Intern
Matheo's Point of View
"Anak! Anak gising na ngayon ang first day mo sa pag O-OJT!" Rinig kong boses ni papa, ngunit tinalikuran ko lang siya at niyakap ang unan ko't natulog ulit.
" 'Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Dapat talaga hindi na kita hinahayaang mag hanap sa mama mo eh! " Rinig kong panenermon ni papa.
Kaya naman napadilat ako at napaupo.
"Papa." Paawa kong pag kakasabi.
"Tingnan mo nga ang sarili mo oh, anong oras ka na ba nakauwi kagabi ha?" Pasigaw na pag kakasabi ni papa.
"Alas dos na po ng madaling araw." Nakayuko kong pag kakasabi.
"Tsk, tsk, tsk! Diba pinag sabihan na kita na wag kang mag papa gabi, lalo na't ngayong araw ang unang araw mo sa pag O-OJT!" Panenermon niya sa'kin.
"Sorry na po 'pa, nag babaka sakali lang naman po eh." Mahina kong pag kakasabi habang nakayuko pa rin ako.
"Hay nako! Basta, hangga' t hindi ka pa tapos sa pag aaral mo, hindi mo muna pwedeng hanapin ang nanay mo, gusto kong ituon mo muna ang buong atensyon mo diyan sa pag O-OJT mo dahil konting tiis na lang naman ay makakagraduate ka na." Maotoridad na pag kakasabi ni papa.
Nalungkot naman ako, ngunit tumango na lang ako, dahil alam kong mas magagalit si papa kapag sumagot pa ako.
" Sumagot ka! Pag nalaman ko lang talagang tumakas ka at pinilit mong hanapin ang mama mo, lagot ka talaga sa'kin!" Galit na sabi ni papa.
"Opo papa, sorry na po." Sabi ko at tumingin sakanya.
"Sige na, bumangon ka na diyan at mag bihis. Nakahanda na ang almusal sa baba." Masungit na pag kakasabi ni papa.
"Opo papa, salamat po." Bahagyang nakangiti kong pag kakasabi.
Bumaba na si papa at ako naman ay nag toothbrush at naligo na.
Binuksan ko ang cabinet ko at nag suot lang ng plain na polo, maong na pantalon at nag rubber shoes.
Pagkatapos ko mag bihis ay kinuha ko lang ang phone ko at binulsa ito at dumiretso na sa baba.
"Tara na, kumain na tayo." Masungit pa rin na pag kakasabi ni papa habang nakaupo sa hapag kainan.
Kaya naman umupo na rin ako.
"Sorry na papa, wag na po kayo magalit." Paghihingi ko ulit ng paumanhin kay papa.
"Oo na, basta wag mo na ulitin, at sumunod ka doon sa kasunduan natin." Sabi niya habang kumukuha siya ng pagkain.
"Opo, sorry po talaga." Nakayuko kong pag kakasabi.
"Oh ano pang hinihintay mo, kumain ka na. Maaga ka pang aalis at baka malate ka pa sa unang araw mo!" Panenermon niya ulit.
"Opo." Maikli kong sagot at nag simula na nga akong kumain.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kaming kumain.
BINABASA MO ANG
Vampire's Nightmare
VampireVelvet Lilliana Acosta is the CEO of a well-known fashion brand in the country, "Velvet's Passion", but beyond the knowledge of anyone-she is secretly a vampire. What will happen when she meets a man who looks exactly like the vampire who turned her...