Chapter 30

1.3K 28 3
                                    

Chapter 30

"Bawal ba talaga?!"  Tanong ko sa dalawang guard na ayaw akong papasukin sa loob ng company ni Kaizer. Pag baba ko palang ng kotse ay agad na nila akong hinarang at sinabihang hindi na raw ako pwede pang pumasok sa loob dahil mahigpit na ipinagbabawal na ang pag pasok ko sa loob ng kompanya.

Umiling silang dalawa. "Pasensya na po, Ma'am. Kami po ang mawawalan ng trabaho pag hinayaan naming makapasok kayo."

I sighed heavily. Hindi ko naman pwedeng idamay ang dalawang 'to lalo na, ginagawa lang nila ang trabaho nila.

Tumango nalang ako sa kanilang dalawa at saka na nag pasyang pumasok muli sa loob ng kotse ko.

Napatingin ako sa cellphone kong nasa dashboard ng bigla itong tumunog. Nang makitang si Dencio ang nag text, agad ko iyong binuksan para basahin.

From: Dencio

Good morning po, Ma'am. Mamayang 8pm po ay pupunta ng bar si Sir Kaizer.

Napangiti agad ako ng mabasa ang text message ni Dencio. Kung ganoon, mag kikita rin naman pala kami mamaya. Kailangan kong pag handaan ang gabing 'to. Ngunit agad ding nawala ang ngiti sa labi ko may maalala. Nang maalala ko si Jhonalyn. Paniguradong naroon din 'yon mamaya sa bar.

Agad kong kinalikot ang cellphone ko at saka ko tinawagan si Andrea.

"Hello?"

"Bar tayo mamayang 8 pm. Susunduin kita."

"Pero hindi ako pwede—" I cut him off. Napairap din ako dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

"Aalis kana nga tapos hindi mo pa ako mapagbigyan?!"

Bigla siyang natahimik sa kabilang linya dahil sa sinabi ko. Nag tatampo na nga ako sa kanya dahil sa pag alis niya tapos gusto niya pa atang dagdagan ang tampong nararamdaman ko sa kanya.

"Kung ayaw mo, sige!"

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya, pinatayan ko na siya ng tawag. At nang makitang tumatawag siya, hindi ko na iyon pinansin. Kundi, nag drive nalang ako ng kotse para makaalis na dito sa kompanya ni Kaizer. Baka makita pa ako ni Jhonalyn at baka pumalpak ang dalawang tenga niya pag nalamang hindi talaga ako pinapasok ng mga guard kahit anong gawin ko.

Nakakairita! Pag dating ko sa Mansion, sa kwarto agad ako dumeretso. Hinalungkat ko ang walk in closet ko para hanapin ang pinaka-sexy and seductive dress na pinakatatago ko matagal na. Ito na ang panahon para suotin ang dress na 'yon.

Isang malapad na ngiti ang kumawala sa labi ko ng tuluyan ko ng mahanap ang dress na susuotin ko mamaya.

Bitbit ang dress, nag lakad ako palapit sa salamin at tinignan kung babagay ba—ops. Wala namang hindi bumagay sa akin. Si Kaizer nga ay bagay na bagay sa akin. Ito pa kayang dress na 'to?

Sisiguraduhin kong sa kama ang bagsak nating dalawa, Kaizer. Tignan natin kung makakaya mo pang tiisin ang isang Red Sachi.

Malapad ang ngiti kong bumaba ng kwarto. Naabutan ko si Azure na, kumakain mag isa ng lunch sa dining area.

"Kumain kana?" Tanong niya agad ng makaupo ako sa upuang nasa tapat niya.

I shook my head. "Hindi pa. Sasabayan na kita."

Wala naman na siyang sinabi pa. Ako na mismo ang kumuha ng gagamitin ko sa pag kain. Hindi ko na hinayaang pag silbihan pa ako ni Manang. Nang makaupo ay agad na akong nag sandok ng pag kain ko. Ramdam ko ang tingin sa akin ni Azure. Hindi ko nalang 'yon pinansin. Kung may sasabihin siya, hihintayin ko naman.

"Aalis si Andrea?"

Natigil ako sa pag subo ng kanin ng marinig ang tanong niya. Napakunot ang noo ko. Paano niya nalaman?

"Sino naman ang nag sabi sa'yo?" Kunot-noong tanong ko sa kanya. Hindi naman siya umimik kundi nag kibit balikat nalang.

Lalo tuloy napakunot ang noo ko. Pansin ko na ito matagal na. Parang alam lahat ni Azure ang nangyayari sa amin. Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko. Ramdam ko na may pilit siyang itinatago sa amin.

Ano naman kaya 'yon? Malalaman ko rin ba? Tiyak akong malalaman ko lang 'yon kung mag sasabi sa amin si Azure. Pero sa itsura ni Azure, malabong mag kwento siya sa amin.

"Oo, aalis siya." Sagot ko nalang sa tanong niya dahilan para tumingin siyang muli sa gawi ko.

Kaming dalawa lang ngayon ang nandito. Si Fritz ay kasama ang mga barkada niya. Si Arf hindi ko alam. Isa rin 'yong lalaking 'yon! Nag tatago rin ng sekreto. Gusto ko rin naman no'n pero paano ko naman iyon gagawin kung bantay sarado na nila ako.

Simula nung mahilig daw ako sa mga boys, kinailangan na talaga nila akong bantayan. Sabi 'yan ni Fritz. Kung akala mo pa naman kung makapag salita ay siya ang pinakamatanda sa amin.

"Here."

Napatingin ako sa invitation na inabot sa akin ni Azure. Napakunot ako ng makitang invitation iyon para sa engagement party ni Melvin. Nanlalaki ang mga matang nag angat ako ng tingin kay Azure.

"P-Paanong may ganito ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Nag kibit balikat pa muna siya bago nag salita. "Invited tayo." She simply said. Napaamang ang labi ko. Oh, kung swineswerte ka nga naman. Mukhang masasaksihan ko pa ang kaguluhang mangyayari sa engagement party na 'to.

Nakangisi ako ng mag baba muli ng tingin sa invitation na hawak-hawak ko. "Sino kaya ang pipiliin mo sa dalawa?" Mahinang usal ko.

Hindi ko inaasahan na sasabat si Azure sa tanong ko. "Bakit hindi siya ang tanungin mo?"

Nag angat muli ako ng tingin sa kanya. "Alam mo ba kung saan siya makikita?"

Kumunot naman ang noo ni Azure sa tanong ko. Nag kibit balikat lang ako sa kanya at saka ko hinintay ang sasabihin niya.

"Sasamahan kita."

Napasimangot ako sa sinabi niya. Ano ako bata at sasamahan niya? Duh!

"Ibigay mo nalang ang address at pupunta ako."

"Ako na ang mag hahatid sa'yo."

"Azure naman!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

She glared at me. "Manggugulo ka lang do'n."

"Ano?" Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya.

"Paano mo naman nasabi 'yan?!"

"Dahil ikaw si Red Sachi."

Tuluyang nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

Iba rin talaga ang tingin sa akin ng mga kapatid ko. Tingin nila, palagi nalang gulo ang hanap ko.

Argh! Kairita. Bahala na, kailangan ko pang mag handa para mamaya.

Sexy Note: Sa next chap ko na ipapakita 'yung red dress ni Red. HAHAHA

Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon