Chapter 11

53 1 0
                                    

Harana






Velvet’s Point of View

“Nandito na si Ryder!” Sabi ni miss Caroline nang nakarating na kami sa mansyon at ipapark na sa garage 'yong kotse.

Natapos na namin ang lahat ng schedule ko para sa ngayong araw, kaya dito na kami sa mansyon dumiretso nang matapos ang branch visit ko sa BGC.

“Ryder, kumusta ‘yong laro mo?” Tanong agad ni miss Caroline nang sabay-sabay na kaming nag lalakad papasok sa mansyon.

“Ayos naman po, miss Caroline. Panalo ako.” Casual na pag kakasabi ni Ryder habang inaayos pa ang buhok na nagulo dahil sa pag tanggal ng helmet.

“Congrats!” Sabay-sabay naming sabi nila miss Caroline at Matheo.

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil alam kong magaling talaga sa pangangarera si Ryder.

Nginitian lang kami ni Ryder at pumasok na nga kami sa mansyon.

Bumungad samin si ate Tina na nasa sala at nag aayos ng mga gamit sa sala.

“Good evening po!” Magalang niyang bati.

Nginitian lang namin siya ni Ryder habang sina miss Caroline at Matheo naman ay binati siya pabalik.

Dumiretso na kami sa kusina at bumungad samin sina mama’t papa na abalang-abala sa isa’t isa.

Nasa tapat sila ng lutuan at parang nag luluto pa si mama dahil may pinapatikim siya kay papa, na mukhang gustong-gusto naman ni papa dahil lagpas langit ang ngiti nito habang sinusubuan siya ni mama.

“Ehem!” Malakas kong pag kakasabi, kaya naman sabay napatingin sa’kin sila mama’t papa.

“Ay, ‘nak! Andiyan na pala kayo!” Gulat na gulat na pag kakasabi ni mama at mabilis na binigay ang kanina niyang hawak na sandok kay papa at nag lakad papalapit samin.

“Doon muna kayo sa sala, tatawagin ko na lang kayo kapag pwede nang kumain.” Pag bibilin ni mama.

“Tulungan ko na po kayo, tita.” Pag piprisinta ni miss Caroline at nag lakad na siya papunta sa mga cupboard.

“Pwede rin po ba akong tumulong?” Nahihiyang tanong ni Matheo.

Napangiti naman si mama dahil doon, saka sumagot.

“Oo naman! Halika.” Malambing na pag kakasabi ni mama at inaya na si Matheo.

Kami naman ni Ryder ay sinunod lang si mama na mag hintay na lang sa sala.

“Gusto siya ni tita, ‘no?” Tanong sa’kin ni Ryder habang pareho kaming nakaupo sa sofa.

“Oo, gustong-gusto.” Natatawa kong sagot.

“Kumusta nga pala ‘yong pag tuturo sakaniya ni tita manahi kagabi?”

“Ayos naman, mas natuwa sakaniya si mama kasi nakita niya na marunong na pala manahi si Matheo gamit kamay.”

Vampire's NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon