Toblerone
Matheo’s Point of View
Saturday
“Good morning, papa!” Bati ko kay papa habang kumakain na ako ng almusal habang siya ay kakagising pa lamang.
Binati niya lang ako pabalik at dumiretso na sa banyo para mag sipilyo.
“Oh, tapos ka na agad kumain?” Gulat na tanong ni papa pag kalabas niya ng banyo at nakitang nasa tapat na ako ng lababo at nag huhugas na ng pinggan.
“Opo. Sabi po kasi ni Miss Velvet agahan ko raw po ‘yong pag pasok ko ngayon kasi ako raw po ‘yong magiging incharge sa photoshoot niya mamaya..” Pag papaliwanag ko habang binabanlawan na ang mga pinag kainan ko.
“Oh, talaga? Ayos lang ba ‘yon sa’yo? Baka masyado nang maraming pinapagawa ‘yang boss mo ha.” Pag papaalala ni papa habang kumukuha na ng plato at nag hahanda na para kumain.
Bahagya naman akong natawa saka sumagot. “Hindi po, papa. Masaya ako sa ginagawa ko atsaka alam ko naman pong pinapagawa ‘yon sa’kin ni Miss Velvet kasi alam niyang kaya ko.”
“Syempre naman, lahat talaga kaya mo kasi mana ka sa’kin eh.” Pag kasabi noon ni papa ay pareho kaming natawa.
Inalis ko na ang apron ko at nag hugas ng kamay saka kinuha ang bag ko.
“Sige po, papa. Aalis na po ako. Chat na lang po kita pag pauwi na ako.” Pag papaalam ko kay papa.
“Sige, mag iingat ka ha. Good luck!”
---
“Welcome to Cuppycup Café, Have a great day with our coffee!”
“Uy, Theo!” Bati sa’kin ni Christian nang makalapit ako sa counter ng café.
“Hello! Isang Iced Coffee nga pala, tall.” Pag oorder ko.
“Aba! Huling order mo nito, noong may presentation ka ah. May presentation ka ulit?” Tanong niya habang ginagawa na ang order ko.
“Hindi.” Sagot ko sabay tawa. “Ako ‘yong ginawang incharge ni Miss Velvet para sa photoshoot niya ngayon.”
“Wow! Iba ka na talaga, Theo.” Kantiyaw niya sa’kin at inabot na ang order ko kaya binigay ko na rin ang bayad ko.
“Sige na, salamat.” Nakangiti kong pag papaalam.
“Sige, good luck!”
---
“Matheo!” Sigaw ni Miss Bea pag karating ko sa studio na pag shoshootan namin na nasa 6th floor ng building.
“Bakit?” Tanong ko at agad na lumapit sakaniya.
“Tinatanong ko si Miss Velvet kung anong backdrop ‘yong gagamitin, sabi niya ‘yong photographer daw ‘yong bahala eh hanggang ngayon hindi pa sumasagot ‘yong photographer sa mga tawag at texts ko.” Naaligagang sabi ni Miss Bea.
Napatingin ako sa paligid ng studio at nakitang siya pa nga lang at ang social media team ang nandirito.
“Ako na muna ang bahala.” Sagot ko.
Inalis ko na ‘yong bag ko at pinatong muna sa lamesang malapit saka pumunta sa parang storage ng studio kung saan makikita ang mga backdrop at props.
Hinanap ko agad ang plain pastel pink lang ang design saka ‘yon kinuha at kumuha rin ng mga bulaklak para sa props.
“Hello!” Rinig kong bati ng isang babaeng hindi pamilyar, kay Miss Bea at may tatlo pa itong kasama na maraming bitbit na gamit.
BINABASA MO ANG
Vampire's Nightmare
VampireVelvet Lilliana Acosta is the CEO of a well-known fashion brand in the country, "Velvet's Passion", but beyond the knowledge of anyone-she is secretly a vampire. What will happen when she meets a man who looks exactly like the vampire who turned her...