Chapter 6

76 3 0
                                    

Sunday









Matheo's Point of View

Ngayon ay kakabili ko lang ng mga prutas para sa nanay ni Raf, dahil susurpresahin ko sila.

Nag jeep lang ako papunta sa ospital at makalipas ang limang minuto, nakarating na ako sa ospital kung saan nakaconfine ang nanay ni Raf.

Pagkarating ko sa lobby ay nilapitan ko na agad ang mga nurse at nag tanong.

"Asan po ang room ni miss Hilda Gutierez?" Magalang na tanong ko.

"Nasa room 208 po sa second floor." Nakangiting pag kakasabi ng isang nurse na babae, kaya naman dumiretso na ako sa second floor at hinanap ang room ng mama ni Raf.

Nang makita ko na ang room, kumatok ako dito at hinintay na mayroong mag bukas.

Makalipas ang ilang segundo, bumukas na ito at nakita ko si ate Sunshine.

"Oh Theo. Pasok ka!" Gulat na pag kakasabi ni ate Sunshine, nakakatandang kapatid ni Raf.

"Oh pre! Pupunta ka pala ba't 'di ka man lang nag chat?" Gulat na pag kakasabi rin ni Raf.

"Edi kung sinabi ko, hindi na surprise." Nakangiti kong pag kakasabi at nag lakad papalapit kay tita Hilda.

"Tita sorry po. Ngayon lang ako nakadalaw kasi naging busy ako sa pinag O-OJT-han ko eh." Pag papaumanhin ko kay tita at nilapag na sa lamesa katabi ng higaan niya ang mga prutas na binili ko.

"Ano ka ba? Okay lang yun. Salamat nga pala sa mga prutas na binili mo, nag abala ka pa." Masiglang pag kakasabi ni tita.

"Wala po yun tita." Sabi ko sabay ngumiti at umupo na sa sofa kung saan rin nakaupo si Raf, habang si ate Sunshine naman ay nakaupo sa upuan malapit sa kama ni tita.

"Okay na ba si tita?" Tanong ko kay Raf.

"Oo. Buti nga eh, nakampanti na kami ni ate." Nakangiting pag kakasabi ni Raf.

"Buti naman, anong sabi ng doktor?" Tanong ko.

"Sinabihan lang kami na alagaan si mama nang mabuti at huwag hahayaang mastress ng sobra at wag rin daw pakainin ng mga bawal sakanya." Pag didiin ni Raf sa huling sinabi niya na parang may pinariringgan.

"Oh, ano na naman yun?!" Apila ni ate Sunshine.

Kaya naman napatingin ako kay ate Sunshine na nakataas ang kilay kay Raf.

"Ikaw kasi, kinukunsinti mo pa si mama na kumain ng mga bawal sakanya, ayan tuloy." Pakikipag away ni Raf kay ate Sunshine.

Mas napataas naman ng kilay si ate Sunshine habang naka cross arms.

"Eh bakit? Eh sa yun yung gusto niya eh, alangan pag bawalan ko siya eh baka mas mag kasakit naman si mama at sumama pa ang loob satin at mas atakihin." Pasigaw na pag kakasabi ni ate Sunshine kaya naman natawa na lang ako.

Palagi talaga silang ganyan mag kapatid, dati nag aalala pa ako, ngayon sanay na ako.

" Eh yun nga kasi yung sabi ng doctor, dapat sinusunod natin diba! " Pasigaw rin na sagot ni Raf.

Vampire's NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon