Chapter 25

1.3K 29 5
                                    

Chapter 25

Hindi ko namalayan ang oras. Nakatulog din ako sa tabi ni Andrea. Nang magising ako, saka ko lang naalala na susunduin nga pala ako ngayon ni Kaizer! Oh my gosh! Alas singko na ng hapon, nandoon pa kaya siya sa University? Hindi ko naman pwedeng iwan na lang dito si Andrea dahil nangako ako sa kanya na hindi ako aalis. Pero kasi—wala akong number ni Kaizer!

Tulog pa rin hanggang ngayon si Andrea. Paano kung ibilin ko na lang siya kay Manang?

Agad akong napatingin ng bumukas ang pinto. Iniluwa noon ang Kuya ni Andrea. Ngumiti siya ng makita ako. Ngumiti rin naman ako pabalik.

"How's my sister?" He asked worriedly. Nang mailapag niya sa study table ang tray na may lamang pag kain na bitbit niya, naupo siya sa tabi ni Andrea.

"Pinagpahinga ko na muna."

Tumango naman siya. "Ako na ang bahala sa kanya, pwede ka nang umalis."

Napaamang ang labi ko sa sinabi niya. Nang mag angat siya ng tingin sa akin, ngumiti siya. "Hinihintay ka ni Kaizer sa parking lot ng University niyo. Ang gago, ako pa ang ginulo. Sa susunod ibigay mo na sa kanya ang number mo."

Natawa ako sa sinabi ni Kuya. Oh gosh! Akala ko kung ano na.

Nag paalam na rin ako kay Kuya. Ibilin ko na sa kanya si Andrea. Siya na raw ang bahala dahil kauusapin niya pa si Andrea.

Ang driver ni Andrea ang nag hatid sa akin sa University. Hindi na ako nag paghatid sa parking lot kundi nilakad ko na lang ang parking lot. Marami pa naman ang estudyante dahil 'yung iba ay may klase pa.

Napatalon ako sa gulat ng may biglang humintong sasakyan sa tabi ko. Si Kaizer!

Nang bumukas ang bintana ng front seat, agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Balak mo ba akong sagasaan?!" Inis na asik ko sa kanya.

"Come in."

Aba't hindi man lang sinagot ang tanong ko! "Ayoko!" Inis na sabi ko at saka ako nag pameywang sa harapan niya.

Kumunot ang kanyang noo dahil sa ginawa ko. Pinag taasan ko naman siya ng kilay.

"Sakay!"

"Ayoko nga! Pag buksan mo muna ako ng pinto!"

Lalong napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko 'yon pinansin. Nakataas pa rin ang kilay ko hanggang ngayon habang nakatingin ako sa kanya.

"Ano? Hindi ako sasakay hangga't hindi mo ako pinag bubuksan ng pinto."

He sighed. "Fine."

Ngiting tagumpay naman ako lalo na nang lumabas na ng driver seat si Kaizer at saka nag lakad palapit sa akin.

Nag pag buksan niya ako ng pinto, matamis ko siyang nginitian. "Thank you!" I said and kissed his cheek.

Mabilis lang 'yon dahil pumapasok na agad ako ng front seat. Ako na rin ang nag sara ng pinto.

Palihim kong sinilip si Kaizer na, nakatayo pa rin hanggang ngayon sa labas pa rin ngayon. Malawak akong napangiti ng makitang may bahid ng ngiti sa labi ni Kaizer.

Binuksan ko ulit ang bintana ng front seat at saka ko sinilip si Kaizer. "Masaya ka ata?" Natatawang tanong ko sa kanya. Mas natawa pa ako pinagkunutan niya ako ng noo.

"Tss."

Ngumuso ako at saka pinanood siyang nag lakad na paikot sa driver seat. Nginitian ko pa muli siya ng mag tama ang tingin namin ng makasakay na siya.

Napaamang ang labi ko ng isnaban niya ako. What the?

"Kanina kapa ba dito?" I asked. Alas kwatro ang last class ko. Kung alas kwatro palang ay narito na siya, isang oras din siyang nag hintay! "Inuwi ko pa kasi si Andrea. At hoy! Sabihin mo do'n sa punyeta mong kaibigan, 'wag siyang mag papakita sa akin!" Nanggigigil na sabi ko kay Kaizer. Sinulyapan niya lang naman ako at hindi nag salita.

"Ang kapal ng mukha niyang mag bigay pa ng invitation kay Andrea! Tingin niya hindi nasaktan ang kaibigan ko? Pupunta ka ba do'n? Sama mo ako ah!"

"Tss."

"Sama mo ako."

"Tss. Fine."

Napangiti ako sa sinabi niya. Next Friday pa naman ang engagement party. Gusto kong sumama dahil gusto kong malaman at makita kung ano ang mangyayari sa araw na 'yon.

"May binabalak ka?"

Nanlalaki ang mga mata kong nilingon si Kaizer. "Wala ah!"

Matagal niya pa akong tinitigan bago siya napakibit balikat nalang. Halatang hindi siya naniwala sa sinabi ko. Napasimangot nalang ako.

Wala naman akong gagawing masama! Feeling ko lang, may mangyayaring maganda sa araw na 'yon.

Pupunta kaya ang best friend ko?

Pinaandar na rin sa wakas ni Kaizer ang sasakyan niya paalis. Nang makita ko ang cellphone niya sa dashboard, agad kong kinuha 'yon ng maalala ang binilin sa akin ni Kuya Hash kanina.

Napakunot ang noo ko ng makitang may two messages si Jhonalyn kay Kaizer. Ano naman ang issue ng babaeng 'to?

Tinignan ko si Kaizer na, seryosong nasa daan ang tingin bago ko muling ibinalik ang tingin ko sa cellphone niyang hawak-hawak ko. Sampung minuto palang ang nakalipas ng ma-received ni Kaizer ang text message ni Jhonalyn kaya hindi niya pa ito nakikita.

'Kaizer, anak. Si Jhonalyn, kailangan ka ngayon. Ang Tita Ysabel mo 'to.'

Napakunot ang noo ko ng mabasa ang message. Ang nangyari kay Jhonalyn? Totoo ba 'tong text message ko gawa-gawa niya lang para ma-solo si Kaizer?

Sa inis ko, binura ko nalang ang text message ni Jhonalyn. Hindi ko na binasa ang pangalawang message niya. Binura ko na rin 'yon at saka ko na, inilagay ang cellphone number ko sa contact niya.

Nang ibalik ko ang cellphone niya sa dashboard, nilingon niya ako.

I smiled at him. "Nilagay ko lang ang cellphone number ko."

Hindi naman na siya umimik at binalik nalang ang tingin sa daan.

Hindi naman niya siguro malalaman na binura ko ang text message ni Jhonalyn sa kanya. Pero bakit bigla akong kinabahan at bakit pakiramdam ko, hindi ko dapat binura at pinakialam ang text message na 'yon?

Gosh! Ano bang nangyayari sa akin?

Wala naman sigurong mangyayaring masama.

I sighed heavily.

"Are you okay?"

Agad kong nilingon si Kaizer ng tanungin niya ako. Dali-dali naman akong tumango sa kanya.

"O-Oo."

Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon