Kabanata 2

776 27 1
                                    

Takot

Pagod akong umuwi galing practice at dumiretso na lang ako sa kuwarto. Our house seems quiet today.

I tried to pull myself together to take a shower but my body feels tired. Tired of degrading myself. I am laying flat on my back with my arms wide open. Nakatunganga lang ako habang nakatitig kisame ng aking kuwarto, naghahanap ng motivation na gumalaw.

Kinuha ko ang aking phone sa bulsa at binuksan ang messenger. Sunod-sunod ang notifications sa group chat ng classroom namin. I turn off all of my notifications in that gc for good.

Binuksan ko naman ang gc naming magkakaibigan. Nagtatanong lang si Angie ng mga kulay ng kuwaderno dahil nasa Mall siya ngayon para bumili ng school supplies.

Nesfruta advertiser: ang dami talagang arte nung Filipino teacher! Gusto naka-yarn pa yung notebook at dapat 120 paper!

Fangie: so dalawa bibilhin ko sa Fil?

PIAttos: yah. Tsaka need daw color yellow.

Nesfruta advertiser: puta andaming reklamo!

Fangie: wag ka ngang magmura. Katabi ko lang si Mama.

PIAttos: lagot ka Kendra @Nesfruta advertiser.

Hindi ko alam kung anong pedeng i-message sa kanila gayong wala naman akong queries with regards sa requirements. Pero dahil nakita ko na ang message nila, ayoko namang magtampo sila sa akin at sabihan pa akong 'di kaibigan.

Bele Eilish: when deadline nung notebook?

PIAttos: sa friday daw. Tama ba? Hoy @Nesfruta advertiser nagtatanong si Bele.

Nesfruta advertiser: yes?? Oo! Sa friday na siya isusubmit.

Bele Eilish: thanks babe!

Nesfruta advertiser: np!

With that, hindi na ako nagbukas pa ng messenger. I focused on how I would be able to excel this year. Of course, Mommy expected me to be an honor student.

Nakakainis ang pressure pero wala na akong magagawa pa. Para rin naman sa akin 'to.

Pumasok ako kinabukasan na sobrang bigat ng bag. Simula na ng klase at 5 pm pa ang uwian namin. Itong Thursday ang pinaka-late naming uwian sa dami ng subjects. Iba-iba ang uwian kada grade level.

Unang bumungad sa akin ay ang mga lalaki sa corridor na akala mo namang mga pulis.

"Good morning Bele!" Maligayang bati sa akin ni Ej.

"Hi." Tipid kong sabi bago ako tuluyang pumasok sa room. My friends are not yet here kaya naupo ako sa aking respective seat sa tabi ng bintana.

Katabi lang ng room namin ang open field kaya sariwa ang hangin na pumapasok dito. Tuwing first period, bawal magbukas ng aircon kaya dama ko pa rin ang pang umagang hangin. I love my place here. It's soothing.

Nagbasa na lang ako ng libro para 'di ako nakatunganga sa room. Unang dumating si Pia na kaagad nagtanong kung anong libro ang binabasa ko.

"ACOTAR? Hala! Sino bebe mo sa mga bat boys?" Tanong niya at naupo sa vacant chair na katabi ko lang.

Napangiti ako dahil sa wakas may nakakarelate na rin sa akin.

"Bet ko si Cassian. Ewan ko ba! Rooting talaga ako sa kanila ni Nesta. 'Tsaka maloko iyong lalaking 'yon. Azriel is fine too! But I guess Cassian has his own way to steal my heart." I smirked.

"Hala, omg! Tapos yung buhok pa ni Cassian sis! So hot!" Pareho kaming kinikilig habang pinag-uusapan ang favorite series namin.

Sabay dumating si Kendra at Angie dahil magka-service lang. Gusto sana namin magchikahan ngunit late na sila. Parating na ang adviser namin kaya wala na silang nagawa kundi bumalik sa kanya-kanyang upuan.

Song of the WindWhere stories live. Discover now