Chapter 10

99 3 0
                                    

Race






Velvet’s Point of View

“Tita, tito. Uwi na po kami!” Pag papaalam ni miss Caroline nang natapos na kaming mag dinner.

“Okay, okay. Ingat kayo!” Masiglang pag papaalam ni mama.

Masaya siya dahil hindi kasama si Matheo sa mga uuwi ng maaga.

“Ingat kayo ha.” Pag papaalam naman ni papa.

Bumeso lang kami sa isa’t isa at tuluyan na ngang umalis sina miss Caroline.

“Manang Flor, kayo na po muna ang bahalang mag ligpit diyan ha.” Pag bibilin ni mama kay manang Flor saka siya lumabas sa kusina para puntahan kami ni Matheo sa sala.

“Ano, Matheo. Ready ka na ba?” Excited na tanong ni mama kay Matheo, kaya naman napatingin ako kay Matheo na nakaupo sa sofa at parang iniisip kung tama lang ba ‘tong pinasok niya.

“Matheo?” Pag tatawag ni mama kay Matheo, kaya naman napatingala ito samin at napaayos ng upo.

“Po? O-opo.” Nahihiyang sagot ni Matheo at napakamot sa likod ng ulo niya.

Dahil naman doon ay malapad na ngumiti si mama.

“Hon, sasama ka ba?” Tanong ni mama kay papa noong bigla itong lumapit samin.

Nag salit naman ang tingin ni papa samin ni Matheo saka sumagot.

“Syempre naman.” Nakangiting sagot ni papa at para bang sasama lang para maobserbahan si Matheo.

“Ayos ka lang? Pwede ka nang umuwi ha.” Bulong ko kay Matheo habang papunta kami sa sewing room ni mama rito sa baba, malapit sa hagdanan.

“Po? Ah… Eh. Okay lang naman po, medyo kinakabahan lang.” Kabadong pag kakasabi ni Matheo.

Siguro ay natatakot ‘tong matusok na naman ang daliri niya.

“Wag kang mag alala, si mama na ang mag tuturo sayo manahi, kaya wala nang manunusok sayo ng karayum.” Pag papagaan ko sa loob niya, kaya naman bahagya siyang natawa.

“Ehem!” Malakas na pag kakasabi ni papa, kaya naman napatingin ako sakaniya at pareho na pala sila ni mama na nakatingin samin.

Napakunot naman ang noo ko at buti na lang ay bukas na ang pinto papunta sa sewing room ni mama kaya ako na ang unang pumasok.

All white ang pintura nitong kwarto para maging sapat ang liwanag na maibibigay nito sa pananahi. Puro shelf ang nakalagay sa mag kaprehong gilid ng kwarto na nag lalaman ng mga tela, sinulid at karayum. Mayroon namang sofa na mag kaharap sa gitna at pinagigitnaan yun ng isang bilog na lamesa, at nasa dulo ang sewing machine at isang magarang upuan.

“Wow!” Manghang pag kakasabi ni Matheo nang nakapasok na siya sa loob.

“Maganda ba, Matheo?” Nakangiting tanong ni mama at nag lakad papunta sa sewing machine at tumayo sa tabi ng upuan.

“Opo.” Maikling sagot ni Matheo at mas pinag masdan pa ang buong paligid ng kwarto. Habang si papa naman ay umupo lang sa isang sofa at kumuha ng diyaryo para basahin.

Vampire's NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon