Chapter 9

70 2 0
                                    


----------------------------------------------------------------------
Note:

This chapter contains violence.
----------------------------------------------------------------------

Wooden Stake

Ryder's Point of View

Tuesday

Nandito na kami sa Baguio, at kasalukuyan kaming nag hahanap ng oso sa gubat para ipakain kay Aster.

"Ayun!" Sigaw ni Gavin nang may makitang pagala-galang oso sa hindi kalayuan, kaya naman ginamit niya agad ang bilis niya para makalapit doon at tinusok ang tiyan ng oso gamit ang hawak-hawak niyang kahoy na napulot lang sa paligid namin.

Agad namang nang hina ang oso kaya napabagsak ito sa lupa. Lumapit ako kay Gavin nang nakitang binuhat niya na ang oso gamit ang pareho niyang braso.

"Ryder, Gavin!" Gulat na pag kakasabi ni Aster nang makapasok kami sa bar kung saan siya ngayon pansamantalang naninirahan.

"Hello!" Masayang bati sakaniya ni Gavin, habang ako naman ay nginitian lang siya.

Umupo lang ako sa isang bar stool at pinanood silang dalawa.

Nilapag na ni Gavin sa sahig ang osong walang malay kaya naman nag takang tumingin sakaniya si Aster.

"Oso?"

Nginitian siya ni Gavin saka sumagot.

"Oo. Kumain ka na ba?" Tanong ni Gavin sakanya.

"Hindi pa." Umiiling na sagot ni Aster, sabay tingin sa osong nakahandusay sa sahig.

"Salamat. Nag abala pa kayo." Nahihiyang pag kakasabi ni Aster.

"Wala yun. Tara, tuturuan kita kung paano kainin-" Hindi na natuloy ni Gavin ang sasabihin niya dahil nakita niya nang nag lakad si Aster papunta sa maliit na kusina at kumuha ng malaking kutsilyo at isang baso saka ito hinugasan pareho at bumalik kung nasaan ang oso.

" Bakit ganiyan ka makatingin?" Nag tatakang tanong ni Aster kay Gavin.

"Marunong ka?" Tanong ni Gavin sakaniya.

Nginitian naman siya ni Aster at tumango saka ito lumuhod at nilapag sa tabi ng oso ang dalawang gamit na kinuha niya.

"Pakiangat yung oso." Wala sa sariling pag kakasabi ni Aster at kitang-kita na ang pula niyang mata. Mukhang sabik na siyang makakain.

Hindi naman agad nakasunod yung kapatid ko dahil abala siya sa pag titig kay Aster.

"Gavin," Pag tawag ni Aster sakaniya kaya naman agad na lumuhod din si Gavin sa tabi ni Aster at sinunod na yung sinasabi niya kanina.

Inangat na nga ni Gavin yung oso kaya naman kinuha na ni Aster ang baso at nilagay ito sa ilalim ng oso. Pag katapos noon ay kinuha niya na rin ang kutsilyo at hiniwa iyun sa tiyan ng oso kaya naman nag labas agad iyun ng napakaraming dugo na dumiretso sa basong hinanda ni Aster sa ilalim nito.

Vampire's NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon