Kabanata 8

532 25 3
                                    

Congrats


Pain demands to be felt.

John Green is right about how pain teaches our hearts to heal despite the scars. Pain is necessary for people to grow, so it demands to penetrate us until we are immune to it and defend ourselves in times of crisis.

Half day kami ngayon dahil kaarawan ng director ng school. We only celebrated its birthday at wala ng klase. My friends agreed that we should eat outside. Kaya hindi ko na tinawagan si Kuya na huwag muna ako sunduin.

Kumain kami sa paboritong canteen na pinagtatambayan ng mga estudyante, ang Mahogany Lane.

I ordered their siomai rice and soft drinks. Maraming estudyante ang nakatambay doon. It's cool here because of the Mahogany tree tunnel, the main reason why students of Academia Ambrosius de Santa Rosa love it here. Maraming nagpa-pa-picture sa tree tunnel dahil sa ganda nito. Hindi na kailangan ng electric fan o aircon dahil sariwa ang hangin. Malawak din ang lote ng Mahogany Lane kaya maraming espasyo para sa mga kakain.

After the tree tunnel, the circular tables are sprawled all over the area. Ang mga puno ang nagsisilbing lilim sa mga lamesa para hindi masakit sa balat ang sinag ng araw. 

"Hays! Birthday ni Sir Director pero wala man lang pakain ang school!" Kendra bit on her fishball after saying that.

"Nakakainis kasi teachers lang ang meron pero tayo ang nagbabayad ng tuition!" Pag-aalma ni Pia. Tinanguan ko na lang ang mga hinnanakit nila dahil kahit ako'y umaasang may pa-pancit man lang.

"OMG may naalala lang ako!" Muntik nang tumilapon ang lamang sauce ng plastic cup ni Kendra sa biglaang niyang paglapag nito.

"What is it?"

"Naalala ko lang i-chika na namumuro na sa akin 'yang Layla na 'yan ah!"

Tumango-tango si Pia, sinangayunan ang sinabi ni Kendra, "Magpa-practice raw kami ngayon kaya umalma si na Nathan gawa nang 'di man lang nag-inform na merong practice."

"Like, oo nga, bukas na iyong play pero nakakainis kasi dahil biglang naungkat na namba-back stab pala siya! Sa akin pa!" Kitang-kita ko ang panggigil ni Kendra sa paraan nang pagtuhog niya sa kwek-kwek at pagsubo nito.

"Kaya pala nagtagal kayo kanina." Ako. "Ano naman sinabi sa'yo?"

"Attitude raw ako!" Parang hindi makapaniwala si Kendra sa sinabi ni Layla. I stifle a small laugh. "Bakit kayo tumatawa?" Hindi ko namalayan na maging si Angie at Pia ay natawa na rin.

"Akala mo namang 'di siya attitude." I sneered.

She dramatically parted her lips for a gasped as she held on to her chest as if she is offended by our accusation, "Wow ah! Hindi naman ako mag-a-attitude kung 'di sila ganoon! If I bitch-faced someone, then that means I don't like 'em."

Natawa na lang ako sa sinabi ni Kendra dahil kahit ako, kaya kong gawin iyon sa mga taong sumisira sa akin at sa mga kaibigan ko.

"'Tas ito pa! May issue kasi silang magkakaibigan kaya ang ginawa nina Tiara..." She pertained to Layla's friend, "Nilaglag niya si Layla kung paano tayo bina-back stab ng mga pokpok na 'yon."

Ngumiwi ako sa sinabi niya at halos kumulo na rin ang dugo ko sa narinig na kuwento.

"Ano naman bina-back stab niya?" Si Angie na ngayon ay iritado na rin.

"Iyong pagiging malapit ni Bele kay Sandro."

Napatingin silang tatlo sa akin samantalang ako ay laglag panga akong nakatitig sa kanila.

Song of the WindWhere stories live. Discover now