Kabanata 4

607 27 2
                                    

Can't take my eyes off of you


Pagkaupo ko ay ramdam ko pa rin na mayroong nakatitig sa akin.

Medyo maingay ang room dahil napaka-interactive ni Sandro. He discussed to us the story that our English teacher is telling us to read—The Cask of Amontillado.

"Kahit magkaibigan si Montresor and Fortunato, dahil sa nangyari, sobra-sobra na ang galit at inggit ni Montresor sa kanyang kaibigan na kaya niya itong ilibing ng buhay." Si Sandro na nililinaw ang parte ng pagtataksil ng bida na si Montresor.

"Sir! Paano naging The Cask of Amontillado ang title ng story e parang ang layo naman sa nangyaring murder at revenge?" Louella... kanina pa siya tanong nang tanong kay Sandro at napuna ko na close sila dahil ang tawagan nila sa isa't isa ay sa kanilang palayaw.

"Well, isn't it ironic that Fortunato is named like that when he is not fortunate?" Napapaisip ako sa sinasabi nitong demonyong 'to. "This particular piece from Poe is emphasizing the Irony of the story. He was buried in the catacombs while he's drunk, believing that he'll have a taste of Montresor's wine—Amontillado. It's like the wine is his ticket to his death."

Well, he has a point. I need to take note of this so when our teacher asked about it, alam na namin ang isasagot.

Puro tawanan at kuwentuhan lang ang nangyari sa loob ng isang oras. Halos ang kausap niya ay sina Layla at Louella. Nakikisali rin sa tawanan sina Angie at Kendra dahil malapit lang sila sa upuan nina Layla.

"Siguro naman may natutunan kayo sa small discussion natin sa The Cask of Amontillado?"

"Yes, Sir!" Naglokohan pa ang tropahan ni Ej.

"Alright. Get one-fourth sheet of paper and we'll have a short quiz about the story."

"Hala!"

My classmates all groaned and whined upon hearing the term 'quiz'.

"Utos lang naman sa akin 'to e. Sige, gawin n'yo na. Kumuha na kayo ng papel."

Wala kaming nagawa kundi sumunod sa gusto niya. Ito namang mga kaklase ko, tanong nang tanong, gumagawa ng paraan para maudlot ang pagsusulit.

"Sir, puwedeng-puwede po kayong maging teacher! Magaling po kayong makihalubilo sa estudyante! Ano po ba ang gusto n'yong kunin sa kolehiyo?" Si Louella na kanina pa nagpapabida.

Hindi ko alam pero naiirita ako sa tono ng pananalita ni Louella. Ang tinis tapos ang dating ay gusto niyang ibigay lahat ni Sandro ang atensyon niya sa kanya.

I can say that since Layla and Tiana are also looking angry at her. Ako nga lang, naiinis kay Sandro dahil nakakainis talaga siya! Kailangan pa bang i-explain 'yon?

"I plan to take educ." He cooly said.

"Weh?" Ayaw mong maniwala, girl?

Wait, what? First time ko lang marinig iyon ah!

I waited for his answer to that. Naghihintay na baka linawin niya na iyon talaga ang kukunin niya. Anong subject naman siya mag s-specialize?

"Major in ano po, Sir?" Si Layla naman ngayon ang bumabawi.

"English sana." He smiled.

"Kaya naman pala gustong-gusto niyo yung topic! Mahilig po kayo sa literature?" Si Louella na pinapahaba pa ang kuwentuhan kaysa mag-quiz.

"Yup."

"Wow! Ano pa pong mga hilig n'yo? Hobby po gano'n."

Playing the piano...

Song of the WindWhere stories live. Discover now