Chapter 21

1.3K 25 4
                                    

Chapter 21

Enjoy reading!

"Good morning, Manang! Ano 'yang niluluto niyo?"

Nag lakad ako palapit kay Manang at saka ko sinilip kung ano ang niluluto niya. Malayo pa lang kasi ako ay amoy ko na ang mabangong amoy ng niluluto ni Manang. Bigla tuloy akong nagutom.

"Kaldereta, Nak. Oh, saan ka naman pupunta at bihis na bihis ka?" Tanong sa akin ni Manang matapos niya akong tignan mula ulo hanggang paa.

Ngumiti ako kay Manang. "Pupuntahan ko po si Kaizer. Patapos na po ba 'yan? Pwede ko po bang ipag baon ng kaldereta si Kaizer?" Nakangiting tanong ko kay Manang.

"Aba, oo naman! Sandali, kumain kana muna habang ihahanda ko ang baon mo para kay Kaizer." Nakangiting sabi sa 'kin ni Manang. Nakangiti naman akong tumango kay Manang bago ako naupo na sa dining chair.

Habang nag hahain si Manang, ilang beses akong sumulyap sa pintuan ng kusina. Nasaan naman kaya ang tatlo?

"Maaga silang umalis. Hindi ko alam kung saan pupunta ang mga kapatid mo." Maya-maya ay sabi ni Manang ng mahalata niyang hinahanap ko ang tatlo. Napatango na lang naman ako.

After kong mag breakfast, umalis na rin ako ng Mansion bitbit ang baon na para kay Kaizer.

Hindi na ako nag paghatid pa kay Tatay Bert. Ako na mismo ang nag maneho ng sarili kong sasakyan.

Inilagay ko sa front seat ang lunch box na dala-dala ko bago ko tuluyang pinatakbo pa alis ang kotse ko.

Dahil traffic, inabot ng thirty minutes ang byahe ko bago ako tuluyang nakarating sa company ni Kaizer.

Nagulat pa ang secretary ni Kaizer ng makita ako. Mukhang hindi niya inaasahan ang pag punta ko ngayon dito.

"G-Good morning, Ma'am."

Tumango lang ako sa kanya at saka na ako deretsong pumasok sa loob ng office ni Kaizer.

Agad na nag angat ng tingin sa akin si Kaizer ng makapasok ako sa office niya.

"Hi, good morning!" I greeted. Masaya akong nag lakad palapit sa kanya. "Nag dala ako ng lunch—wait, nag almusal kana ba?" Nakangiting tanong ko sa kanya ng mag lakad ako palapit sa kanya.

"What are you doing here?" Kunot-noong tanong niya sa akin.

Nag lakad ako sa likod niya at saka ko nilagay ang dalawang kamay ko sa kanyang balikat.

Dahan-dahan kong minasahe ang kanyang balikat. "Ayaw mo bang nandito ako?" I asked him seductively.

Hindi naman siya sumagot at nanatiling na sa laptop ang kanyang tingin. "Hmm. Ayaw mo ba dahil..." Pinagapang ko ang dalawang kamay ko pababa sa kanyang dibdib at saka ko dahan-dahang hinaplos ang kanyang dibdib. "Dumating na ang ex-girlfriend mo?" I whispered in his ear. Napangisi ako ng makitang natigilan siya sa tanong ko.

Bago pa siya mag salita, lumayo na ako sa kanya at nag lakad na papunta sa harapan niya at saka ako naupo sa visitors chair.

Pinag taasan ko siya ng kilay ng tumingin siya sa akin. Wala ni isang emosyong makikita sa kanyang mga mata. Napakalamig kung makatingin. Ngunit, sanay naman na ako kaya wala na 'yon sa akin.

"Alam mo kahit na nag balik na 'yang ex-girlfriend mo," Naupo ako sa table niya. Dahan-dahan kong inilagay ang aking hintuturong daliri sa ilalim ng kanyang baba at saka ko itinaas ang mukha niya patingin sa akin. "Hindi pa rin kita titigilan hangga't hindi ka nagiging akin." Mahinang usal ko sapat lang para marinig niya. Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa kanya hanggang sa tuluyang mag lapat ang labi naming dalawa.

"Hellooo, I'm here—"

Agad na nag hiwalay ang labi namin ni Kaizer dahil sa tinig na 'yon.

Kunot-noo akong lumingon sa pintuan ng office ni Kaizer.

Unti-unting namuo ang isang nakakalokong ngisi sa aking labi ng makilala kung sino ang babaeng nasa harapan namin ngayon.

Walang iba kundi si Jhonalyn.

Tulad ng gusto kong mangyari.

Halata namang nagulat at nasaktan siya ngayon dahil sa nakita niya.

"Oh, hi!" Masayang bati ko sa kanya ng makababa ako sa lamesa ni Kaizer. Saglit ko pang sinulyapan si Kaizer na nakatingin na rin ngayon sa ex-girlfriend niya.

Nang makabawi sa pag kagulat, tumingin ito sa akin. I smiled sweetly at her. "May apportionment ka ba kay babe?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Mahina akong natawa ng makitang napaamang ang labi niya ng marinig ang sinabi ko.

"Jhonalyn, what are you doing here?"

Napairap ako ng marinig ang tanong ni Kaizer. Hindi ba obvious? Malamang dinalhan siya ng pag kain. Kita naman sa bitbit nitong lunch box.

"K-Kaizer, dinalhan kita ng lunch mo." Mahinang usal naman nito. Muli akong napairap ng marinig ang malambing nitong boses. Psh!

"Oh, sorry. Pero may dala na akong lunch for him eh." Maarteng sabi ko at saka ako nag kaka palapit sa kanya. "What is your dala ba?" Pinag taasan ko siya ng kilay ng nasa harapan na niya ako.

"Dinalhan ko siya ng adobo. Ahm, Kaizer. Ako ang nag luto nito." Sabi niya at saka tumingin kay Kaizer.

Nag salubong ang dalawang kilay ko ng bigla na lang niya akong lagpasan at saka siya nag lakad palapit kay Kaizer na mukha namang kanina pa siya hinihintay. Ah, whatever. Duh!

Padabog akong nag lakad palapit sa kanilang dalawa. Nakapamewang na ako ngayon.

"Kumain kana ba? Ito, dinalhan kita."

Bago pa man niya ilabas ang lunch box na na sa paper bag na bitbit niya, pinigilan ko na ang kamay niya kaya naman gulat siyang napatingin sa akin.

"No need. May dala na nga ako for him." Sabi ko at saka ko inilabas ang lunch box na may lamang pag kain na para kay Kaizer.

"Here, babe. Kaldereta." Nakangiting sabi ko kay Kaizer na tahimik na pinapanood ako. Inilapit ko sa kanya ang pag kain. "Here. Kumain kana. I'm sure nagugutom kana." Nakangiting sabi ko sa kanya bago ako tumingin kay Jhonalyn na tahimik na pinanood kami ngayon.

"Mukhang hindi kapa nag bre-breakfast. Ikaw na ang kumain d'yan sa dala-dala mo."  Nakangiting sabi ko sa kanya. Kanina pa ako hingi komportable sa kakangiti ko sa kanya.

Argh, I don't like her talaga! She's mang aagaw and of course, hindi ko hahayaang maagaw niya sa akin si Kaizer. No, freaking way!

Kaizer is MINE, bitch.

Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon