Chapter Eighteen

1.5K 40 4
                                    

Dedicated to my beautiful pwend ZaharaDeAsis ZaharaDeAsis ZaharaDeAsis

Enjoy reading! <3

Chapter Eighteen

"Red, pasensya na talaga sa sinabi ni Melvin sa'yo. Lasing lang talaga 'yon." Si Andrea na kanina pa humihingi ng tawad sa 'kin dahil sa sinabi ni Melvin sa akin.

I raised my eyebrow. "Bakit ikaw ang humihingi ng tawad? Ikaw ba ang may kasalan?" Mataray na tanong ko sa kanya.

Hindi naman siya sumagot kundi sinimangutan niya ako. "Red, sorry na."

"Tumahimik ka nga d'yan, Andrea. Oh, baka gusto mo, magalit din ako sa'yo?"

Dali-dali naman siyang umiling sa sinabi ko. Inirapan ko lang siya at saka na ako muling nag focus sa pag dra-drive. Naisipan kong mag mall kaya naman inaya ko siya.

"Teka, nung umalis kami ng gabing 'yon ni Melvin, umuwi kana ba ulit?" Maya-maya ay tanong ni Andrea sa akin.

Kaya naman, muli na namang bumalik sa akin ang mga nangyari ng gabing 'yon. Ang gabing kasama ko si Kazier.

"B-Bakit ka namumula? May nangyari ba?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Andrea. Lalo na ng makita ko siyang nakasilip sa 'kin.

"Ano ba, umayos ka nga!" Kunwari ay naiinis na asik ko sa kanya.

Nakasimangot naman siyang umayos mula sa pag kakaupo sa front seat. Ramdam ko pa rin naman ang tingin niya sa akin hanggang ngayon.

"Namumula ka, ibig sabihin may nangyari—" I cut her off.

"Shut up!" Hindi niya dapat malaman kung ano man ang nangyari sa aming dalawa ni Kaizer ng gabing 'yon.

"Manahimik ka na lang d'yan." Seryosong sabi ko kay Andrea. At ng lingunin ko siya, hindi ako makapaniwalang makikita siyang sobrang lapad ng ngiti sa akin.

Salubong ang aking kilay ng binalik ko ang aking tingin sa daan.

"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan?" Kunot nuong tanong ko kay Andrea. Hindi ko na muli siyang nilingon pa.

Narinig ko naman ang mahinang pag tawa niya. "May tinatago ka sa akin no?" Pang uusisa niya.

"Wala!"

"Talaga?" Hindi naniniwalang tanong niya sa akin.

I rolled my eyes. "Wala nga! At ano namang itatago ko sa'yo?" Inis na tanong ko sa kanya at saka ko siya saglit na sinulyapan.

She chuckled. "Aba! Malay ko sa'yo. Ano nga ba kasi ang tinatago mo?" Bakas ang pang aasar sa tono ng boses ni Andrea. Hindi ko tuloy mapigilang mapairap ng paulit-ulit.

"Ewan ko rin sa'yo."

Hindi ko na siya muling pinansin pa kahit na nangungulit siya sa akin.

"Tumigil kana nga! Nag mamaneho ako, gusto mo bang maaksidente tayo?"

"Bakit may nangyari ba sa inyo ni Kaizer?"

Bigla akong napapreno dahil sa sinabi tanong ni Andrea. Kaya naman parehas kaming napatiling dalawa.

"Oh my gosh, Red! Mabuti na lang nakasuot ako ng seatbelt!" Hindi makapaniwalang sabi ni Andrea. Bakas ang gulat at takot sa kanyang mukha dahil sa nangyari.

I sighed heavily. Hindi ko naman sinasadya! Nagulat kasi ako sa tanong ni Andrea.

"Kasalanan mo naman! Hindi kapa kasi tumitigil. Tapos 'yong mga tanong mo pa!" Inis na sabi ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Andrea habang nakatingin sa akin. "A-Ako ang may kasalanan? Ikaw kaya ang nag mamaneho! At teka nga; may nangyari ba sa inyo ni Kaizer?"

My eyes widened. "A-Ano bang klaseng tanong 'yan, Andrea!"

"Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko sa'yo. May nangyari ba sa inyo ni Kaizer?"

Naiinis akong nakipag titigan sa kanya. "Oo na! Meron ngang nangyari sa amin. Masaya kana?!" Inis na sabi ko sa kanya.

Napasinghap si Andrea ng marinig ang sinabi ko. Nanlalaki ang mga matang napatakip siya sa kanyang labi.

I rolled my eyes. Ngayong nasabi ko na sana naman tumahimik na siya. Tss!

Muli na akong nag patuloy sa pag mamaneho ng sasakyan.

"Oh my gosh! M-May nangyari sa inyo ni Kaizer?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi ko naman siya pinansin.

"R-Red, paanong—" I cut her off. Alam ko namang hindi na naman siya titigil kung hindi niya malalaman ang kwento.

"Tumahimik kana. Mag kwe-kwento na ako!"

Habang nag mamaneho, nag simula na akong nag kwento kay Andrea na tahimik namang nakikinig sa akin.

Pag katapos kong kwinento ang mga nangyari kay Andrea, maliban sa bed scene syempre. Nilingon ko siya. Tumaas ang kilay ko ng makitang tulala pa rin siyang nakatitig sa akin. Mukhang hindi pa nag si-sink in sa kanya ang mga kwinento ko.

"D-Dapat ba hindi kita iniwan sa bar?"

I rolled my eyes. "Andrea, wala akong pinag sisisihan sa nangyari sa amin ni Kaizer. Kaya 'wag ka ngang epal d'yan."

"Kasi naman eh."

"Tumahimik ka nalang. Malapit na tayo."

Sumunod naman siya sa utos ko. Kung kanina pa sana siya tumahimik, edi wala sana siyang nalaman.

Pag kapark ko ng kotse sa parking lot, lumabas na rin kami ng kotse ni Andrea.

"Mag wi-window shopping ba tayo?"

Napaamang ang labi ko sa sinabi ni Andrea. "Oh my gosh! Anong window shopping ang sinasabi mo d'yan? Excuse me, marami akong pera kaya hindi ako mag wi-window shopping lang." Maarteng sabi ko at saka ako nag flip ng hair.

"Sabi mo eh."

Inirapan ko lang si Andrea at saka na ako nag patuloy na sa pag lalakad.

"Kumain na muna kaya tayo?" Sabi ni Andrea ng tuluyan na kaming makapasok sa loob ng mall. Ang totoo nyan, may nakita kasi siyang isang Japanese restaurant.

No choice ako dahil hinila na ako ni Andrea papunta sa restaurant.

"Nagugutom na talaga ako—teka si Kaizer ba 'yon? Sino 'yong kasama niya?"

Agad akong napatingin sa tinuturo ni Andrea.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Kaizer. At hindi lang 'yon, may kasama pa siyang magandang babae; ang kaso mas maganda ako.

Sino naman kaya 'yan?

Hindi ko maintindihan kung bakit parang kumirot ang puso ko ng makitang ang saya-saya nilang dalawa habang nag uusap.

"Mukhang ang saya-saya nila oh."

Inis akong tumingin kay Andrea. "Nang iinis kaba?!"

"A-Anong hindi ah! Sinasabi ko lang naman kung ano ang nakikita ko—oh, sa'n ka pupunta? Hoy red!"

"Susugurin ko sila! Ang kapal—"

"Teka naman—"

"Bitawan mo nga ako, Andrea!" Galit na asik ko kay Andrea na hawak-hawak ngayon ang braso ko.

"Bakit ka naman susugod?"

"Kasi—" naputol ang sasabihin ko dahil hindi ko rin naman alam kung anong dahilan ko para sugurin sila.

Muli akong tumingin sa pwesto ni Kazier at ang kasama niyang babae. Kumakain na sila ngayon.

I sighed heavily. "Halika, umalis na tayo."

Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon