Chapter 3

74 8 0
                                    

Holdap








Velvet's Point of View

Pag kalabas naman ni Gino sa opisina, oo Gino pa rin ang tawag ko sakanya dahil feeling ko gumagawa lang talaga siya ng kwento para maligaw ako at hindi ko isipin na siya si Gino. Ayun na nga, pag kalabas ni Gino sa opisina, agad na ring pumasok yung mag pipinsan.

"Oh Velvet, mukhang malalim ang iniisip ah, anong nangyari sa interview mo roon sa bagong intern?" Bungad ni miss Caroline, pag kapasok sa opisina kasama sina Ryder at Gavin.

Napabuntong hininga naman ako, at naalala lahat ng walang kakwenta-kwentang pinag sasasabi ni Gino.

" Ayon pinagawa ko ng presentation. " Maikli kong explanation.

Nag katinginan naman silang tatlo.

"Presentation?" Tanong ulit ni miss Caroline.

Tinanguan ko lang siya.

"Nako, mukhang hindi maganda ang kutob ko sa presentation na pinagawa mo ha." Nag aalalang pag kakasabi ni miss Caroline, at umupo sa upuang nasa harapan ng lamesa ko.

Napabuntong hininga ako siyaka nag salita.

"Pinagawa ko lang naman siya ng presentation tungkol sa concept para sa new launch natin." Nakangiti kong pag kakasabi.

Nakakunot noo naman silang napatingin sa'kin.

"Concept? Eh wala pa ngang concept para sa new launch ah." Nag tatakang tanong ni miss Caroline, habang yung dalawa naman ay nag iisip kung ano bang pinupunto ko.

Nginitian ko lang sila at nag patuloy sa pag sasalita.

"Exactly. Kaya ko nga siya pinagawa ng presentation para may concept na tayo for our new launch." Nakangiti kong pag kakasabi.

Kaya naman nagulat yung tatlo.

"Siya pag iisipin mo ng concept?!" Hysterical na tanong ni Gavin.

Tumango lang ako habang nakangiti.

"Pero Velvet, intern lang siya. Hindi pang intern yung trabahong binigay mo sakanya." Apila ni miss Caroline.

"Sabi mo naman, siya pinaka matalino doon sa mga pag pipilian, kaya chinallenge ko. Sayang naman ang talino niya kung madadali lang ang ipapagawa ko, edi parang hindi na yun magiging training diba." Nakangiti kong pangangatwiran.

Napaface palm naman silang tatlo.

" Diba Ryder tama naman ako? " Nakangiti kong pag kakasabi kay Ryder, kaya naman napatingin siya sa'kin.

" Oo, tama ka. " Ngiti niyang sagot at nag okay sign.

"Sabihin mo nga sa'kin Velvet, anong rason mo at ganoon ang ipinagawa mo sa bagong intern?" Nangungunsuming tanong sa'kin ni miss Caroline.

Napabuntong hininga naman ako.

"Hay, diba nga miss Caroline sinabi ko na, para magamit natin ang talino niya. Binigyan ko na nga siya ng opportunity para mapatunayan ang sarili niya diba." Pag rarason ko.

Vampire's NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon