Chapter 50
—
Dahan-dahan kong inihiga ang ulo ko sa balikat ni Kaizer. Nakaramdam na ako ng pagod. Siguro dahil kanina pa kami lakad nang lakad. Naramdaman ko naman na unti-unti niyang ibinaba ang ulo ko hanggang sa tuluyan na akong makahiga sa kanyang dalawang hita. Napapikit ako ng maramdaman ang dahan-dahan na pagsuklay ni Kaizer sa buhok ko. "Magpahinga kana muna."
Tumango ako sa sinabi niya at saka ako nagmulat ng mata. "Kantahan mo kaya kami ni baby?" Nakangiting sabi ko at saka ko siya niyakap sa bewang. Napangiti pa lalo ako ng mas maamoy ko ang mabangong natural na amoy ni Kaizer.
"I don't know how to sing."
Napasimangot ako sa sinabi niya. "Totoo ba 'yan?" Hindi naniniwalang tanong ko. Baka kasi marunong naman siya ayaw niya lang akong kantahan.
"Yes." Nakasimangot pa rin akong nakipagtitigan kay Kaizer. Nagsalubong ang kilay ko ng makitang ngumisi siya. Bago pa ako makapagsalita, mabilis na yumuko si Kaizer at naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.
Agad kong tinugon ang halik niya ng maramdaman kong gumalaw iyon.
Matamis akong napangiti ng maghiwalay ang mga labi namin. "Gustong-gusto mo na akong hinahalikan ngayon? Samantalang dati, choosy kapa." Natatawang sabi ko sa kanya.
"Kaizer, nauuhaw ako." Maya-maya ay sabi ko.
"Okay, Bibili ako. Stay here, okay?" I smiled and nodded.
"I love you!"
Natigil si Kaizer sa paglalakad ng marinig ang sinabi ko. Hindi makapaniwala siyang lumingon sa akin. Matamis ko naman siyang nginitian.
"What did you say?"
I chuckled. "Sabi ko, I love you!"
Malakas akong natawa ng dali-daling muling naglakad palapit sa akin si Kaizer at saka ako mahigpit na niyakap. "Damn baby! I love you more!"
Nang humarap sa akin si Kaizer, mabilis kong nilapit ang mukha ko sa kanya at saka ko siya hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko ng hapitin ni Kazier ang bewang ko at saka mas lalo pang pinalalim ang halik.
Parehas kaming habol ang paghinga ng magbitiw ang aming mga labi. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko, lalo na ngayong maski si Kaizer ay hindi rin mawala ang napakagandang ngiti sa kanyang labi.
"Tama na nga. Bilihan mo na ako ng tubig. Nauuhaw na kami ni Baby."
"Aye aye, baby!"
I laughed out loud. "Oh my gosh! Para kang bata! Hahaha!"
Pinisil pa muna ni Kaizer ang pisngi ko bago tuluyang umalis. Nakakainis nga siya eh! Sabi siya, tumataba na raw ako. Maganda pa rin naman ako 'di ba? Walang Sachi na pangit!
Walang ganoong tao ngayon dito sa park. Mabibilang lang kami tapos ang lalayo pa namin sa isa't isa.
Nahinto ang tingin ko sa isang lalaking malayo hindi kalayuan sa pwesto ko.
Napakunot ang noo ko. He's wearing black v-neck shirt and black pants. Hindi ko gaano makita ang kanyang mukha dahil naka-shades.
Agad akong kinilabutan ng makita ang nakakalokong ngisi nito sa labi habang nasa akin ang tingin. Alam ko at ramdam ko na sa akin ito nakatingin.
Agad akong napatayo ng makitang humakbang siya. Oh my gosh!
Bitbit ang aking bag, dali-dali akong naglakad ng mabilis at ng makitang tumatakbo na siya palapit sa akin tumakbo na rin ako.
BINABASA MO ANG
Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED]
RomanceColor Series 3 : Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS] Kaizer Villafuente and Red Sachi