ceci sakanya.

"But how long are you going to keep lying to them? Most especially to Addison--- sobrang saya niya ngayon kasi ang alam niya minamahal na siya ng taong mahal niya." seryosong sabi niya sa akin. I don't know but his words hit me.

How long am I going to keep pretending? How long am I going to keep lying?

River's right. Dapat sabihin ko sakanya ang totoo. Maniwala man siya o hindi. Mahalin man niya ako o hindi ang importante naiparamdam ko ang pagmamahal ko sakanya bilang Maxine.

"I... am going to confess... I will tell to her everything... on her birthday." sabi ko sakanya at tumango lang siya. "I still can't believe this is happening." hindi makapaniwalang sabi niya sa aming dalawa.

Umuwi ako sa Mansion ng kausapin ako ni Papa. "River, I am so proud of you. I saw your performance in your University and your Professors keep praising you. Perfect mo lahat ng quizzes, requirements at exams mo. If you excell more baka maabutan mo na si Addison. Kailangan mo lang pala maaksidente para umayos ka eh." natatawang sabi niya sa akin.

And I just smiled awkwardly at him.

"Just make sure to propose to Addison on her birthday and you'll be my heir. Everything that I am building right now...is for you." nakangising sabi niya sa akin saka siya umalis.

Inaya ko si Addison sa may soccer field para kausapin siya. We're just quietly watching the other students playing some soccer. "You're wearing the necklace I gave you." nakangiting sabi niya sa akin at tumango naman ako.

He's My Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon