Mahal
Gavin's Point of View
"Talo ako." Sabi ko pagkarating ko sa lumang bar ni ate Caroline at nakitang nauna sa'kin si Aster.
May halong gulat naman ang pagtawa niya nang marealize niyang kakarating ko lang.
"Bakit ka nagpatalo?" Seryoso niyang tanong sa'kin pagkatanggal niya ng black wool coat niya.
"Ha? Iniinsulto mo ba ako?" Natatawa kong tanong pabalik at tinanggal na rin ang coat ko.
"Hindi! 'Di ko lang kasi inakala na ako 'yong mananalo." Sagot niya, kaya bahagya naman akong natawa dahil halata talaga sa itsura niya na hindi niya inaasahan ang naging resulta ng karera namin.
"Okay lang 'yan. Handa naman akong maghintay kahit gaano katagal, Aster." Malambing at nakangiti kong pagkakasabi sakaniya kaya bigla naman siyang napatingin nang diretso sa'kin.
"Eh paano kung ayoko naman na talagang paghintayin ka?" Sabi niya nang makalapit sa tinatayuan ko kaya marahan naman akong napalunok.
"H-huh? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong ngunit nginitian niya lang ako at pinagmasdan.
"Sinasagot na kita, Gavin." Nakangiti niyang pagkakasabi.
Nanlaki naman ang mata ko at hindi makapaniwala sa narinig.
Sinasagot?
Kami na ba?
"A-anong ibig mong sabihin?" Paninigurado kong tanong dahil baka iba naman ang ibig sabihin niya.
Tinawanan niya lang ako saka mas lumapit sa'kin, kaya naman bahagya akong napaatras.
"Tayo na, Gavin." Hindi nawawala ang ngiti niyang pagkakasabi kaya parang bigla naman akong nawala sa sarili at hindi alam kung anong gagawin.
Walang pagsidlan ang kasiyahan ko nang narinig ang sinabi ni Aster.
Marahan kong hinaplos ang pisngi niya at pinagmasdan nang mabuti ang mukha ng kasintahan ko.
Totoo ba 'to?
Hindi ba 'to pantasya lang?
Napababa ang tingin ko sa labi niya, at sa totoo lang ay gustong-gusto ko nang maramdaman ang tamis ng mga iyon sa labi ko, kaso natatakot ako na baka kapag nagpadala ako sa emosyon ko ay biglang bumalik sa ala-ala niya ang dahilan kung bakit siya naging bampira.
"Anong iniisip mo?" Nakangiti niyang tanong habang marahan ding hinahaplos ang pisngi ko at naglilipat lang din ang tingin niya sa mata at labi ko.
"P-pwede ba kitang halikan?" Nahihiya kong tanong habang nakatuon na ang pansin ko sa mga labi niya.
Mahina naman siyang natawa saka dahan-dahang tumango.
Huminga ako nang malalim bago tuluyang damhin ang mga labi niya.
Nabawasan ang kaba at hiya ko nang maramdamang nakangiti siya habang hinahalikan ko siya, kaya naman bahagya ko siyang nilapit sa'kin sa pamamagitan ng paghawak sa bewang niya.
Naramdaman ko naman ang pagpatong ng dalawa niyang braso sa balikat ko upang mas paglapitin pa kami.
Sa ilanpung taon kong nabubuhay, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong saya, 'yong walang kahit kaunting bahid ng lungkot, pagmamahal lamang ang tangi kong nararamdaman.
Ito 'yong mga sandaling hindi mo na gugustuhing matapos pa.
Mga sandaling kakayanin mong gawin ang lahat, tumigil lang ang oras.
BINABASA MO ANG
Vampire's Nightmare
VampireVelvet Lilliana Acosta is the CEO of a well-known fashion brand in the country, "Velvet's Passion", but beyond the knowledge of anyone-she is secretly a vampire. What will happen when she meets a man who looks exactly like the vampire who turned her...