Kabanata 14

468 20 8
                                    

Helpless

Kendra:

Hindi ako makakapasok today. :( Nilalagnat ako.

Iyon agad ang pambungad na bati sa akin ni Kendra matapos ang isang linggong semestral break.

Ako:

It's fine! Rest well :-*

After the music competition and the crazy rendezvous with Sandro (sa bahay lang naman), pumunta kaming Milan ni Charlene. Last minute change of plans dahil gusto na rin ni Charlene pumuntang Italy para makabili siya ng damit. 

Ambilis lang ng aming bakasyon. After our stay in Milan, umuwi na ka-agad kaming Pilipinas para makapag-enroll para sa second term. 

It's been two weeks since the music competition. Hindi ko alam kung kaya ko bang humarap sa school ngayon kahit wala na naman silang pakialam sa nangyari. Though, one thing had change - the barrier between Louella has worn out now. Good. Mahirap naman na may isa sa aming out of place sa classroom. I guess me loosing had impacted Louella's life. 

I wore my school uniform and braided my hair on the sides and let the rest of my hair flow. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Puting-puti ang aking balat na kaunting blush ko lang ay namumula na ang aking buong katawan. 

Bumaba ako para mag-agahan. I appreciated the silence. Ang saya talaga kapag wala sila. Kaya kong mag-isip nang matino. Hindi puro pangamba na lang. At this moment, iniisip ko ang mga tutugtugin ko mamaya kasama si Ma'am Florence. 

Lumipad ang utak ko kay Sandro. It's monday. Late ang uwi niya at may training pa. Does that mean hindi ko siya makikita? Dalawang linggo na ring hindi kami nagkikita.

"Alis na po ako." Sabi ko sa mga kasambahay na hinatid ako papalabas ng bahay.

"Ingat ka po, Ma'am!"

Tinanguan ko silang lahat at saka sumakay ng SUV para makapunta ng school.

Pagkakita ko pa lang ng gate, para bang ang puso ko ay nahulog sa sahig. Ba't ba ako kinakabahan? Natatakot ako na husgahan ako ng iba kasi natalo ako. I am afraid that others would react the same way as my mother.

Stop it, Cybele. Stop thinking so lowly about others. Baka nakalimutan na nila ang nangyari at ang maging laman ng mga topic ay ang mga pangyayari sa undas. Yes, that's right.

Wala namang gumambala sa akin sa hallway. As usual, maingay pa rin ang mga grade seven pero hindi ang tungkol sa nangyari last week. I mentally sighed at that. I should stop worrying about what others think of me. But I can't help it. 

Ilang taon ko na rin naranasan at binigyang diin na importante ang opinyon ng iba. Sabi nga ni Mommy, paano ako matututo kung hindi ko alam paano tumanggap ng kritisimo sa iba?

Pagkarating ko ng classroom ay nag ja-jamming ang iilan kong kaklase. Lalo na ang mga boys. May dalang beatbox si Ej at si Jem ay tumutugtog ng gitara. I smiled at that. Ang section namin ay buhay na buhay dahil dalawang banda ang narito. 

Ang ilang girls na nakaupo sa kaniya-kanyang upuan ay nakikisama sa pagkanta.  

Hindi magbabago

Pagmamahal sa iyo

Sana'y pakinggan mo

Ang awit ng pusong ito

Namangha ako nang magsimulang kumanta si Aaron. I shot my brows in amusement as a creepy smile plastered on my lips. 

Aba! Itong lalaking 'to! Ganda-ganda ng boses!

Song of the WindWhere stories live. Discover now