Chapter 5

65 8 0
                                    

Presentation








Velvet's Point of View

Sabado na, at ito na ang araw ng presentation ni Gino.

Buong linggo ko siyang hindi nakausap at hindi rin halos nakita dahil sa pagiging abala niya sa presention niya, balita ko pa nga ay nag over-time pa raw siya kagabi para matapos yung presentation niya.

As if naman maaapprove ng mga board members yung presention niya.

As usual ay hindi na naman ako nakatulog, mag damag lang akong nag hahanap ng susuotin ko para sa presentation.

*Ringtone ng phone*

[GOOD MOR-] Hindi na natapos ni miss Caroline ang pag bati niya dahil sumabat na agad ako.

"Hindi ako nakatulog, maliligo na ako." Walang emosyon kong pag kakasabi at inend na ang call.

Bumangon na ako sa higaan at dumiretso sa banyo, nag toothbrush at naligo.

Pag katapos maligo ay dumiretso na ako sa walk-in closet ko at kinuha na ang nakahanda kong damit.

Ang susuotin ko ngayon ay ang black off shoulders bodycon dress with longsleeves, at ang sapatos na susuotin ko ay ang color black kong high heels na closed toe.

Kinulot ko ang buhok ko at binraid ito ng pahalf updo, at as usual ay nag red lipstick lang.

Kinuha ko lang ang shoulder bag ko at bumaba na.

"Good morning Velvet!" Bungad ni Gavin sa'kin habang nakaabang sila sa'kin ni Ryder sa dulo ng hagdan.

"Good morning." Nakangiti kong pag bati.

Nang napatingin naman ako kay Ryder, nakatulala lang ito sa'kin kaya naman nilapitan ko ito at pinag masdan.

"Nako, nag kakasala ka na naman kay Bea." Natatawa kong pag kakasabi.

Bigla naman siyang nagising at inayos ang sarili.

"Huy hindi ah, alam mo namang nagagandahan talaga ako sa'yo, pero si Bea lang ang pinaka mamahal ko." Katwiran ni Ryder habang nakasunod sa'kin papunta sa hapag kainan.

"Mahal ka ba?" Tanong ko sakanya.

Pag dating namin sa hapag kainan, nakaupo na sina mama't papa kasama si miss Caroline na busy-ng busy sa pag aasikaso ng schedule ko eh dalawang meeting lang naman gagawin ko ngayong araw.

"Good morning anak! Umupo na kayo at kumain na tayo." Pag aaya ni mama.

"Good morning ma, pa." Nakangiti kong pag bati at bineso silang dalawa.

Pag kaupo ko ay nakita kong nakasimangot sa'kin si Ryder, pero hindi ko 'to pinansin at kumuha na ng salad.

"Pst! Miss Caroline, kumain na muna tayo at huwag kang mag feeling busy diyan dahil dalawa lang naman ang meeting ko ngayong araw." Sabi ko kay miss Caroline habang kumukuha ng salad.

"Ay sorry! Cinocontact ko pa kasi yung ibang board members." Sabi ni miss Caroline nang hindi man lang tumitingin sa'kin at abalang abala sa phone niya.

Napabuntong hininga na lang ako at kumain.

"Mamahalin din ako noon." Biglang salita ni Ryder.

Kaya naman napatingin kami ni Gavin sakanya at sabay natawa.

"Mamahalin? Eh ayaw niya nga magkaboyfriend ng bampira." Natatawang pag kakasabi ni Gavin, habang ako ay natatawa sakanilang dalawa habang kumakain.

Vampire's NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon