Chapter 13

33 1 0
                                    

Caught

Velvet’s Point of View


[Hello, Velvet. Nag-aayos ka na ba?] Aligagang bungad sa’kin ni Miss Caroline

“Oo. Magbibihis na ‘ko.” Kalmado kong sagot habang namimili pa lang ng susuotin.

[Sige, bilisan mo ha. Baka kasi matraffic tayo eh.] Nag-aalala niyang sagot kaya naman bahagya lang akong natawa.

“Oo. Pababa na ‘ko.” Pagsisinungaling ko at binaba na ang tawag.

Isang buwan na ang nakalipas mula noong photoshoot ko, kaya ngayong araw at  bukas ay puro factory check-up ang gagawin namin para macheck kung ready to release na ba ang mga stocks na tapos nang gawin.

I’m wearing a black fitted tank top tucked in with denim jeans and a black platform high heels.

I curled my hair and as usual, I only wear red lipstick for my makeup.

Sinuot ko na ang kwintas ko, kumuha rin ako ng denim jacket pero hindi ko muna ‘yon isinuot at pinatong lang sa braso ko. Pumili lang ako ng bag na gagamitin ngayong araw at bumaba na.

“Anak, alam mo na ba?” Masiglang bungad sa’kin ni mama habang naglalagay ako ng salad sa pinggan ko kaya naman napatingin ako sakaniya.

“Ang alin po, ma?” Tanong ko at pinagpatuloy na ang pagkuha ng pagkain.

“Diba isang linggo ka rin naming pinagbawalan na tingnan ‘yung progress ng dress na isusuot mo sa fashion show?” Panunukso niyang tanong

“Opo. Tapos?” Natutukso kong sagot.

Sa loob ng isang buwan, five days a week nilang pinagtatrabahuhan ni Matheo ang paggawa sa dress na isusuot ko sa fashion show.

Noong Monday ay pinagbawalan na nila akong manood sa paggawa nila para raw kahit papaano ay masurprise ako sa kakalabasan.

Huling kita ko roon ay wala pa ‘yong manggas at hindi pa tapos ang extension ng dress sa likod dahil nga mas mahaba ang tela noon sa likod kesa sa harap.

“Mamayang gabi makikita mo na ‘yong finish product ng dress na susuotin mo.” Excited na sabi ni mama kaya naman bahagya akong nagulat.

“Gusto ko na po makita, ngayon na.” Mabilis kong sagot.

“Mamayang gabi na! Marami kayong gagawin ngayong araw, diba susunduin ninyo pa si Matheo?” Pagpigil sa’kin ni mama kaya naman agad akong napasimangot.

“Ayos lang po ‘yon, ma. Sisilipin ko lang naman ‘yong dress eh.” Pagpipilit ko.

“Hindi nga pwede. Gusto rin ni Matheo na makita ‘yong reaction mo pag nakita mo eh.” Apila ni mama.

“Eh, hayaan-” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla nang tumayo si Miss Caroline at nagsalita.

“Marami tayong gagawin ngayon, Velvet. Mamaya na lang ‘yan pag-uwi natin.” Seryosong sabi sa’kin ni Miss Caroline kaya naman napabuntong hininga na lang ako.

“Sige po, tita, tito. Aalis na po kami.” Pagpapaalam ni Miss Caroline kaya naman bahagyang natawa sila mama’t papa.

“Bye po, tito, tita.” Pagpapaalam din ni Ryder.

Tiningnan naman ako ni Miss Caroline at sinenyasang magpaalam na.

“Saglit lang naman eh, sisilipin ko lang.” Bulong ko kay Miss Caroline habang nakakunot ang noo.

Vampire's NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon