SEXY NOTE:
WARNING. PWEDE NA SA BATANG HINDI SEXY.🥴Chapter Seventeen
—
Pag mulat na pag mulat ng mga mata ko, si Kazier agad ang bumungad sa paningin ko.
Napapikit-pikit pa ako para makasiguro kung si Kazier nga talaga ang nasa harapan ko ngayon. Dahan-dahan kong inangat ang aking isang daliri at saka pinindot ng dahan-dahan ang malambot na pisngi ni Kaizer. Napaamang ang labi ko. Si Kaizer nga!
P-Pero paanong nandito siya sa kwarto—oh my gosh! Unti-unting nanlaki ang mga mata ko ng maalala ang mga nangyari kagabi.
"Oh my gosh!"
Dahil sa pag kataranta, mabilis akong napabangon mula sa pag kakahiga ko. Dahil do'n, nagising si Kaizer.
Napakunot ang nuo ko ng makitang bumaba ang kanyang tingin. Napasinghap ako ng makitang sa dibdib ko pala siya nakatingin.
"Bastos!" Sigaw ko sa kanya at saka ko mabilis na tinakpan ng kumot ang dibdib ko.
He chuckled. "Mahihiya kapa ba? Nakita ko na lahat—" I cut him off.
"Tumahimik ka! Bwiset ka!"
Mabilis akong bumangon. "Aray!"
Muli akong napaupo sa kama ni Kazier ng makaramdam ako ng sakit. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize ko kung saan ang masakit.
Oh my gosh! Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Kazier na ngayon ay nakangising nakatingin sa akin.
"Walanghiya ka!"
Hindi ko siya naaabot dahil sa sakit na naramdaman ko mula sa pang ibaba ko.
Mangiyak-ngiyak akong napatingin kay Kazier na bumangon.
"Mag pahinga kana muna. Ipag hahanda Kita ng breakfast."
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Lalo na ng lumapit siya sa akin at saka ako binuhat para paupuin muli sa kama.
"Rest." He said and kissed my forehead.
Nakatingin lang ako sa kanya ng mag lakad na siya palabas ng kwarto.
Nanatili akong tahimik habang binabalikan ang mga alaalang nang yari kagabi.
Flashback
*Charot. Muna. Pag iisipan ko muna kung ilalagay ko ba rito eong flashback ng nangyari sa kanila or sa secret HAHAHA.
Napakagat ako sa pang ibabang labi ko ng matapos kong balikan ang mga nangyari sa amin ni Kaizer.
Hindi ko na itatangging nagustuhan ko ang nangyari sa amin ni Kazier.
Pero hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na talagang nangyari na kagabi ang bagay na 'yon.
Bago ako bumangon, sinigurado ko munang may suot-suot na akong damit. Dahan-dahan lang ang pag hakbang na ginagawa ko. Napapangiwi na lang ako tuwing nakakaramdam ako ng hapdi sa bawat pag galaw ko.
Ganito pala pag first time. Pag second time kaya?
Pag labas ko ng kwarto, agad kong tinungo ang kusina kung saan sigurado akong nandoon si Kaizer.
Hindi naman ako nag kamili dahil agad ko siyang nakita pag kapasok ko ng kusina.
Napakagat ako sa pang ibabang labi ko habang pinag mamasdan si Kaizer na nakatalikod ngayon sa akin. Wala siyang suot-suot na damit. Tanging ang boxer short lang ang suot-suot niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapalunok habang na kay Kaizer pa rin ang tingin.
Nang maramdaman niya ang presenya ko, nilingon na niya ako.
I smiled at him. "Hi, good morning!" I greeted. Muli akong mabagal na nag patuloy sa pag lalakad.
Nang makita niyang mukhang nahihirapan ako, agad siyang nag lakad palapit sa akin para alalayan akong makaupo.
"Sinabi kong mag pahinga kana muna 'di ba?"
Sinimangutan ko siya sa sinabi niya. "Ayoko nga do'n. Dito na lang ako at saka kita panooring mag luto." Nakangiting sabi ko sa kanya.
Hindi naman na siya nag salita pa at saka na bumalik sa pag luluto.
Hindi ko alam na mas magaling pa pala siyang mag luto kaysa sa akin. At sigurado akong masarap ang luto niya.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Kaizer.
"Ayos lang. Pag katapos pala nito kailangan ko ng umuwi. T'yak akong nag aalala na ang mga kapatid ko sa 'kin."
"Okay."
Kagat labi lang ako habang pinapanood si Kaizer na nag hahain na sa lamesa.
Hindi ko inaasahan na darating an araw na pag sisilbihan niya ako. Hindi tuloy mawala ang kilig na kanina ko pa nararamdam. Idagdag mo pa ang puso ko na kanina pa rin mabilis ang pag tibok.
"Kumain kana."
Bakas ang pag hanga sa aking mukha habang pinag mamasdan ang mga ulam na niluto ni Kaizer para sa akin. Tinitignan ko palang, natatakam na ako. Kaya naman, hindi na ako nag sayang ng oras pa. Kumain na rin ako kasabay ni Kaizer.
Hindi namin napag usapan ang nangyari sa aming dalawa maski ng makauwi na ako sa bahay.
Dumeretso na agad ako sa kwarto ko pag kauwi ko para makapag pahinga na dahil ramdam ko pa rin ang kapagod ko hanggang ngayon. Kailangan ko pang bumawi ng lakas. Malay natin may round two—char.
Agad akong dinalaw ng antok pag kahinga ko sa kama. Kaya naman nag pahinga na ako.
Kinabukasan,
"Anong nangyari d'yan sa kakambal mo?" Rinig kong tanong ni Arf kay Fritz.
"Aba. Ewan ko d'yan sa kakambal mo. Tingin mo anong katangahan ang nangyari d'yan at bakit kanina pa parang tangang nakatulala habang nakangiti?" Balik na tanong ni Fritz kay Arf.
Agad sumama ang mood ko ng marinig ang sinabi ni Fritz.
Masamang tingin ang pinukol ko sa kanilang dalawa ng lingunin ko sila.
"Anong sabi niyo ha?!" Inis na inis na sabi ko at saka ako tumayo at inambahan sila ng suntok.
"Whoa! Twin sister, kalma!" Natatawang sabi ni Fritz at nagawa pang lumayo sa akin. Ganoon din naman si Arf.
Sobrang sama na ng tingin ko sa kanilang dalawa.
"Kalma. Ano ba kasing nangyari sa'yo at bakit kanina kapa nakatulala d'yan habang nakangiti?" Kunot nuong tanong sa akin ni Arf. Pinag taasan ko naman siya ng kilay.
"Ano namang pakialam niyo?!" Asik ko.
Parehas silang napangiwi ni Fritz.
Inirapan ko silang dalawa bago ako padabog na tumayo at saka nag lakad na palayo sa kanilang dalawa.
Mas mabuting nasa kwarto na lang ako.
Nakakainis! Mga pakielamero!
Nakakasira sila sa magandang umaga ko!
Nasaan na ba kasi si Azure? May balak pa kayang umuwi 'yon?
Tss. Mukhang nag enjoy na siya do'n. I don't care. Nag enjoy rin naman kasi ako sa nangyari sa amin ni Kazier.
—
Sexy Note: Modules muna bago wattpad.🥴
BINABASA MO ANG
Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED]
RomanceColor Series 3 : Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS] Kaizer Villafuente and Red Sachi