Vampire's Nightmare

276 19 4
                                    

"Ano bang kailangan mo sa'kin? Please tigilan mo na ako, gusto ko nang umuwi!" Iyak ko habang papalapit ng papalapit sa'kin ang isang binatang may pangil at pula ang mata.

"Please, wag kang matakot, hindi kita sasaktan, mahal na mahal kita Velvet." Pag mamakaawa niya sa'kin

"Ano ba kailangan mo sa'kin? Please let me go, ayokong mamatay, wag mo 'kong patayin please." lumuhod ako sa harapan niya habang patuloy pa rin ang pag agos ng mga luha sa mata ko.

"Ikaw lang ang kailangan ko Velvet, sumama ka na sa'kin, aalagaan kita, hindi kita pababayaan, mahal na mahal kita." Patuloy na pag mamakaawa niya.

"Makakasama ko pa rin ba sila mama pag pumayag na ako sa gusto mo?" Patuloy kong pag iyak.

Napatigil siya, at parang nag isip.

"Sigurado kasi ako na hindi nila ako matatanggap, kaya hindi mo na sila makakasama, pero nandito naman ako eh, pwede mo naman ako maging pamilya, gagawa tayo ng pamilya, kahit ilang anak pa gusto mo. Just please stay with me Velvet." Pangungumbinsi niya sa'kin.

" No! No.. Ayoko, ayokong lumayo kela mama at papa, mag aalala sila sa'kin. Ayokong sumama sa'yo, please layuan mo na ako, wag ka nang lumapit ulit sa akin." Nauutal-utal kong pag kakasabi.

Nag simula na akong tumakbo palayo, nasa gubat kami at hindi ko alam kung saan ako papunta, nagulat na lang ako. Biglang may yumakap sakin patalikod.

"I can't let you go, sorry, I love you. " Bulong niya sa'kin.

Marahan niyang dinampi ang labi niya sa leeg ko at nag iwan doon ng halik bago ito tuluyang kagatin.

Vampire's NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon