Chapter 45

1.1K 27 4
                                    

Chapter 45

"Oh, God! Kaizer, tigilan mo nga ako!" Mabagsak kong tinabig ang kamay ni Kaizer na humawak sa braso ko. Sobrang sama na ng tingin ko sa kanya ngayon. "Hindi kita mapapatawad kaya tigilan mo na ako!" Sigaw ko sa kanya.

"Please, let me explain—"

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo!" Dali-dali akong naglakad palayo sa kanya ngunit dahil sa laki ng mga hakbang niya, naabutan na naman niya ako.

Ilang Linggo na rin siyang ganito. Simula ng malaman ko ang totoo, kinabukasan namalayan ko na lang na hinahabol na ako ni Kaizer at pinipilit na pakiggan ang mga paliwanag niya.

"Kaizer, ano ba?!" Malakas na sigaw ko ng inis ko siyang lingunin. Natigil siya sa paglapit sa akin at seryosong napatitig sa akin.

"Kung ano man ang nangyari sa atin, kalimutan mo na! Kaya kong buhayin mag-isa ang anak ko! Naiintindihan mo ba? Hindi ka namin kailangan sa buhay—A-Aray!" Napahiyaw ako ng makaramdam ng sakit sa tiyan ko. Agad naman akong dinaluhan ni Kaizer.

"H-Hey, are you okay?"

I shook my head. "Mukha ba akong okay?" Inis na sabi ko sa kanya. Napatingin ako sa tiyan ko at napahawak doon. Oh gosh! Ang sakit ng tiyan ko.

"A-Anong masakit sa'yo?" Nag-aalalang tanong niya.

"'Yung tiyan ko-Aray!" Hiyaw ko sa sakit na naramdaman.

"Shit!"

Naramdaman kong binuhat ako ni Kaizer at dali-dali niya akong dinala kung saan naka-park ang kotse niya at sinakay niya ako sa back seat.

Pagkalapag sa akin ni Kaizer sa backseat, agad niyang kinabit ang seatbelt bago dali-daling umikot at agad na sumakay sa driver seat ng kotse niya.

"Pupunta tayo sa hospital." Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Kaizer.

Nakangiwi na ako ngayon sa sakit na nararamdaman ko sa tiyan ko habang mahinang dumadaing.

Oh gosh! "Baby, kapit ka lang ha?" Mahinang usal ko habang nakatingin sa tiyan ko. "H'wag mo namang iiwan si Mommy."

Napapadaing ako sa paghilab ng tiyan ko. Ilang sandali lang hindi ko na namalayan ang sunod na nangyari dahil nandilim na ang paningin ko.

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Ngunit agad ko ring nalaman kung nasaan ako ng maaamoy ko ang gamot. Nasa hospital ako.

Unti-unting bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina. Agad akong napahawak sa tiyan ko.

"I'm glad you're awake. Kamusta ang pakiramdam mo?" Napatingin ako kay Kaizer na kakapasok lang ng kwarto ko. Nag aalala siyang lumapit sa akin.

"Kamusta ang baby ko?" Tanong ko sa kanya.

He smiled. "Okay lang siya. Ikaw kamust—"

"We're here!"

Sabay kaming napatingin ni Kaizer sa pintuan ng kwarto ko kung saan iniluwa noon ang mga kapatid ko. Napaamang ang labi ko ng makitang sobrang sama ng tingin sa akin ni Azure.

"Hindi ka nag-iingat!" Sigaw niya na ikinatahimik naming lahat.

Hindi ko mapigilang mapalunok. Hindi ko magawang tumingin kay Azure kaya nagbaba ako ng tingin.

"Ang tigas ng ulo mo, Red."

"Sorry." Kagat labing pag hingi ko ng tawad.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nila. Namuo ang katahimikan sa aming lima.

"Magpahinga kana."

Tumango ako sa sinabi ni Azure. Ilang sandali pa ay nakatulog na rin naman ako at pag gising ko, wala na si Kaizer.

Hindi ko alam kung bakit siya agad ang hinahanap ko ng magising ako.

"Umuwi na siya." Gulat akong napatingin kay Azure ng magsalita siya. Hindi ko man lang napansin na nandito pala siya.

"Sinubukan namin siyang paalisin pero mas matapang pa siya sa amin. Kung wala lang emergency sa Company niya, malamang hanggang ngayon nandito pa siya."

Hindi nakapagsalita sa sinabi ni Azure. Ngunit hindi ko mapigilang lihim na mapangiti ng marinig ang sinabi niyang mas matapang pa si Kaizer sa kanila kanina habang pinapaalis nila ito.

"Kung plano mong umalis na muna ng bansa para makalayo sa kanya, hindi ka namin pipigilan. Sabi nila Mom and Dad, sila ang susunod sa'yo sa states."

Dahil sa sinabi ni Azure, muling bumalik sa akin ang pinag-usapan namin no'ng nakaraang araw. Sa sobrang galit and inis ko kay Kaizer, sinabi ko sa kanila na balak kong magpakalayo-layo. Gusto kong ilayo kay Kaizer ang anak ko. Kaya ko naman itong buhayin kahit wala siya.

Ngunit kakayanin ko nga ba talaga kahit wala siya?

"Buo na ba ang desisyon mo?" Muling tanong sa akin ni Azure ng mapansing hindi ako sumagot sa sinabi niya.

"S-Si K-Kaizer, paniguradong masusundan ako no'n pag nalamang umalis ako ng bansa."

"You're right."

Napatingin ako kay Azure. Seryoso ang mga mata niyang sinalubong ang tingin ko.

"Pag isipan mo."

Tanging pag tango na lang ang naisagot ko sa sinabi ni Azure.

Pag-uwi namin sa Mansion, 'yun din ang pinag-usapan namin. Si Kaizer ang sinisisi ni Fritz kung bakit ako na-hospital. Si Kaizer kasi ang dahilan kung bakit ako nai-stress.

"Sisiguraduhin naman naming hindi ka niya mahahanap kahit anong yaman niya!" Matapang na sabi ni Fritz na akala mo naman sigurado sa mga salitang binitiwan niya.

"Pag-iisipan ko."

Kinabukasan nagulat ako paggising ko, nakita ko sila Mom and Dad na kasalo ang mga kapatid kong kumakain sa dining area.

Kunot-noo akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makalapit ako sa kanila.

"Good morning, sweetheart." Si Mommy.

"Good morning, Mom, Dad." Humalik muna ako sa pisngi nila bago naupo sa upuan ko.

"Mom, bakit po pala nandito kayo?"

Bakit hindi ko man lang nalaman na nag- flight sila pauwi dito.

"Well, sweetheart. Nandito kami para sunduin ka." Nakangiting sabi ni Mommy na ikinalaki ng mga mata ko.

"Huh?"

"Nag-decide kami ng Dad mo na mas mabuting sa states ka na muna kasama kami habang pinagbubuntis mo 'yang apo namin."

"B-But—"

"No more buts, Honey."

Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon