Jealousy
Sunshine’s Point of ViewRyder
“Wag mo kakalimutang magpapa register na tayo ngayon para sa racing na sasalihan mo ha”
5:32amLunes na ng umaga at ang unang ginawa ko pagkagising ay i-chat si Ryder para ipaalala na ngayon na kami magpaparegister para sa racing na sasalihan niya dahil nanalo ako sa laro namin kagabi.
Siya ang nauna, pero dahil ang rules nga namin ay kailangang malagpasan niya ako ng limang segundo—hindi siya nagtagumpay.
Nag toothbrush muna ako, nag skincare routine, at naligo saka bumaba para kumain.
Pagkababa ko, si mama at si ate Mayi ang bumungad sa’kin.
“Good morning, mama. Tulog pa si Raf?” Bati ko kay mama pagkababa ko saka pumwesto sa dining para mag-agahan.
“Oo, ‘nak.” Kalmado niyang sagot at umupo na rin saka kami nagsimulang kumain.
“Wag ninyo pong hahayaang hindi siya magising mamaya ha, ngayon pa naman unang araw ulit ng klase no’n.” Pagpapaalala ko.
“Oo, ‘nak. Ako ang bahala.” Natatawa niyang sagot.
Kasabay rin namin kumain si ate Mayi ngunit hindi namin siya gaano kinakausap dahil napaka mahiyain niya.
“Kumusta pala ‘yong racing mo kagabi?” Tanong ni mama habang kumakain kami.
“Okay naman po. Ako po ulit ‘yong nanalo sa set ko.” Nakangiti kong pagkakasabi.
“Hindi na ako nagulat. Congrats, anak!” Masayang pagkakasabi ni mama kaya mas lumaki ang ngiti ko.
“Thank you, mama. Aalis po pala ako ngayon ha.” Pagpapaalam ko.
“Kaya pala ang aga mong gumising. Saan ka pupunta?” Curious na tanong ni mama.
Hanggang alas dose lang kasi ng tanghali 'yong pag reregisteran namin ni Ryder.
“May sasamahan lang po akong kaibigan.” Sagot ko.
“Lalaki ba ‘yan, ‘nak?” Tanong ni mama kaya naman nilapag ko ang kutsara at tinidor na hawak ko saka bumuntong hininga at tumingin sakaniya.
“Nagtatanong lang naman.” Patay malisya niyang sagot ngunit hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sakaniya.
“Anak naman kasi, hindi mo naman ako masisisi na maghangad na balang araw ay magkakagusto ka rin sa isang lalaki—tapos magiging mag-asawa kayo at magkakaroon ng pamilya.” Madramang pagkakasabi ni mama kaya hindi ko naman mapigilang matawa.
“Mama, wala pa po sa isip ko ‘yan.” Sagot ko kahit alam kong sawa na siyang marinig ‘yon.
“ ‘Nak, umamin ka nga sa’kin. Promise hindi ako magagalit. Babae ba gusto mo?” Seryosong tanong ni mama habang nakahawak pa ang mga kamay sa kamay ko.
Napahagalpak naman ako ng tawa nang marinig ang tanong niya.
Nakikipag fling ako sa mga lalaki ngunit hindi ako nakikipagrelasyon. Pakiramdam ko kasi ay malaking obligasyon ang pumasok sa isang relasyon kaya ni isang beses ay hindi ko pa ‘yon sinubukan. May takot ako na baka imbis na mas sumaya ako ay mas maging malungkot pa ako pag nagkaroon na ako ng boyfriend, eh kuntento at masaya naman na akong mag-isa.
BINABASA MO ANG
Vampire's Nightmare
VampireVelvet Lilliana Acosta is the CEO of a well-known fashion brand in the country, "Velvet's Passion", but beyond the knowledge of anyone-she is secretly a vampire. What will happen when she meets a man who looks exactly like the vampire who turned her...