Chapter 4

57 6 0
                                    

Flashback








Velvet's Point of View

"Velvet!" Hingal na sigaw ni Ryder pag kapasok sa kotse, at binigay niya na nga sakin ang Latte ko.

Kinuha ko naman ito at inirapan siya.

"Sorry napatagal kami." Pag hihingi ng paumanhin ni Ryder habang nag pupunas ng pawis.

Humigop lang ako ng kape siyaka nag salita.

"Bakit ba kasi ang tagal-tagal niyo ha?!" Nag pipigil na inis kong pag kakasabi.

Para namang hindi alam ni Ryder ang sasabihin niya.

"Tinulungan pa kasi namin yung bagong intern kasi may nang holdap sakanya." Pag papaliwanag ni Gavin.

Holdap? Ibig sabihin 'di pa pala siya nakakauwi.

Bigla naman siyang binatukan ni Ryder.

"Holdap?" Sabay na tanong namin ni miss Caroline.

"Oo, pero hayaan niyo na yun, okay naman na yung intern." Kalmadong pag kakasabi ni Ryder at nag handa na sa pag dadrive.

Kaya naman naging kalmado na rin ako at nag focus na lang sa pag inom ng kape habang nakadungaw sa bintana ng kotse.

"Eh yung holdaper?" Tanong ni miss Caroline.

"Ayon pinatulog namin." Maikling sagot ni Ryder at nag simula na nga siyang mag drive.

"Pinatulog? Pinatay niyo na?!" Hysterical na tanong ni miss Caroline.

Kaya naman natawa ako habang umiinom ng kape at tiningnan ang mukha niya.

"Hindi! May pulso pa siya, buhay pa yun!" Sabi ni Gavin.

"Dapat kasi pinakulong niyo na lang." Apila ni miss Caroline.

"Eh kung ipakukulong pa nila yun, baka sumabog na ako sa galit, 'di pa rin sila nakakabalik dito." Sabat ko.

"Oo nga, atsaka pinapili ko naman siya eh." Sabi ni Ryder habang nag dadrive.

"Sino? Yung holdaper?" Tanong ni miss Caroline.

"Oo. Pinapili ko siya kung anong mas gusto niya, matulog o makulong? Tapos wala akong natanggap na sagot kaya pinatulog ko na lang." Walang emosyong pag kekwento ni Ryder.

Natawa naman ako at inubos na ang Latte ko.

"Jusko, sigurado ba talaga kayo na buhay pa yun?" Nag aalalang tanong ni miss Caroline.

"Hay nako miss Caroline, kahit talaga sa holdaper concern ka eh, dapat pala sa simbahan na lang kita pinag trabaho at hindi sa kompanya. Mahihiya na yung mga madre sa kabaitan mo eh. " Komento ko habang natatawa kay miss Caroline.

"Eh kasi, kung ako yun idadaan ko na lang sa presinto at isusumbong." Katwiran ni miss Caroline.

"Eh miss Caroline, kung dinala namin yun sa presinto, baka kami pa ang pag kamalang masama, kasi bali yung buto niya sa kamay at parehong may black eye ang mata niya." Pag rarason ni Gavin.

Vampire's NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon