Chapter Thirteen
"Kaizer, wait!" Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa Secretary ni Kaizer na hinarangan ako para hindi makalapit kay Kaizer.
"Ma'am, hindi po kayo pwedeng sumunod kay Sir. Hanggang dito na lang po kayo."
I glared at him. "Kaizer, wait!"
"Ma'am, hindi nga po kayo pwedeng sumunod. Kung gusto niyo po, umuwi na kayo."
Agad na tumalim ang tingin ko sa Sekretarya ni Kaizer dahil sa sinabi nito.
Agad namang siyang yumuko.
"Pina aalis mo na ba ako?!" Naiinis na asik ko sa kanya.
Mabilis naman siyang umiling iling. "Hindi po, Ma'am. Pasensya na po."
Pag katapos niyang sabihin 'yon, umalis na din siya at tinungo ang daang tinahak ni Kaizer kanina.
"Tsk, nakakainis!" Inis na inis akong pumasok ulit sa office ni Kaizer. Pabagsak akong naupo sa isang mahabang sofa.
May biglaang board meeting si Kaizer. Humabol lang naman ako para sana bigyan ng good luck kiss si Kaizer pero dahil papansin ang kanyang Secretary, napurnada na naman ang plano ko.
Bwisit talaga 'yon!
Pauwiin ba naman ako?! Bwisit!
Nakanguso lang ako habang nakatingin sa pintuan ng office ni Kaizer. Hihintayin ko na lang siya. Balak ko kasing mag pahatid kay Kaizer pauwi ng bahay.
Pwede ko na din naman siyang ideretso sa kwarto ko. Basta ba wala doon ang mga kambal ko.
Kung ano-anong posisyon na ang ginawa ko dito sa long sofa, wala pa din si Kaizer.
Hanggang sa namalayan ko na lang na, nakahiga na ako at unti-unti ng nilalamon ng antok.
Unti-unti akong nag mulat ng mata dahil naramdaman kong parang may nakatitig sa akin kanina pa.
Agad na nanlaki ang aking mga mata ng si Kaizer ang bumulaga sa akin. Dali-dali akong bumangon sa pag kakahiga.
"Why are you still here?" Tanong niya ng makaayos ako ng upo. Ang lamig sa kanyang boses ay hindi pa din nawawala.
Nanatili akong nakatitig sa napakagwapo niyang mukha. Nang mapansin niya iyon, unti-unting napakunot ang kanyang nuo.
Nanlaki ang mata ko ng magawi ang tingin ko sa wall clock.
"Five pm na?"
Oh, gosh! Ang tagal ko naman pa lang nakatulog. Alas dos ng hapon ng matulog ako, tatlong oras din pala.
Muli kong ipinikit ang aking mga mata at saka ako sumandal sa sofa.
"Sa'yo na ako sasabay pauwi." Sabi ko bago ako muling nag mulat ng mata.
Ngumiti agad ako sa kanya ng mag tama ang tingin naming dalawa.
"May kotse kang dala."
Agad akong sumimangot sa sinabi niya. Tumayo agad ako at lumapit sa kanya ng mag lakad siya palayo sa akin.
"Sige na! Ihatid mo na ako."
"Umuwi kana."
Mas humaba ang nguso ko. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa maupo muli siya sa kanyang swivel chair.
Naupo naman ako sa visitor's chair.
"Sige na!"
Hahawakan ko pa lang sana ang kanyang kamay pero agad na niya 'yong nailayo sa akin.
"Kaizer.." Sobrang lambing ng boses ko ng tawagin ko ang kanyang pangalan.
Napakunot naman ang kanyang nuo ngunit nasa mga papeles pa din ang kanyang tingin.
Ang sarap sunugin ng mga papel na nasa harapan niya.
"Kaize—sabi ko nga uuwi na ako!"
Sobrang talim na naman kasi ng tingin niya sa akin. Hindi naman siya ganyan kanina eh! Ano kayang nang yari sa meeting nila?
"Aalis na ako."
Hindi ako tumayo dahil hindi naman siya nag salita.
"Uy! Hindi ko ba ako pipigilan?"
"Bakit ko naman gagawin 'yon?" Kunot nuong tanong niya.
I rolled my eyes. "Kasi gusto mo akong ihatid!"
Naiinis na ako sa kanya! Mag papahatid lang naman ako ayaw niya pa! Pinag sisihan ko tuloy na nag dala pa ako ng kotse. Hindi na lang sana ako nag dala.
"Mag bar na nga lang ako."
Tumayo na ako para sana aalis na, ngunit nagulat ako ng biglang hawakan ni Kaizer ang braso ko at saka ako pinaharap sa kanya.
Unti-unting nanlaki ang aking mga mata. "B-Bakit?"
"Uuwi ka at hindi mag ba-bar." He said coldly.
Unti-unting namuo ang ngisi sa aking labi dahil sa sinabi niya.
"Bakit, ayaw mo bang mag bar ako?" I asked teasingly.
Kinunutan niya ako ng nuo bago niya binalik ang tingin sa mga papeles at saka binitawan ang braso ko.
Muli akong naupo sa visitor's chair.
"Ayaw mo ba? Kung hindi mo ako ihahatid, mag ba-bar ako. Makikipag sexy dance ako sa iba't ibang lalaki. Pwede din naman akong sumama—"
"FINE!"
My eyes widened. "Anong fine? Okay na sa'yong mag bar ako?" Nakangiting tanong ko habang tinataas taasan ko siya ng kilay.
"Fine. Ihahatid na kita."
Napakagat ako sa pang ibabang labi ko dahil sa tuwa. OMG! Gusto kong kiligin ngunit hindi ko maaaring ipakita sa kanya.
"Halika na!"
Dali-dali akong tumayo at saka siya hinila din patayo.
Agad kong niyakap ang aking kamay sa kanyang braso bago siya hinila palabas ng office niya.
Tinaasan ko ng kilay at inirapan ko ang Secretary ni Kaizer ng makalabas kami ng office.
"Sir—"
"H'wag kana ngang umepal! Ihahatid niya ako sa amin kaya tumahimik ka dyan!"
Agad na napalunok ang Secretary ni Kaizer dahil sa sinabi ko. Tss, parang hindi lalaki.
Inirapan ko pa 'to ulit bago muling hinila si Kaizer.
Tuwang-tuwa ako dahil nasa amin lahat ng tingin ng mga empleyado ni Kaizer. Well, nasa akin na ang amo niyo.
"Kaizer, gusto mo bang kumain na muna tayo?" Tanong ko sa kanya ng parehas kaming makasakay sa kotse.
Nag kabit na din ako ng seat belt ko. Hindi siya nag salita kaya muli akong nag salita. "Oh, gusto mong ako muna ang kainin mo? Ahm, pwede naman."
Kunot nuong nilingon ako ni Kaizer. I smirked and raised my eyebrow.
"Kung gusto mo, pwede tayong mag hotel na lang muna." I said and bit my lower lip. Handa na ako mangagat.
Lumapit ako sa kanya, unti-unti ko ding inilapit ang aking mukha sa kanyang mukha habang ang aking daliri ay nag lalaro sa kanyang dibdib.
I smiled seductively. "Pwede din namang, dito na lang." I whispered.
Unti-unti kong nilapit ang aking labi sa labi niya.
Hanggang sa mag lapat na ang aming labi.
*BEEP *BEEP
Ay putangina!
![](https://img.wattpad.com/cover/241028885-288-k385830.jpg)
BINABASA MO ANG
Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED]
RomanceColor Series 3 : Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS] Kaizer Villafuente and Red Sachi