Chapter 14

21 0 0
                                    

Fashion Show






Sunshine’s Point of View

Velvet’s Passion

“Softies” collection

Saturday July 4 2020, 7:00pm

Moonlight Convention Center, Manila

Note: Wear anything except pastels

“Totoo ba ‘to?!” Hindi makapaniwalang pagkakasabi ko pagkabasa sa invitation card na binigay sa’kin ni Samuel.

“Gago, Samuel. Seryoso ba ‘to?” Tanong ko ulit dahil hindi pa rin nagsi-sink in sa’kin na pinadalhan ako ng invitation ng VP para sa fashion show nila.

Tumingin ako sakaniya na nakaupo sa katapat kong upuan dahil kasalukuyan kaming nasa café dahil gusto niya makipagkita, hindi ko naman alam na ito pala ang rason ng pakikipagkita niya.

Tinawanan niya lang ako sabay tango.

“Oo nga. Hindi mo man lang ba tatanungin kung kanino ‘yan galing?” Nakangiti niyang tanong kaya agad namang napakunot ang noo ko dahil alam ko naman kung kanino ‘yon nanggaling.

“Malamang sa’yo, kaya nga ikaw nagbigay eh.” Masungit kong sagot kaya muli na naman siyang natawa na naging dahilan ng pagkasimangot ko.

“Pupunta ka ba?” Pag-iiba niya ng tanong.

“Oo naman! Jusko naman, Samuel. Alam mo namang fan ako ng VP, matagal na.” Excited kong pagkakasabi at muling tiningnan ang magarbong pagkakadisensyo ng invitation.

“Thank you talaga, Samuel. ‘Di ko alam kung anong magandang nagawa ko sa’yo para bigyan mo ko ng ganito. First time akong na-invite sa fashion show nila!” Mangiyak-ngiyak kong pagkakasabi dahil mula nang si Miss Velvet na ang naghandle ng VP, sumakto na ang tema nila sa porma ng pananamit ko, dati kasi 50-70 years old ang target market nila, ngayon ay pang mga young adult and adult na.

“Magyo-you’re welcome sana ako kaso hindi naman sa’kin galing ‘yang invitation.” Nakangising pagkakasabi ni Samuel kaya naman napakunot ako ng noo dahil binalik niya na naman ang topic kanina.

“Eh kanino? Kay Velvet? Niloloko mo ba ako?” Pangunguwestiyon ko sakaniya kaya siya natawa.

“Galing ‘yan kay Ryder.” Nakangiti niyang pagkakasabi kaya imbis na magulat at mamangha ay pinagtawanan ko lang siya.

Ano namang kinalaman ni Ryder kay Miss Velvet?

“Gago ka ba? Bakit biglang napasok si Ryder?” Natatawa pero nakasimangot kong pagkakasabi.

“Baliw. Hindi ba niya nasabi sa’yo na bodyguard siya ni Velvet?”

Seryoso ba ‘to sa mga sinasabi niya?

“Hindi, paano niya naman masasabi sa’kin Samuel eh dalawang buwan na nga ‘yong hindi nagpaparamdam.” Naaasar kong sagot.

Dalawang buwan na ang nakakalipas mula noong huling pagkikita namin ni Ryder, mula noon ay hindi ko na ulit siya nakitang nagraracing at hindi na rin siya nagpakita sa’kin.

Vampire's NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon