Chapter Nine

1.5K 72 11
                                    

Chapter Nine

Nakapangalumbaba lang ako rito sa lamesa ni Kaizer habang nakatingin sa kanya.

Kung akala niyo, nahihiya akong humarap sa kanya dahil sa nangyari sa amin no'ng nakaraan, nagkakamali kayo. Nandito nga ako para humingi ng round two. Char! Pero malay natin, baka pumayag siya 'di ba?

"Let's have lunch together!" Masayang anyaya ko kay Kaizer na kanina pa ako hindi iniimik.

Ilang minuto na akong naghihintay, hindi pa rin siya sumasagot.

I just rolled my eyes. "Fine. Ako na lang ang i-lunch mo."

Napangisi ako ng nag-angat ng tingin sa akin si Kaizer dahil sa sinabi ko.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. "Deal?" I asked him teasingly.

"Tss."

Napanguso ako ng isnaban niya lang ako bago binalik ang tingin sa mga papeles sa lamesa niya.

"Ayaw mo ba sa offer ko? Kung makahalik ka sa akin no'ng isang araw—" He cut me off.

"Fine. I'll eat you!" He said.

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang tumayo si Kaizer. "Hoy! A-Anong—Joke lang naman 'yun, eh!"

Tinaas ko pa ang dalawang kamay ko para pigilan si Kaizer sa paglapit sa akin.

Unti-unting bumakas ang isang ngisi sa labi ni Kaizer kaya napatitig ako roon.

"Kiss na lang." Nakangiting sabi ko habang ang aking tingin ay na sa kanyang labi.

Umupo na muli si Kaizer sa swivel chair at hindi na muling pinansin ang sinabi ko.

"Kaizer! Sabi ko, kiss na lang." Kinalabit ko pa ng ilang beses si Kaizer. Pagkatamis-tamis ko siyang nginitian ng tumingin siya sa akin.

"Kiss na lang?"

"Ipagluto mo na lang ako." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Pero—"

"No more buts. I want sinigang."

"S-Sinigang?" I stuttered.

Oh, shit! Hindi ako marunong magluto!

"Yes. 'Yung dinala mo sa akin dito last time."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko sa sinabi niya. Kinain pala niya 'yung hinatid kong lunch niya. Gusto niyang ipagluto ko siya ng sinigang. Ibig sabihin, nagustuhan niya ang luto ni Andrea?!

"S-Sure kana d'yan? Ayaw mo bang, lumabas na lang tayo?"

Kinunutan ako ng noo ni Kaizer. Alanganin akong ngumiti sa kanya. "Sabi ko nga magluluto na ako."

Dali-dali akong tumayo at naglakad na palabas ng office ni Kaizer. Mahigpit akong napahawak sa cellphone ko habang naglalakad papunta sa pantry.

"Ma'am, saan po kayo pupunta?"

Natigil ako ng marinig ang tanong ng Secretary ni Kaizer. Mataray akong tumingin sa kanya. Nakita ko ang pamumula ng mukha nito.

"Anong pakialam mo?" Masungit na tanong ko.

Napayuko naman siya kaya napairap na lang ako sa hangin. Galit ako sa kanya dahil sa pang-jistorbo niya sa kissing scene namin ni Kaizer.

Nagpatuloy na ako sa pagpasok sa pantry. Naupo muna ako bago tinawagan si Andrea na hindi man lang sumasagot.

Muli ko siyang tinawagan. Nakahinga lang ako ng maluwag ng sagutin na niya ang tawag ko.

"Red? Bakit, napatawag ka?" Bakas ang pagtataka sa boses ni Andrea.

Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon