Encounter
Velvet's Point of View
~ Makalipas ang dalawampung taon mula nang makabalik ako sa pamilya ko. ~
Year 2020
*Ringtone ng phone*
Pag karinig ko sa nag riring kong phone, kinuha ko agad ito sa tabi ng kama ko at sinagot.
[GOOD MORNING MISS VELVET!] Sigaw ni miss Caroline mula sa kabilang linya, kaya naman nailayo ko ang phone ko sa lakas ng boses niya.
"Good morning miss Caroline." Lata kong pag kakasabi sabay hikab.
[Nasa baba na ako, handa na ang breakfast, ikaw na lang ang hinihintay!] Maingay na pag kakasabi niya.
"Okay, mag aayos lang." Inaantok kong sagot at inend ko na ang call.
Bumalik ako sa pag kakahiga, yumakap ulit sa unan at nag talukbong ng kumot, dahil ngayon pa lang sana ako makakatulog, kaso alam kong papagalitan na naman ako ni miss Caroline pag nag patagal ako bumaba kaya kahit ayaw ko pa ay bumangon na ako.
Nag pusod lang ako ng buhok at dumiretso na sa banyo.
Nag toothbrush, nag hilamos at naligo.
Pag kaligo ko ay dumiretso na ako sa walk-in closet ko at namili ng susuotin.
Nag suot ako ng tube na kulay black, denim jeans and jacket tapos nag boots.
Kinulot ko lang ang buhok ko at nag lipstick na red, kinuha ko lang rin ang shoulder bag ko at bumaba na.
"Good morning miss Velvet!" Bungad ng mag pipinsan.
"Good morning. " Nakangiti kong bati.
"Good morning anak!" Nakangiting bati ni papa kaya lumapit ako sakanya at bumeso.
"Good morning anak, handa na ang breakfast kumain na tayo!" Masiglang bati ni mama at kagaya kay papa bineso ko rin siya.
"Thank you po mama, ate Judith at manang Flor sa breakfast." Nakangiti kong pag papasalamat sakanila.
"Meron kang meeting mamayang three, at meron kang factory check-up mamayang gabi after dinner." Sabi ni miss Caroline habang kumakain at chinecheck sa Notepad niya ang schedule ko.
"Okay miss Caroline, mamaya na yan, kumain muna tayo. " Sabi ko sakanya.
"Okay po miss Velvet." Nakangiti niyang pag kakasabi.
Tinitigan ko naman siya ng masama.
"Eh ikaw rin kasi, ilang taon na tayong mag katrabaho pero miss ka pa rin ng miss, eh assistant mo na nga ako." Panenermon niya sa'kin.
"Oo na. Hindi ka na tatawaging miss, ang hirap kayang sanayin yung sarili, kasi syempre alam kong ilanpung taon tanda mo sa'kin kaya syempre gagalangin kita!" Sagot ko kay miss Caroline.
BINABASA MO ANG
Vampire's Nightmare
VampireVelvet Lilliana Acosta is the CEO of a well-known fashion brand in the country, "Velvet's Passion", but beyond the knowledge of anyone-she is secretly a vampire. What will happen when she meets a man who looks exactly like the vampire who turned her...