Chapter 46

1.1K 24 6
                                    

Chapter 46

Wala sa sarili akong nakatingin kay Arf at Fritz na bitbit pababa ng hagdan ang mga maletang may lamang gamit ko. Si Mommy and Daddy na ang nagdesisyon para sa akin. Hindi na ako makakatanggi pa. Ang totoo n'yan, nahihiya ako kila Mommy and Daddy. 'Yung pangako kong makakapagtapos ako ng pag-aaral hindi ko na nagawa. Hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa kanila. Kahit na okay naman kami, gusto ko pa rin humingi ng tawad dahil binigo ko sila sa pinangako ko. At isa pa, naniniwala naman akong ito ang makakabuti para sa amin ng anak ko. Ang itago siya sa sarili niyang Ama.

Napakunot ang noo ko ng makitang muling aakyat ng hagdan ang dalawa pagkatapos nilang ibaba ang dalawang maleta.

"Anong gagawin niyo d'yan?" Kunot-noong tanong ko.

Parehas nila akong nilingong dalawa ng marinig ang tanong ko. Nakapamewang na ako ngayon.

"Sa kwarto mo, may gamit pang—" Hindi ko na pinatapos pang magsalita si Fritz.

"Ang dami niyo naman atang minaletang gamit ko? Nahiya pa kayo, isama niyo na rin kayang imaleta 'yung kwarto ko." I said sarcastically. Napangiwi naman silang dalawa sa sinabi ko. Nakakainis sila, pinagmumukha nila sa akin na hindi na ako welcome bumalik dito dahil halos lahat naman na ata ng gamit sa kwarto ko ay imamaleta na nila.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa at saka ako naglakad papunta sa dalawang maletang binaba nila.

"Ang dami mo kayang damit." Si Fritz. Salubong ang kilay na tiningala ko siya.

"Puro damit mo palang 'yan." Masungit na sabi niya at saka ako inirapan bago tinalikuran. Napaamang ang labi ko. What the?

Pinanood ko lang silang dalawa na nagpatuloy na sa pag-akyat sa hagdan.

Ngayon araw na ito rin ang alis namin. Kaya naman pagkatapos naming mag-breakfast kanina ay inutusan na ni Dad ang dalawang kapatid ko na mag-impake ng gamit ko.

Nang mawala sa paningin ko ang dalawa, sumunod na rin akong umakyat para tignan kung ano na ang mga minamaleta no'ng dalawa.

Nagulat ako ng makita si Azure sa loob ng kwarto ko at siyang nag uutos sa dalawa kung ano ang iiimpake. Nakahinga ako ng maluwag dahil do'n. Kaya pala wala siya sa baba ay nandito na siya kanina pa.

Napatingin sila sa akin ng maramdaman ang presensya ko. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at naupo sa higaan ko.

"H'wag kana munang gumamit ng make-ups. Pero idadala mo pa rin naman 'to."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Azure. "Bakit naman?"

"Bawal sa buntis ang make-ups."

Sumimangot ako sa sinabi ni Azure. "Totoo?"

Seryoso niya akong nilingon kaya hindi ko mapigilang mapalunok. "Mukha ba akong nagbibiro?"

Dali-dali akong umiling sa sinabi ni Azure. "Sabi ko nga bawal." Sabi ko at tipid na ngumiti kay Azure. Narinig ko ang pagtawa nila Arf at Fritz pero hindi ko na 'yon pinansin. Ayokong sumakit pa ang ulo ko sa kanilang dalawa ngayong aalis na ako.

Nang hindi na nakatingin sa akin si Azure, unti-unting napalitan ng pagkangiwi ang ngiti sa labi ko.

Bawal ba talaga ang make-up sa buntis? Bakit hindi ko alam na naniniwala pala si Azure sa pamahiin ng matatanda. Pero bawal ba talaga? Okay lang naman na hindi ako gumamit nyan kasi maganda pa rin naman ako. Hindi ko lang talaga alam na bawal pala ang make up sa buntis.

"Azure.." Tawag ko kay Azure na busy sa pag-uutos sa dalawa sa pag-iimpake ng mga gamit ko.

"Hmm?"

"Ano pang mga pamahiin about sa pagbubuntis ang alam mo?" Tanong ko sa kanya.

Agad kong matamis na nginitian si Azure ng makitang salubong ang kilay niyang nilingon ako.

"I'm just asking."

Pagkatapos kong sabihin 'yon inalis na niya ang tingin niya sa akin.

"Uy, Azure—"

"Shut up!"

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ko sa sinabi ni Azure.

"Hahaha!"

Hindi ko alam na maiinis si Azure. Sobrang sama na ng tingin niya sa akin ngayon pero ako, patuloy pa rin sa pagtawa.

"Hindi ko alam na naniniwala ka pala sa mga pamahiin ng matatanda." Natatawang sabi ko.

Nakita ko sa gilid ng paningin ko ang pagpipigil ng tawa nila Arf at Fritz dahil sa sinabi ko.

"Kung hindi ka titigil lahat ng cassava cake, hindi mo idadala."

Agad akong natigil sa pagtawa ng marinig ang sinabi ni Azure. Malalaki ang mga mata kong napatitig sa kanya.

Isang ngisi ang pinakawalan ni Azure sa kanyang labi bago nag-iwas ng tingin sa akin.

Grabe! Hindi ako papayag!

Nang oras na para umalis, sumama ang mga kapatid ko sa paghatid sa akin sa airport. Habang nasa sa sasakyan, si Fritz ay salita nang salita. Kung ano-ano ang mga sinasabi niya. Nagbibilin pa ng kung ano-ano.

"Hayaan mo, palagi ka naman naming bibisitahin sa states pag may free time kami." Tulad na lang nito. Para namang gusto ko siyang bisitahin ako sa states. Hindi ko na lang pinapansin ang mga sinasabi niya. Ganoon din naman itong mga kasama ko.

Pagdating sa airport, saglit lang kami nagpaalam bago tuluyang umalis.

Nasa eroplano na ako ng tuluyang kong ma-realize na tuluyan ko ng nilisan ang lugar na kinalakihan ko. Umalis ako sa Pilipinas para sa katahimikan ko at makalayo sa taong mahal ko.

Mapait akong napangiti bago dahan-dahang ipinikit ang aking mga mata.

Panibagong buhay ang kahaharapin ko sa ibang bansa.

Ngunit hindi mawala sa akin ang pag-asang hahanapin ako ni Kaizer.

Posible kayang mahanap niya ako ngayong nangako ang mga kapatid kong hindi ako mahahanap ni Kaizer kahit na gamitin pa nito ang kayamanan niya.

Napahawak ako sa tiyan ko na ngayon ay medyo malaki na. Gusto kong humingi ng tawad sa anak ko sa paglayo ko sa kanya sa kanyang Ama. Hindi ko pa kayang patawarin ang Daddy mo kaya ito lang muna ang kayang gawin ni Mommy. Ang ilayo ka sa kanya.

Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon