A/N: Sorry sa matagal na update. Inayos ko lang po kasi 'yung Manuscript ng Chasing Mr. Collins.
Baka gusto niyong um-order?😊
DM niyo lang po ako sa FB ACC ko : Jah Collins.
Chapter 40
—
Hindi mapawi ang ngiti sa aking labi habang pinapanood si Kaizer na umo-order ng barbecue. Pinaupo na muna niya ako dahil siya na lang daw ang o-order ng kakainin namin. Hindi naman na ako tumanggi pa at hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.
Ang sabi niya, sinundan niya raw ako? Pero bakit hindi ko man lang napansin na, may nakasunod pala sa akin at si Kazier 'yon. Nakakapagtaka lang, nang ihatid niya ba ako kanina ay hindi pa rin siya umaalis sa subdivision namin?
"Hey."
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Nakangiti ko siyang pinanood na naupo sa upuang nasa harapan ko.
"Tapos na?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
He smiled and nodded. "Yes."
"Anong mga in-order mo?" Tanong ko sa kanya. Ang aking tingin ay tinitingala ang barbeque na iniihaw na ngayon. Hindi ko makita dahil medyo malayo ang pwesto namin sa pag-ihawan ng barbeque.
Lalo akong nagugutom sa mabangong amoy na nalalanghap ko mula sa barbeque. Ang tagal naman nilang ihawin! Nagugutom na ako.
"Pork."
Muli akong napalingon kay Kaizer ng magsalita siya. "Oh, tapos?"
"Hindi ko alam ang tawag sa iba. Nag-order din ako ng ulo ng manok."
Mahina akong natawa ng makitang matapos sabihin ni Kaizer na um-order din siya ng ulo ng manok ay napangiwi siya.
"Ayaw mo ng ulo ng manok?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. Kundi, nakipagtitigan lang siya sa akin. Sinimangutan ko siya.
"I miss you."
Napaamang ang labi ko ng marinig ang tatlong salitang binitiwan ni Kaizer. "H-Ha?"
Teka, tama ba 'yung narinig ko? Hindi ko naman guni-guni lang 'yon 'di ba?
"I miss you." Seryosong saad niya muli. Ang kanyang mga mata ay deretsong nakatitig sa akin.
Ang puso ko...
Ang bilis na naman ng pagtibok.
Isang tao lang naman ang nakakagawa no'n.
Walang iba kundi si Kazier.
Hindi ko naman itatangging na-miss ko rin siya. Sobrang na-miss ko nga siya eh.
Nasilayan ko ang unti-unting pamumuo ng isang ngisi sa kanyang labi. "You're blushing."
Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kaizer. Ramdam kong mas namula pa lalo ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Dali-dali akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Nakakahiya! Nakita niya ang pamumula ng mukha ko! At alam niya mismo na, siya ang dahilan no'n!
"I like it."
"Heh!"
Hindi ko pinapansin ang sinabi niya dahil mas lalo lang namumula ang mukha ko ngayon kaya hindi ko siya magawang lingunin dahil ayaw kong makita niya ang namumula kong mukha.
Napaigtad ako sa gulat ng maramdaman ang dalawang kamay ni Kaizer na hinawakan ang mukha ko.
"Kaizer!" Mahinang sabi ko. May halong pagbabanta. Niyuko ko pa ang mukha ko at saka ko pilit na inaalis ang kamay niya na nasa mukha ko ngunit ayaw niya.
BINABASA MO ANG
Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED]
RomansaColor Series 3 : Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS] Kaizer Villafuente and Red Sachi