Chapter Nineteen
—
Pag katapos kong ihatid si Andrea, agad ko ng minaneho ang kotse ko patungo sa daan kung saan papunta sa Villafuente company. Gusto kong makausap si Kaizer. Para kasing hindi ako mapapakali hanggat hindi ko nalalaman kung sino ang babaeng kasama niya.
Bakas ang gulat sa mga mukha ng mga empleyado ng makita akong pumasok sa loob ng kompanya. Hindi ko sila pinansin dahil deretso lang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa floor kung nasaan ay office ni Kaizer.
Agad tumayo si Dencio—ang secretary ni Kaizer. Nang makita ako.
Umayos ako ng tayo at nag patuloy na sa pag lalakad palapit sa kanya.
"Miss Sachi."
"And'yan ba si Kaizer?" Kunot-noong tanong ko.
Umiling siya. "Hindi pa po bumabalik si Sir simula ng umalis siya kanina kasama si Ma'am Jhonalyn."
Napaamang ang labi ko sa sinabi niya. Kanina pa siya hindi bumabalik kasama si Jhonalyn? Si Jhonalyn ba 'yong babaeng kasama niya kanina?
"Sino si Jhonalyn?" Matapang kong tanong kay Dencio.
Nag iwas naman siya ng tingin sa akin kaya tuluyang napakunot ang noo ko.
"H-Hindi ko po pwedeng s-sabihin."
"Bakit may mawawala ba kung sasabihin mo? Ano ba kasi 'yon?!" Naiinis na tanong ko.
"K-Kasi Ma'am."
"Mag sasalita ka o mag sasalita ka?!"
"Ex girlfriend po ni Sir Kaizer si Ma'am Jhonalyn."
Napasinghap ako sa sinabi niya. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako kay Dencio.
"T-Totoo ba 'yang sinabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Dahan-dahan namang siyang tumango kaya napaamang ang labi ko.
"Galit na galit po si Sir Kaizer ng bigla na lang siyang iniwan ni Ma'am Jhonalyn. Kaya nga po galit na galit siya sa mga babae ay dahil din po 'yon kay Ma'am Jhonalyn. Sa pag kakaalam ko po, pinerahan lang daw ni Ma'am Jhonalyn si Sir Kaizer."
Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko mula kay Dencio. Pero kung galit si Kaizer kay Jhonalyn, B-Bakit sila mag kasama ngayon?
"Kanina ko nga lang po nalaman na nakabalik na si Ma'am Jhonalyn. Sa pag kakaalam ko po, nag paliwanag si Ma'am Jhonalyn kay Sir Kaizer patungkol sa nangyari sa kanina noon."
Nanghihina akong napaupo sa visitors chair habang iniintindi ang mga sinabi ni Dencio. Kung ganoon naman pala, ibig sabihin lang, nag kabalikan na silang dalawa.
Tila kinurot ang aking puso dahil bigla na lang akong nasaktan sa lahat ng mga nalaman ko.
Walang emosyon akong napatingin sa kawalan.
"O-Okay lang po ba kayo, Ma'am?"
I sighed heavily. "Aalis na ako. H'wag mo na palang sabihin kay Kaizer na dumaan ako dito."
Tumango lang naman siya sa sinabi ko kaya naman nag lakad na ako paalis.
Ngayong alam ko na ang lahat anong gagawin ko?
Deretso na akong umuwi sa Mansion.
Agad akong dumeretso sa mini bar counter namin dito sa loob ng Mansion kung saan pwede akong mag pakalasing.
Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Basta ang alam ko lang ngayon, gusto kong mag pakalasing.
Tuloy-tuloy ang naging pag lagok ko ng alak. Dahil do'n, ramdam kong medyo tinamaan na ako ng alak.
"Hey, twin sister."
Napatingin ako kay Fritz na naupo sa tabing upuan ko.
Pinanood ko siyang nag salin ng wine sa basong kinuha niya.
Nang tignan niya ako, nginitian niya ako. "I know you're not okay. Ramdam ko."
Hindi ako nag salita sa sinabi ni Fritz. Nag iwas lang ako ng tingin sa kanya.
"Ramdam ko rin." Rinig kong sabi ni Arf na naupo naman ngayon sa tabing upuan ko rin. Kaya naman, pinag gigitnaan na nila ako ngayon.
"Ramdam ko na 'yong isang kakambal ko hindi okay." Si Arf. Pinanood ko rin siyang nag salin ng wine sa basong inabot ni Fritz sa kanya.
"Me too."
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. At ng lingunin ko, hindi nga ako nag kamali ng makitang si Azure 'yon.
"A-Azure, you're back." Hindi makapaniwalang mahinang usal ko sapat lang para marinig naman.
"Yes, I'm back. Hindi naman ako pwedeng mawala lalo kung kailangan mo ng presenya namin ngayon."
Maluha-luha akong napangiti dahil sa sinabi niya.
"Miss me?" Nakangiting tanong niya habang inambahan ako ng yakap.
Hindi na ako nag sayang ng oras pa, nag lakad na agad ako palapit sa kanya at saka ako mahigpit na yumakap sa kanya.
"I miss you." She whispered and hugged me tight.
"I miss you too."
"Oh, tama na muna ang iyakan! Group hug muna tayo!"
Mahina akong natawa sa sinabi ni Fritz. Lalo na ng parang bata silang yumakap sa aming dalawa ni Azure.
Sa huli, sabay-sabay kaming natawa.
Na-miss ko 'to.
Na-miss ko na ang mga bonding naming mag kakapatid lalo na nung mga bata pa kami.
I miss this.
Muli kaming nag yakapan. Sa oras na 'to, hindi ko na napigilan ang pag tulo ng luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Group hug, para sa pag mo-move on ni Red!"
"GROUP HUG!"
Mahina akong natawa sinigaw ni Fritz lalo na sa sinigaw naman ni Arf at Azure.
Mga sira talaga!
Hindi ko pa nga nababawi si Kaizer, pinag mo-move on na nila ako.
Ngayon ang alam ko na lang, na sa mga ganitong problema, ang mga kapatid ko lang talaga ang tanging makakapag pagaan ng loob.
Swerte ako sa kanila 'yon ang totoo.
Kahit na, strikto si Azure maski si Arf. At ang nakakainis na si Fritz, hindi ako nag sisi na sila ang mga kapatid ko.
"INUMAN NA PARA SA BROKEN HEARTED!" Malakas na sigaw ni Fritz.
Napasinghap kami nila Arf at Azure ng bigla na lang niya kaming binuhusan ng wine.
"GAG* KA FRITZ!!"

BINABASA MO ANG
Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED]
RomanceColor Series 3 : Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS] Kaizer Villafuente and Red Sachi