Chapter Fourteen

1.7K 79 26
                                    

Chapter Fourteen

"Bwisit!"

Pabagsak akong sumalampak sa sofa dito sa living room ng makapag ako sa loob ng Mansion.

Bad mood ako! Punyetang kotse 'yon! Dahil sa pag busina no'n mukhang natauhan si Kaizer na hindi niya dapat ako halikan dahil dali-dali siyang humiwalay sa akin.

Tahimik lang kaming dalawa sa buong byahe hanggang sa maihatid niya ako dito. Ni hindi niya nga ako pinag buksan ng pinto. Nag hintay pa naman ako ng dalawang minuto.

Agad kong sinamaan ng tingin si Fritz ng makitang nakatingin siya sa akin at mukhang kanina niya pa ako pinanonood.

"What?!" Asik ko. Pinag taasan ko din siya ng kilay. "Anong tinitingin tingin mo dyan?!"

"Bakit masama?" Tinaasan niya din ako ng kilay niya. May hawak-hawak siyang paint brush. Ang dumi niyang tignan dahil sa iba't ibang kulay ng pintura sa kanyang white v-neck shirt.

"Shut up!"

"Ano bang nangyari sa'yo?" Pang uusisa niya. At talagang may lakas loob siyang naupo sa tabi ko.

"H'wag ka na ngang mag tanong!" Mas nadagdagan ang inis ko sa tuwing nakikita ko si Fritz.

"Arte mo!" Nanlaki ang mga mata ko ng binelatan ako ni Fritz bago siya dali-daling lumayo sa akin.

Bwisit talaga 'to. Sira na nga ang mood ko, mas sinira niya pa!

Malalim akong napabuntong hininga bago muling sumandal sa sofa at saka ako tumingala.

Wala pa din si Azure. Hindi ko alam kung kailan ang balik niya dito. Mukhang matatagalan pa 'yon.

"Problem?"

Napatingin ako kay Arf na ngayon ay pababa ng hagdan. Tinaasan ko siya ng kilay. Isa pa 'to. Hindi naman nakakatulong mag tatanong pa kung anong problema ko.

Bago pa ako malapitan ni Arf, tumayo na ako mula sa pag kakaupo sa sofa at saka ako nag lakad na.

Sinagi ko pa siya bago ako dere-deretsong nag lakad pa akyat ng hagdan. Mas maganda pa kung matutulog na lang ako.

Maaga akong nagising kinabukasan. Tinapos ko na agad ang morning rituals ko bago bumaba at nag tungo sa kusina. Balak ko kasing tumulong kay Manang sa pag hahanda ng almusal namin.

"Good morning, Manang!"

Agad na ngumiti si Manang ng makita akong pumasok sa kusina. "Good morning, Red! Ang aga mo naman ata."

I chuckled a bit. "Balak ko po kasi na tumulong sa pag prepare ng breakfast." Matamis akong ngumiti kay Manang na mukhang nagulat sa sinabi ko.

"S-Sigurado ka, Red?" Paninigurado ni Manang.

Muli akong natawa bago tumango tango. "Yes, Manang. Mag umpisa na po tayo?"

Nakangiti lang ako habang nag pri-prito. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi dahil natutuwa ako sa ginagawa kong pag pri-prito sa egg, hotdog and bacon na breakfast namin today. Hinayaan ako ni Manang na mag pritong mag-isa. Habang siya naman ay gumagawa ng sandwich.

"Kailan ang uwi ni Azure?" Maya-maya ay tanong ni Manang sa akin.

I shrugged my shoulders. "Hindi ko pa po alam, Manang. Tatawagan ko po siya mamaya."

Agad na sumang-ayon si Manang sa sinabi ko. Nag patuloy na muli ako sa pag pri-prito ng eggs.

"Whoa!"

Agad akong napalingon sa pintuan ng kusina kung saan, naroon si Fritz at Arf na kakapasok lang ng kusina.

Bakas ang pag kagulat sa mukha ni Fritz habang nakatingin sa akin. I sighed. Huhulaan ko na, may gagawin na namang kalokohan ang isang 'to.

Nanlalaki ang kanyang mga matang tinuro ako kay Arf. Kunot nuo akong nag iwas ng tingin sa kanila at saka ko binalik ang aking atensyon sa pag pri-prito.

"Si Red ba 'yan? Bro, anong sumapi sa kakambal natin."

Mahinang saad ni Fritz sapat lang para marinig ko. Hindi ko nga alam kung bulong ba 'yon o sinadya niyang iparinig sa akin.

Napairap na lang ako sa hangin at walang nagawa kundi ang mag kibit balikat na lang.

"Twin sister, anong nakain mo at nag luluto ka dyan?!" Natatawang tanong sa akin ni Fritz.

"Actually, wala pa akong kinakain." I said sarcastically and rolled my eyes at him.

Bwisit talaga 'tong lalaking 'to.

Nakaupo na ang dalawa sa dining ng ihain ko sa harapan nila ang mga prinito.

"Pahingi-" Agad kong tinapik ang kamay ni Fritz ng akma siyang kukuha na sa bacon.

"Mag hintay ka nga! Nilalapag ko palang di ba?!"

Sinimangutan niya naman ako at hindi na nag salita pa.

After namin ng breakfast, nag pahatid na din kami kay Tatay Bert sa University. Nakanguso lang ako habang nag lalakad mag-isa sa hallway. Hindi ko gustong pumasok dahil nais kong mag punta sa office ni Kaizer ngayon.

"Okay ka lang ba, Red? Mula ng dumating ka, hindi ka man lang umiimik." Si Andrea.

Nilingon ko siya ngunit hindi ako nag salita.

"May dapat ba akong malaman?"

"Mag bar na lang tayo mamaya." Pang aaya ko sa kanya. Napataas ang kilay ko ng bigla siyang sumimangot.

"Alam mo naman hindi ako pwede."

Pinanliitan ko ng mata si Andrea. "Kayo na ba ng Melvin na 'yon?!"

Napa 'O'ang labi ko ng makitang agad na namula ang mag kabilang pisngi ni Andrea dahil sa tanong ko.

"So?" Nakataas na ang aking kilay ngayon.
Nangunot ang aking nuo ng umiling sa akin si Andrea.

"H-Hindi kami, Red."

"Eh, ano? MU? Iww."

Sinimangutan naman ako ni Andrea dahil sa sinabi ko. "Hindi naman k-kasi siya n-nanliligaw."

Napaamang ang labi ko sa sinabi ni Andrea. "Seriously?!"

Nahihiyang nag baba ng tingin si Andrea. Napairap na lang ako sa hangin at saka ako nag salita. "Wala naman pala siyang karapatan para pag bawalan ka." I said and smirked. "Mag ba-bar tayo mamaya."

"P-Pero.."

"No more buts." I said and winked at her.

After ng last class namin ngayong umaga, nag tungo na kami ni Andrea sa cafeteria.

Sabay kaming naupo ni Andrea at nilapag sa lamesa ang pag kain namin. Nag baba ako ng tingin sa cellphone ko ng marinig kong tumunog 'yon. Agad kong tinignan. May mensahe ako mula kay Azure.

Oh, kakamustahin ko din pala sana siya ngayon.

From: Azure

Sis, I knew you are in love.

Agad na tumaas ang kilay ko ng mabasa ang message ni Azure. Ano naman ang nakain ng babaeng 'to at-oh, I get it.

Agad akong nag tipa ng reply sa kanya.

To: Azure

So?

Napaamang ang labi ko ng mabilis na nakapag reply si Azure. Mukhang inaabangan niya talaga ang reply ko.

From: Azure

How do you know if it's love?

Mahina akong natawa ng mabasa ang sinabi ni Azure.

"Ano 'yan?" Pang uusisa ni Andrea.

I smirked. "Dalaga na ang Azure namin, Andrea."

"Whoa!"

Tinawanan ko lang si Andrea at muli na akong nag tipa ng reply mula kay Azure. Siguraduhin niyang pag balik niya ay ipapakilala niya ang taong nakapag patibok ng kanyang puso.

Ang Azure na 'yon! Talagang inunahan ako!

Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon