Chapter Fifteen

1.6K 47 8
                                    

Chapter Fifteen

-

"R-Red. Nakita ko sila Melvin sa baba. Lagot ako nito." Si Andrea na ngayon ay natataranta na.

Kinunutan ko siya ng nuo. "Eh, ano naman?"

"Red! Alam mo naman na magagalit siya sa akin pag-" I cut her off.

"H'wag kang mag alala. Hindi ka niya makikita. Unless, mag papakita ka sa kanya." Saad ko at saka muling uminom ng vodka na sinalin ko sa basong hawak-hawak ko.

Pabagsak na naupo sa single sofa si Andrea.

Napailing-iling na lang ako at saka ako nag salin ng alak na isang baso.

"Tikman mo." Sabi ko kay Andrea at saka ko inabot sa kanya ang basong nilagyan ko ng alak.

"What? No!"

"Sige na. Para naman kumalma ka." Sabi ko sa kanya habang nakaabot pa rin ang baso sa kanya.

Nginitian ko siya ng tignan niya ang basong hawak-hawak kong may lamang alak. "Sige na."

"She shook her head. "Ayoko. Bad influence ka!"

I laughed. Alam ko naman na tatanggihan niya ako pero at least, sinubukan ko. At dahil nga tinanggihan ni Andrea ang alak na inaalok ko sa kanya, ako na lang ang uminom no'n.

Pinapanood ko lang si Andrea na hindi pa rin mapakali hanggang ngayon.

"Andrea, kumalma ka nga!" Maski kasi ako ay hindi na rin mapakali dahil sa kanya.

Tumayo ako mula sa pag kakaupo ko at mag lalakad na sana palapit sa malaking salamin ng bigla na lang akong pinigilan ni Andrea.

Kunot nuo akong tumingin sa kanya. "Anong problema mo?"

"H'wag ka ng lumapit d'yan. Baka makita ka nila." Mahinang usal niya habang ang kanyang mga mata ay deretso ang tingin sa akin. Nag mamakaawa.

"Ano naman ngayon? Hindi naman nila malalaman na kasama kita."

"Red.."

Matagal akong napatitig kay Andrea.

"Please?"

I rolled my eyes. "Fine. Nakakainis ka!"

Inirapan ko lang ulit siya ng makitang malapad siyang napangiti dahil sa sinabi ko.

Nag lakad pabalik sa single sofa na inupuan ko kanina.

Paano ako makakababa para sumayaw sa dance floor? Sigurado akong hindi rin papayag 'tong si Andrea.

Kaya naman, nakatingin lang ako ngayon kay Andrea habang umiinom ng alak.

Pinapanood ko siyang kanina pa tipa nang tipa sa kanyang cellphone. Mukha namang kanina pa may kausap.

Ano kayang gagawin ni Kaizer pag nakita niyang nasa dance floor ako at nakikipag sayaw sa iba't ibang lalaki.

Muli akong tumingin kay Andrea na nakatingin na rin pala sa akin ngayon. Pinag taasan ko siya ng kilay.

"May binabalak ka?" Tanong niya sa akin.

Unti-unting sumilay ang isang nakakalokong ngisi sa aking labi dahil sa tanong niya. Kilala na nga talaga ako ni Andrea.

"Yes. Binabalak kong takasan ka para makapunta na ako sa dance floor." Dere-deretsong sabi ko sa kanya.

Agad naman niya akong sinimangutan. "Red naman eh."

"Sabihin mo kasi na umuwi na sila." Naiinis na sabi ko. Malapit ko ng maubos ang isang bote ng vodka hindi pa rin ako makakababa.

Muli akong nag salin ng baso at saka pinanood si Andrea na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa cellphone niyang nag ri-ring.

"Sagutin mo." Sabi ko sa kanya at saka uminom ng alak.

"S-Si Melvin." Kinakabahang sabi niya.

"Sagutin mo nga!"

Wala ng nagawa si Andrea kundi sagutin ang tawag ni Melvin.

"I-loud speaker mo." I mouthed.

Nakasimangot naman siyang tumango sa akin.

"H-Hello?"

Hindi ko mapigilang mapangisi habang nakatingin kay Andrea. Hindi naman mainit dito sa loob ng VIP room dahil naka-air con kami pero pinag papawisan siya.

Pfft. She's so cute.

"Where are you?"

Napataas ang kilay ko ng marinig ang boses ni Melvin sa kabilang linya.

"N-Nasa bahay nga ako." Mahinang usal ni Andrea. Napairap ako dahil do'n. I'm sure hindi maniniwala si Melvin sa tono ng boses nitong kaibigan ko.

"Are you sure?" Paninigurado ni Melvin.

Mahina akong natawa ng makitang tumango-tango pa si Andrea kahit alam naman niyang hindi 'yon makikita ni Melvin.

"O-Oo."

Parehas kaming gulat na napatingin sa pintuan ng VIP room ng bigla 'yong pabagsak na bumukas.

Narinig ko ang pag singhap ni Andrea ng makita si Melvin na siyang unang pumasok. Ngunit hindi ako do'n nagulat. Kundi, ang makita si Kaizer sa likod ni Albert na siyang papasok na rin ngayon ng VIP room.

"Hi, girls. Sinasabi ko na nga ba, nandito lang kayo." Nakangiting sabi ni Albert ng makapasok siya.

Hindi ko naman 'yon pinansin dahil na kay Kaizer ang tingin ko na sobrang seryoso naman kung makatingin sa akin ngayon.

Nag iwas ako ng tingin kaya, napunta ang tingin ko kay Melvin at Andrea.

"Akala ko na nasa bahay ka?" Malamig ang boses ni Melvin ng tanungin niya si Andrea. "Tama ba na mag sinungaling ka sa akin? Hindi ba sabi ko sa'yo-" I cut him off. Napakaraming sinasabi.

"Oh, bakit may kayo ba?" Nakataas ang aking kilay ng tanungin ko si Melvin.

Parehas silang natigilan ni Andrea dahil sa tanong ko.

"Wala naman 'di ba? Ibig lang sabihin no'n, wala kang katapatan para pag bawalan ang kaibigan ko."

Nakakainis naman kasi siya! Ang kapal ng mukha niyang pag bawalan si Andrea.

"H'wag kang mag alala, hindi ko hahayaang may mang yaring masama sa kaibigan ko."

"Sa itsura mo hindi kita mapag kakatiwalaan."

Napasinghap ako dahil sa sinabi ni Melvin. Hindi ko inaasahang sasabihin niya ang bagay na 'yon pag katapos niya akong tignan mula ulo hanggang paa.

"Melvin." Ang baritong boses ni Kaizer ang nangibabaw sa loob ng VIP room.

"Andrea, let's go!"

Dali-daling kinuha ni Melvin ang kamay ni Andrea para mahila na ito palabas ng VIP room. Nag iwas lang ako ng tingin ng tignan ako ni Andrea. Alam kong humihingi siya ng tawad sa sinabi ni Melvin sa akin.

Nasaktan ako sa sinabi ni Melvin. Ang kapal ng mukha niya. Gago!

Walang emosyon akong napatitig sa hawak-hawak kong basong may lamang alak. Iinumin ko na sana ang kaso, may isang kamay na pumigil sa akin. Nang tignan ko kung sino, si Kaizer.

"Stop drinking." He said coldly.

I raised my eyebrow. "Ano namang pakialam mo?" Inis na tanong ko sa kanya. Mag sama sila nung kaibigan niyang gago! Ininom ko na ang laman ng basong hawak-hawak ko. Hindi ko pinansin si Kaizer.

"You're drunk. Iuuwi na kita."

"Umuwi ka mag isa mo!"

Muli sana akong mag sasalin ng alak sa baso, ngunit naunahan na ako ni Kaizer. Nanlaki ang mga mata ko ng hinagis niya ang boteng may lamang alak kaya naman nabasag.

Nanlalaki ang mga matang tumingin ako kay Kazier.

"Anong ginawa mo-" He cut me off.

"Shut up!"

Napatili ako ng bigla na lang niya akong parang sakong binuhat.

"Oh my gosh! Ibaba mo ako, Kazier!" Tili ko ng mag umpisa siyang mag lakad palabas ng VIP room habang parang sakong buhat-buhat ako.

Holy shit!

Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon