Chapter 29

1.3K 28 11
                                    

Chapter 29

"Bitawan mo nga ako!" Inis na sigaw ko sa secretary ni Kaizer ng makalabas kami sa loob ng office. Inis na inis kong tinabig ang kanyang kamay na nakahawak sa braso ko."Don't touch me!"

"Sorry po."

Sinamaan ko siya ng tingin. Nag iwas naman siya ng tingin sa akin. Arghh! Nakakainis! Ayaw na akong makita ni Kaizer. Anong gagawin ko?

"Oh, what happened?"

Agad na nagawi ang tingin ko kay Jhonalyn na kakalabas lang ng pantry. Isa pa 'tong babaeng 'to!

Nginitian niya ako. "Bakit mukhang mainit ang ulo mo?" Nakangiting tanong niya. Ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi ang mas lalong nag painit ng ulo ko. "Wait, let me guess." Sabi niya at saka nag panggap na nag iisip. "Pinaalis ka ni Kaizer?" Nakangiting tanong niya sa akin. "Sinabi rin ba niyang ayaw kana niyang makita?"

I glared at her. "Anong pakialam mo?!" Inis na asik ko sa kanya habang ang masamang tingin ko ay nanatili sa kanya.

She laughed. "Tama ako no? Oh, kawawa ka naman." Nakangiti niyang sabi sa akin at saka humakbang pa palapit sa akin. Pag ako hindi nakapagtimpi, talagang ilalampaso ko sa sahig ang pag mumukha ng buhildang 'to!

"Tingin mo panalo kana?" Matapang na tanong ko sa kanya. "Gusto ko lang sabihin sa'yo na," Humakbang din ako palapit sa kanya at saka ko siya binulungan. "Hindi pa ako nag uumpisa."

Matamis ko siyang nginitian.

"Tingin mo hahayaan kita? Of course not! Hindi ko hahayaang mapasa'yo pa si Kaizer lalo na ngayong sira kana sa kanya." Matapang na saad niya. "Paano, aalis na ako ha? Hinahanap na kasi ako ni Kaizer." Nang aasar na sabi niya at saka niya ako tinalikuran.

Ngunit bago siya tuluyang pumasok sa loob ng office ni Kaizer, nilingon niya pa ako. "Bye, Red. Take care!" She said and winked at me. Iww!

Kinilabutan ako sa ginawa niyang pag kindat sa akin.

Nang mawala sa paningin ko ang buhildang 'yon, nilingon ko si Dencio na nakatayo pa rin hanggang ngayon sa gilid ko. "Ikaw!"

Nanlaki ang mga mata nito sa gulat. "M-Ma'am?"

"Mag usap tayo."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Nag lakad na ako papunta sa swivel chair niya at siya ang pinaupo ko sa visitors chair.

"I need you." I said straightforwardly.

Nanlaki ang mga mata nito dahil halatang hindi inaasahan ang sasabihin ko.

"M-Ma'am."

"Mag kanong pera ang kailangan mo para magpagamot ang Nanay mo?"

Mas lalong nanlaki ang mga mata niya dahil sa tanong ko. Alam kong nagtataka na siya ngayon kung paano ko nalaman ang meron sa Nanay niya ngayong nasa hospital.

"P-Paano niyo po nalaman—" I cut him off.

"I have my ways. Ngayon sabihin mo, mag kano ang perang kailangan mo at ibibigay ko sa'yo."

His jaw dropped. "T-Talaga po?"

I smiled sweetly at him. "Sa isang kundisyon."

Napaayos siya ng upo. "A-Ano po?"

Isang nakakalokong ngisi ngayon ang lumitaw sa aking labi bago ko inumpisahan lahat sabihin sa kanya ang plano ko. Seryoso naman siyang nakikinig. Sinabi ko sa kanya lahat ng dapat niyang gawin sa naisip kong plano.

"Magagawa mo ba?" I asked and raised my eyebrow.

Nag aalangan man ay tumango pa rin siya kaya napangiti ako. Good.

"Kung hindi mo magagawa ang mga sinabi ko sa'yo, may kalalagyan ka." Agad na bumakas ang takot sa kanyang mga mata. "Deal?" Nakangiting tanong ko na ngayon.

Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanya at nag hihintay sa sagot niya. "Pag isipan mo."

"D-Deal."

I laughed. "Very good! Sige, mamaya lang ay matatanggap mo na ang perang kailangan mo." Sabi ko sa kanya at saka na ako tumayo mula sa pag kakaupo.

"Bye!" Kinindatan ko pa muna siya bago ko tuluyang nilisan ang company na pag mamay-ari ni Kaizer.

Kung akala mo Jhonalyn ay hahayaan kita, nag kakamali. Dahil maling tao ang kinalaban mo.

Hindi nawala ang nakakalokong ngisi sa aking labi hanggang sa tuluyan akong makaalis.

Pag uwi ko sa bahay, hindi man lang nilisan ng mga kapatid ko ang tingin nila sa akin. May pag tataka sa kanilang mga mata habang nakatingin sa akin.

I raised my eyebrow. "What?!" Tanong ko at saka ko sila tinignang tatlo.

"May binabalak ka." Seryosong saad ni Azure na ikinangiti ko. Kilala nga ako ng kapatid ko.

"Talaga, Azure? Ano 'yung binabalak niya? Good or bad?" Sabat naman ni Fritz.

"Shut up!" Inis na sabi sa kanya ni Azure kaya sumimangot na naman siya.

"Nag tatanong lang naman eh." Nakasimangot na sabi niya sa amin.

"Ano namang plano mo?" Si Arf.

I smirked. "Secret."

"Argh! Ang daya mo!" Padabog na sabi ni Fritz.

Agad na nag salubong ang kilay ko dahil sa inasta niya. Parang bata!

"Kapatid mo kami tapos ayaw mong i-share sa amin." Nakasimangot na sabi niya. Inirapan pa ako ng loko.

Oh my gosh! Ang sakit niya sa ulo!

"Pwede ba Fritz, manahimik kana lang!"

Kung makapag salita siya akala mo naman nag kwekwento siya tungkol sa buhay niya! Eh, hindi naman!

"Ang bad niyo talaga sa akin."

"Edi lumayas ka!"

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Pinag taasan ko siya ng kilay.

Ngunit ilang saglit pa, napaamang ang labi ko ng makitang umiiyak na siya. Oh, my God!

"P-Pinapaalis niyo n-na 'ko. Ayaw niyo ba talaga sa akin?" Humihikbing tanong niya sa aming tatlo.

Mukhang kay Fritz ako mamamatay.

"A-Ayaw niyo na sa akin."

"Oh my gosh! Pinapasakit mo ang ulo ko, Fritz!" I said hysterically. Bago pa ako masiraan ng ulo dahil sa kapatid ko, tumayo na ako at nag lakad na palayo sa kanila.

Hindi ko kakayanin ang kabaliwan ni Fritz. Kung mag i-stay pa ako ng matagal doon.

I sighed heavily. Mag papahinga nalang ako mas mabuti pa.

Iisipin ko pa kung paano ako makikipag ayos kay Kaizer. Mukhang kailangan ko na naman gamitin ang seducing powers ko para maakit ang lalaking 'yon.

Pwes! Mag handa kana, Mr. Villafuente.

Seductive Red is officially back!

Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon