Kabanata 11

512 17 3
                                    

Why


"Gising na siya!" Ang matinis na sigaw ni Pia ang nagpagising sa akin.

I slowly opened my eyes and tried to sit up from laying down. May kamay na pumigil sa akin sa pag-angat.

Ate Ana's genuine smile enveloped my vision. "It's bad for you to suddenly stress yourself to such activity. Humiga ka muna." Malambing niyang untag.

I followed what she said. My vision is still a blur from the sides, but as I slowly got a clearer view, doon ko natanto na marami pa lang taong nakapalibot sa kama kung saan ako nakahiga.

Nasa tabi ko si Kendra at Pia na ngayon ay todo ngiti. Cha is at the other side of my bed, holding my hand. Ate Ana is beside her who is now checking my condition. Si Ate Andeng at Ate Ae ay nasa paanan ko ngayon, nag-uusap habang nakatingin sa akin.

Ginawaran ako ng matamis na ngiti ni Ate Ae. "How are you?" She asked.

"What happened?" Hindi ko alam kung paano ba ako nadali ng bola. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi ko na na proseso.

"Nagte-training ang mga boys. Pinasa nung Agdepa ang bola kay Cruz, hindi nasalo ni Cruz kaya ikaw ang nadali. Sobrang lakas pa naman nang pagkakapasa ni Agdepa sa bola kaya siguro ganito ang naging impact sa'yo." Ate Ana explained to me in details.

Walang gana akong tumango sa kanya ngayong naliwanagan na ako sa mga nangyari.

"Kayo nagbuhat sa akin dito?"

Umiling si Charlene. "Sandro carried you here."

Natigil ako sa binanggit niyang pangalan, biglang nahiya. Paano niya kaya ako binuhat? I probably look helpless! Isa sa ayaw kong mangyari ay iyong may nangyayari nang wala akong kamalay-malay. Mabuti na lang at na andito ang kaibigan ko at ang kaibigan ng pinsan ko.

"Tsk. Dapat na andito iyong Agdepa na 'yon. Kasalanan niya 'to e." Si Cha na namumula na ang ulo sa galit.

"Ano na ba nangyayari sa gym ngayon?"

"It's just the second quarter of the game. Lamang ngayon ang batch n'yo." Si Ate Andeng.

They're all here because of me. Imbis na nanonood ng laro, naandito sila sa clinic para damayan ako.

"I am feeling better. Punta na kayo sa gym." I specifically looked at Kendra.

She must've been sad because she failed to see her crush playing. Ayaw ko talaga na may nag-aalala sa akin kahit iyon ang kailangan ko. Nasanay na siguro akong walang may pakialam sa akin.

Kendra raised her brow, questioning what I said. "It's boring to watch the game, anyway. Puwede namang sa finals na lang tayo manood." Kendra said.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman sa sinabi ni Kendra. I know she is a good person. A queen bitch but overly obsessed with her crush that hearing her this is such a surprise to me.

"E'di kayo na lang Cha. Baka mainip kayo kakatingin sa akin." I lightly chuckled.

"Ayokong bumalik doon. Mainit. Malamig dito." Cha smirked at me and so does everyone. Napanguso ako sa sinabi niya.

"Okay. And how long are you all going to stay here?" I asked them.

"Higa ka lang diyan hanggang mag dismissal, ah?" Ate Ana teased. Natawa kaming lahat sa sinabi niya.

Nagpatuloy ang pag-uusap namin at napunta pa nga sa iilang sensitibong paksa.

Four o'clock strike, it was time for us to pack up. Maayos na naman ang kondisyon ko at hindi na nahihilo. Nakatulog din ako ng kaunti at ganoon din sila. Hindi pa nga makatulog nang ayos dahil sa mumunting hagikhikan ni Ate Ana at Ate Andeng.

Song of the WindWhere stories live. Discover now