Chapter 1(part 1)

205 13 3
                                    

Encounter








Velvet's Point of View

Bigla na lang akong nagising nang naramdaman kong may luha nang tumutulo sa mga mata ko.

Napanaginipan ko na naman ang pinaka kinamumuhian kong pangyayari sa buong buhay ko.

Pawis na pawis ako kaya dumiretso na agad ako sa banyo para mag sipilyo, nang bigla kong nakita ang sarili ko sa salamin.

Pula ang aking mata at may pangil.

"Dahil sa'yo nag kaganito ako." gigil na gigil kong pag kakasabi habang pinag mamasdan ang sarili ko sa salamin.

"Oras na mahanap kita, papatayin kita. Hihigitan ko ang bangungot na pinaranas mo sa'kin." Sinuntok ko ang pader at pinag masdan ang kamao kong dumudugo.

Isang minuto lamang ang lumipas, nag hilom na agad ang sugat nito.

Tumingin ulit ako sa salamin. Wala na ang pangil, at pula sa mata ko, kaya't nakahinga ako ng malalim.

Nag sipilyo lang ako at naligo na.

Nag suot lang ako ng pulang shirt at itim na tokong, at sinuot na ang aking kwintas.

Nang matapos akong mag bihis ay lumabas na agad ako sa tinutuluyan kong apartment at nag lakad papunta sa katabi nitong bahay.

-

Nakita ko si miss Caroline na nag didilig ng mga halaman sa labas ng kaniyang bahay.

Maaga pa lang ay ayos na ayos na agad ang kaniyang damit, katulad ng dati ay kulay ube na naman ang kaniyang kasuotan, ang kaniyang pang itaas, ang kaniyang mahabang pantalon at pati na rin ang kaniyang jacket ay kulay ube rin, at syempre hindi mawawala ang kaniyang balabal na palagi niyang suot at ang kaniyang hikaw na ang isa ay hugis buwan at ang isa naman ay hugis bituin.

"Velvet! Pasok ka. Ba't ang aga mo pumunta?" Aligagang pag kakasabi ni miss Caroline nang nakita ako sa tapat ng bahay niya, kaya naman pinag buksan niya agad ako ng gate, at pinapasok sa bahay niya.

"Oh umupo ka. ba't nga pala ang aga mo? mamayang gabi pa naman ang duty mo sa bar ha?" Panguusisa niya sa'kin habang kinukuhanan ako ng maiinom.

"Ikaw, bakit nakabihis ka na agad, saan ka pupunta miss Caroline?" Tanong ko rin sakanya.

Kaya naman napatingin siya sa'kin at natawa.

"Ikaw talaga!" at nilapag niya na nga sa lamesa yung tubig. "Pupunta na kasi ako sa bar, alam mo na mag aayos - ayos doon." Kwento niya at umupo sa sofa na kaharap ng inuupuan ko.

Ngumiti lang ako at uminom na ng tubig.

"Mabalik tayo sa tanong ko, bakit ang aga mong nagising? May nangyari ba?" Pag aalala niyang tanong.

Nag iba naman ang ekspresyon ng mukha ko nang bigla kong naalala ang bangungot ko.

"Napanaginipan ko yung nangyari sa'kin dalawang taon na ang nakakalipas." Nakayuko kong pag kakasabi.

Vampire's NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon