Kabanata 32

574 21 2
                                    

Air

If thoughts can be projected through the open space, mine would be as colorful as the light passing through a prism—colors dancing as light moves from one direction to another.

Buong araw akong nakangiti simula nang umuwi si Sandro sa kanyang apartment. Ni hindi ko nga matapos ang pinipinta ko pati ang mga paperworks ko na kailangan kong i-submit kay Mommy. My mind is floating midair for dreaming what had happened earlier.

We kissed! We freaking kissed! Anong ibig sabihin no'n para sa kanya? Does that mean he still likes me?

Oo naman, Cybele! Sinong magkaibigan ang maghahalikan nang ganoong paraan?

Because of my daydreaming, hindi ko na natapos ang gawain ko. Instead, I talked to myself like a crazy lunatic that I am. Iniisip ko na ako'y nasa isang interview or vlog, nagku-kuwento ng love story namin.

Ay naku! Malala na talaga ako!

Kahit ako'y nagluluto ng dinner ko, lumutang ang utak ko at kanina pa ako nakangiti habang nagsasandok ng kanin at ulam. Rowan is probably creeping out right now. Kanina pa kasi ako nakangiti na parang tanga tapos biglang tatawa!

Mas lalo akong nabaliw nang biglang nag text sa akin si Sandro. I also changed his nickname para naman mas thrilled ako.

Addicted to you:

Anong gagawin mo bukas?

Huminto ako sa pag kain ko at nagtipa ng reply.

WOW, Cybele, mag-intay ka naman ng isang minuto bago mag reply! Nagmumukha tayong uhaw!

Kaya ang ginawa ko ay nag-intay muna ako ng tatlong minuto. It was the longest three minutes of my life!

Ako:

Wala. Bakit? :D


Addicted to you:

Wanna go on a trip with me? May bibilhin lang ako sa Interlaken.

Interlaken! Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta roon kahit kapitbahay lang namin ang village na 'yon!

Tinignan ko muna ang schedule ko at baka may gagawing importante pala ako bukas.



April 2

9 am - 10 am: Meeting with Jane (my secretary)

10: 30 am - 11:30 am: Submission of final grades to Dean.

2:00 pm - 4:00 pm: Teacher's conference in preparation for next AY Curriculum.

6:00 pm - 8:00 pm: Meeting with the board of directors



Napahilamos ako nang makita ang punong-punong schedule. Dapat ang submission ng final grades ay sa susunod na linggo pa pero ang original plan ay sa Seiser Alm kami next week kaya dito ko binuhos lahat ng mga gagawin.

Sa teacher's conference naman, hindi na naman ako kailangan doon dahil nag-usap na naman ako ng aking ka-team na si Mrs. Parker tungkol sa syllabus next year.

Sa meeting naman kasama ang boards, puwede namang umattend na lang si Jane para sa akin.

I contacted Jane if she is busy tonight dahil ngayon na kami mag-u-update para bukas, alam na niya ang aattend-an niya sa meeting.

Ako (to Addicted to you):

I'm free tomorrow. What time are we going to leave?


Jane Rodil (Secretary):

Good evening, Madame Seranilla. Yes, I am free tonight for our discussion.

Addicted to you:

How about 8 am?

Song of the WindWhere stories live. Discover now