Chapter 16

20 0 0
                                    

College Life




Ryder’s Point of View

“Uy! Gago, si Ryder!” Gulat na reaction ni Sam pagkarating ko sa garage niya, at sa harap niya ay may nakatalikod na babae.

“Si Ryder?!” Gulat na tanong ng babae kay Sam saka mabilis na lumingon.

“Bakit ka nandito?” Tanong ko kay Sunshine habang kumukuha na ng gamit panglinis ng motor.

“Ikaw ang bakit nandito?” Mataray niya ring tanong pabalik.

“Dahil kaibigan ko si Sam?” Sarkastiko kong pagkakasabi.

“Same reason.” Sagot niya sabay taas ng dalawang balikat.

“Wow, naging friend bigla turing ninyo sa’kin ah.” Komento ni Sam kaya pareho naman kaming napatingin sakaniya.

“Bakit hindi ba?” Masungit na sagot sakaniya ni Sunshine.

“Friend mo siya?” Sarkastikong pagtatanong ko kay Sam.

“ 'Di ba halata?” Pairap na tanong ni Sunshine.

“Ikaw ba tinatanong ko?” Masungit kong suhestiyon sakaniya kaya naman tinignan niya ako nang masama.

Nahinto ang masamang pagtititigan namin nang marinig ang tawa ni Sam.

“Sagot.” Seryoso kong sabi kay Sam.

“Oo.” Hindi niya siguradong sagot habang salitan ang tingin samin ni Sunshine na para bang lalamunin namin siya nang buhay.

“Eh siya?” Tanong naman ni Sunshine kay Sam, sabay baling ng tingin sa’kin.

Bahagya naman akong natawa dahil sa tanong niya.

“Seryoso ka ba?” Natatawang tanong ko kay Sunshine.

“Oo, bakit takot ka bang marinig ‘yong sagot niya?” Mayabang niyang tanong, kaya naman napahagalpak ako ng tawa.

“Kumpara sa’yo, mas matagal na akong kilala ni Sam kaya mas hindi kakuwestiyon-kuwestiyon ‘yong pagkakaibigan namin.” Sagot ko habang nakahalukipkip at nakasandal sa motor kong hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasisimulang linisan.

“Wala akong paki. Ikaw ba ‘yong tinanong ko?” Pangbabara niya sa’kin.

Natawa naman si Sam, kaya mabilis ko siyang tinignan nang masama.

“Oo naman.” Sagot ni Sam, habang nakatingin kay Sunshine.

Sabi ko na na nga ba, mas kaibigan niya ako kesa kay Sunshine kasi mas sigurado pagkakasagot niya sa’kin.

“Pwede na ba tayong magsimula sa paglilinis?” Tanong ni Sam, kaya naman nag kaniya-kaniya na kaming kuha ng gamit panglinis ng motor.

“So, babalik ka na sa pag r-race, pre?” Tanong ni Sam habang naglilinis na kami.

“Obvious ba?” Pabalik kong tanong habang pinupunasan na ng tuyong basahan ‘yong motor ko.

Isang linggo na makalipas ang fashion show ng kompanya, at naisip kong ayos naman na kami ni Sunshine at gusto ko rin na may pinagkakaabalahan ako maliban sa pagsama kay Velvet 24/7 kaya naisipan kong bumalik na sa pagkarera.

Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Sunshine.

“Hindi, baka miss mo lang kasi ako kaya ka nagpunta.” Parang nanunuyong tono ni Sam.

“Gago ka ba?” Seryosong tanong ko sakaniya, pagkatapos kong linisin ang motor ko.

“What if kayo talaga?” Natatawang komento ni Sunshine pagkatapos niyang linisin ang motor niya.

Vampire's NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon