Chapter 26

1.2K 32 6
                                    


Sexy Note muna: Ginawa ko naman 'yung best ko. Pero ito 'yung kinalabasan.👇

Chapter 26

Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ni Kaizer. Nang makita kong si Jhonalyn ang tumawag, kukunin ko na sana ngunit naunahan ako ni Kaizer. Ang bilis niya!

Sumimangot ako at pinanood nalang siyang kausapin si Jhonalyn. Ano naman kaya ang kailangan niya?

"What? What happened?"

Bigla akong kinabahan ng marinig ang sinabi ni Kaizer. Anong nangyari? May masama bang nangyari?

"Where? Okay. Papunta na ako."

Nagulat ako ng bigla nalang mabilis na pinaandar ni Kaizer ang pagpapatakbo ng sasakyan nang mailagay niya ang cellphone niya sa dashboard.

"K-Kaizer, anong nangyari?" Kinakabahang tanong ko.

Seryoso ang mukha ni Kaizer ng lingunin niya ako. Saglit lang 'yon pero hindi ko mapigilan ang mapalunok.

Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya mas lalo akong kinabahan. Ano ba kasing nangyari?

Muling bumalik sa alaala ko ang nabasa kong text message ni Jhonalyn. Oh my gosh! Don't tell me—oh, no! No! No! I'm sure wala namang nangyari—p-pero kasi kanina, humihingi siya ng tulong.

Nanlaki ang mga mata ko ng mag baba ako ng tingin at makitang nanginginig na ang mga kamay. Oh, my God!

Pakiramdam ko ay namumutla na rin ako dahil sa ideya na pumasok sa isip ko.

Mas lumala ang kabang nararamdaman ko ng makita ang malaking building ng Hospital.

Mukhang tama ako! May nangyari hindi maganda kay Jhonalyn! Ang pakiramdam ko, pag may nangyari sa kanya ay kasalanan ko iyon!

Parehas kaming dali-daling bumaba ni Kazier sa kotse niya ng makapag park na siya ng tuluyan sa parking lot ng Hospital.

Lakad takbo ang ginawa ko para lang maabutan si Kaizer.

"Kaizer, wait—"

"Pwede ba?!"

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nalang akong sinigawan ni Kaizer ng lingunin niya ako. Napaatras din ako dahil sa pag kagulat. Mukhang nakita iyon ni Kaizer. Lalo na ng makita niya ang pag bakas ng takot sa mga mata ko.

Malalim siyang napabuntong hininga at saka napailing-iling bago muli akong tinalikuran at saka nag patuloy na sa pag lalakad.

Nabigla lang naman siya 'di ba? Hindi naman niya sinasadya na singawan ako?

Malalim akong napabuntong hininga bago nag desisyon na sumunod na kay Kaizer.

"Kaizer! Kazier!" Isang humahangos na ginang ang dali-daling lumapit sa amin ni Kaizer pag kapasok palang namin sa loob ng hospital.

I-Ito ba ang Mommy ni Jhonalyn?

Nanginginig ang mga kamay nitong humawak sa mag kabilang braso ni Kaizer habang ang mga mata ay lumuluha.

Nag iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tignan ang mga mata niyang lumuluha. Lalo na, pakiramdam ko, may kasalanan din ako.

"Nasa emergency room si Jhonalyn, Kaizer!" Umiiyak na sabi nito. "'Yung anak ko, Kaizer! Ayokong mawala siya sa akin."

Umiiyak itong yumakap kay Kaizer. Tahimik lang naman si Kaizer na niyakap pabalik ang Mommy ni Jhonalyn.

Dahil sa pang hihina ng tuhod ko, naupo nalang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. Ilang beses din akong napakagat sa pang ibabang labi ko dahil sa kabang nararamdaman ko kanina pa.

Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon