Chapter 7

73 4 0
                                    

Blood



Matheo's Point of View

Pag uwi namin ni papa, nag decide siya na bumyahe pa rin kahit pagabi na. Pinigilan ko siya pero sabi niya ay hanggang alas-dose lang naman daw siya kaya wala na akong nagawa dahil baka mag talo pa kami.

Pag alis ni papa ay nakipag chat muna ako kay Raf at kinamusta ang nanay niya.

Rafael Gutierez

"Pre! Kamusta na si tita?"
5:15pm

"Ok na siya, masigla na ulit. Kumakain na nga ng mga bawal sakanya eh"
5:17pm

"Hahaha! Pinayagan mo?"
5:18pm

"Wala naman na kong magagawa kahit ayaw ko. Dalawa ba namang babae kalaban ko eh - _-' "
5:19pm

"Kaya pala Hahaha! Lugi ka nga"
5:20pm

"Sinabi mo pa - _-' "
5:21pm

"Hahaha! Kaya mo yan pre. Mag luluto na ko pang hapunan, bye!"
5:22pm

"Bye! :))"
5:23pm

Kawawa talaga yun si Raf sa dalawang babaeng kasama niya eh, buti na lang kami na lang ni papa ang mag kasama. Walang mang aapi sa'kin.

Pero nakakamiss pa rin si mama kahit ganoon, sana maalala niya na ako.

Sa gitna ng pag iisip, bigla kong naalala na mag luluto nga pala ako ng hapunan kaya naman tumayo na ako sa pag kakaupo at pumunta sa refrigerator para tingnan kung ano bang pwedeng lutuin.

May nakita akong bangus na nakababad sa suka.

Noong nakaraang linggo ko pa 'to nilagay dito ah.

Nilabas ko na yung bangus at nag hugas ng kawali para makapag prito na.

Habang nag piprito ako, naisip ko bigla yung nangyari kahapon sa conference room.

~~~~~

Flashback:

Sumunod naman na pumasok si miss Velvet na naka suot ng hapit na hapit na black dress at naka tirintas ang kanyang buhok ngunit nakalugay pa rin ang kalahati nito, kaya naman napatitig talaga ako sakaniya, at sa sandaling iyon ay nakalimutan kong siya ang nanay ko.

~~~~~

Naalala ko bigla ang itsura ni miss Velvet noon. Yun ang unang beses na hindi nanay ang naging tingin ko sakaniya. Hindi ko maexplain kung ano yung naramdaman ko noon, basta ang weird.

"Aray ko!" Nagising naman ako mula sa pag iisip dahil bigla akong natalsikan ng mantika mula sa niluluto kong bangus, kaya naman hininaan ko ang apoy nito.

Hay nako!

Makalipas ang ilang minuto, luto na ang bangus kaya naman gumawa na ako ng sawsawan na toyong may kalamansi at sili saka nag simulang kumain.

Vampire's NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon