Kabanata 9

513 21 10
                                    

TW: Gaslighting

Chained


Marahil ay sa sobrang saya ko, hindi ko na naisip pa ang mga posibleng mangyari. It is true that emotions can't overrule the rest, it catalyzes unrealistic expectations.

"Tanga ka ba?" My heart almost sank at the bottom of my soul upon hearing my brother's thundering voice.

"Huminahon ka nga muna Corvus-"

"Huminahon?! Paano ako kakalma kung sinakripisyo mo ang trust fund ko sa investment mo?!" Sobrang rahas nang paraan ng kanyang pananalita.

Kadarating ko lang galing school nang naabutan ko si Mommy at Kuya na nag-aaway. I didn't expect them to be home. Ang alam ko'y dalawang buwan si Mama sa Maynila dahil sa trabaho at si Kuya naman ay nasa Romblon kung saan nagbabakasyon.

"I didn't used your entire trust fund, Corvus! At huwag mo akong ma-tanga tanga dahil Nanay mo ako!" Ramdam ko sa sigaw ni Mommy ang pagod at sakit na naramdaman niya nang pagbintangan siya ni Kuya.

Nasa labas pa rin ako ng aming bahay, takot na madamay sa pag-aaway. Lagi namang ganito rito, lalo na kapag may 'di pagkakaunawaan si Kuya at Mommy. Simula nang mamatay si Daddy, lagi na lang silang nag-aaway. Dahil may kabastusan ang pag-uugali ni Kuya dahil sa kanyang bipolar disorder, nagiging mahirap para sa amin ni Mommy ang i-control ang galit ni Kuya.

"Kahit na! Tapos mababalitaan ko sa lintik mong asawa na nalulugi ang kompanya dahil sa pagsasakripisyo mo ng shares sa kompanya para lang sa hindi maganda mong investment?! Sinong tangang mag-i-invest sa iisang stock? Ikaw lang naman, putang ina mo! Akala mo matalino ka?! Bobo kang nanay ka! Wala kang kwenta!"

His words affected me, how much more to my mom?

I heard an ear-splitting noise from a shattered vase. Ang padabog na pag-martsa ni Kuya ang siyang nagsasaad na nakaakyat na 'to sa taas. Halos maiyak ako sa sitwasto sa taas. Halos maiyak ako sa sitwasyon ni Mommy ngayon.

Palagi na lang ganoon si Kuya. Kahit anong gawin namin, palagi na lang siya ang tama at kami ang mali. It is the effect of him having a bipolar two disorder kaya kahit anong galit niya ay pilit ko na lang na iniintindi. Ngunit ayokong mabaliwala ang nararamdaman namin. Hindi dahil mayroon siyang mental health issue ay tama ang kanyang ginagawa.

Sa nanginginig na binti, pumasok ako ng bahay. I heard my mother sobbing on the couch of our living room. Nakasilip ang mga kasambahay at nang makita ako'y nagsi-alisan sila. I gulped just by seeing her.

I don't know the proper way to approach someone who is weeping for I was deprived of the comfort I also needed.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang lumapit ako sa kanya. Naramdaman niya siguro ang paglapit ko kaya tiningalaan ako.

I slowly plastered a smile, one that I unusually do in front of them. It is what the situation calls for, right now.

Pinakita ko ang aking cellphone kung saan ko kinuhanan ng litrato ang listahan ng honor list. I don't know some ways how to cheer her up but I guess showing her some of my achievements would help her ease that she still has a daughter who is striving hard for the family.

Her dry lips parted as she stared at the phone. Ang paraan ng kanyang pagkakagulat ay tiyak na proud siya sa akin dahil with high ako.

"Top two?" Hindi siya makapaniwala sa kanyang sinabi.

I delightfully nodded my head. "And it's 96.3. My average last year was 94, so..."

My mother's face turned sour after hearing me cheered for my achievement. Halos itapon na sa akin ni Mama ang ipinakita kong honor list at card kong nasa phone rin.

Song of the WindWhere stories live. Discover now