Chapter Twelve

1.5K 76 11
                                    

Chapter Twelve

Agad gumilid at yumuko ang dalawang guwardiya ng makita nila ako.

"Good morning, Miss Red."

I smirked and nodded. Mukhang napaamo ko na ang guwardiya ni Kaizer. Pero mas maganda kung si Kaizer ang mapaamo ko.

Halos lahat ng mga empleyadong nakakasalubong ko sa lobby, binabati nila ako.

"Good morning, Miss Red."

"Good morning, Miss Sachi."

Tanging pag tango lang ang sagot ko sa kanila. Deretso lang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa elevator.

After five minutes, nakarating na din ako sa floor ng office ni Kaizer. Agad tumayo at yumuko ang Secretary ni Kaizer ng makita ako nitong lumabas ng elevator.

"Good morning, Miss Red."

I raised my eyebrow. "Nandito ba si Kaizer?"  Mataray na tanong ko.

Tumango naman agad siya kaya naman, lumapit na ako sa pintuan ng office ni Kaizer para buksan 'yon at makapasok na ako.

"Hello, good morning!" I greeted. Mas lumapad ang ngiti sa aking labi ng mag tama ang tingin namin ni Kaizer.

"Nag dala ako ng lunch mo. Ako ang nag luto nito para sa'yo." Nakangiting sabi ko at nilapag sa table niya ang lunch box.

Saglit niyang sinulyapan ang lunch box bago muling binalik ang kanyang tingin sa mga papeles.

Napangalumbaba ako habang nakatingin sa kanya. Kailan ba mauubos ang mga papeles na nasa lamesa niya? Tambak na mga papeles ang nasa harapan ni Kaizer araw-araw.

"Staring is rude."

Napanguso ako sa sinabi ni Kaizer. Tumayo ako mula sa pag kakaupo at saka ako nag lakad papunta sa kanyang likuran.

"'Wag kang malikot, mamasahihin kita."

Inilagay ko na ang dalawang kamay ko sa balikat ni Kaizer bago dahan-dahang minasahe ang kanyang balikat.

Napangiti ako ng napasandal si Kaizer sa kanyang swivel chair.

Pagod na siya sa pag tratrabaho pero hindi pa din siya tumitigil. Mabuti na lang talaga, nandito ako para i-massage siya.

Sinabi ko naman kasi na, ibahay niya na lang ako para pag sisilbihan ko siya. Hindi lang sa kama—char!

"Kamusta? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya habang patuloy pa din ako sa pag ma-massage.

"Yeah, thanks!"

"Thanks lang? Kiss ang gusto ko."

"Tss. Fine."

Napasinghap ako ng biglang hawakan ni Kaizer ang batok ko at saka niya ako hinila palapit sa kanya.

Agad na nanlaki ang aking mga mata ng maramdaman ko ang pag lapat ng labi ko sa labi ni Kaizer.

"Kiss me back.." He whispered softly.

Walang pag aalinlangan kong tinugon ang kanyang mga halik.

Hanggang sa namalayan ko na lang na, nakaupo na pala ako sa hita ni Kaizer.

Napatingala ako ng bumaba ang mga halik ni Kaizer sa aking panga pababa sa aking leeg.

"Hmm.." I moaned softly.

Napapikit ako ng muli na namang umakyat ang mga halik ni Kaizer patungo sa aking labi. Muli kong tinugon ang kanyang halik.

"Oh," Nanlaki ang mga mata ko ng kagatin ni Kaizer ang aking labi.

Parehas naming habol ang pag hinga ng mag hiwalay na ang aming labi.

Mapupungay ang aking mga matang napatitig kay Kaizer na, wala pa ding emosyon ang mga mata hanggang ngayon.

Lihim akong napangisi ng muli na namang angkinin ni Kaizer ang aking labi.

Hmm..

Mabilis nga lang kaming nag hiwalay ni Kaizer ng may kumatok sa kanyang pintuan. 

"Damn."

Dali-dali akong tumayo at agad lumayo kay Kaizer.

Mabuti na lang, nakaupo na agad ako sa visitor's chair ng bumukas ang pintuan ng office ni Kaizer.

Agad kong sinamaan ng tingin ang Secretary ni Kaizer. Bwisit talaga 'tong lalaking ito. Alam na alam niya kung paano mang istorbo.

Napalunok ito ng makita ang masamang tingin ko sa kanya.

"S-Sir.."

Nalipat ang tingin ko kay Kaizer na, nasa mga papeles na ang tingin. Parang walang nangyari.

"Ilagay mo na dito 'yan." Malamig na ani ni Kaizer.

Dali-dali namang sumunod ang Secretary ni Kaizer. Muntik ko pang tisudin sa sobrang inis na nararamdaman ko sa kanya.

"Alis na po ako—"

"Sige na! Umalis kana!" Pag tataboy ko sa Secretary ni Kaizer. Ayokong makita ang pag mumukha niya dahil nadadagdagan lang ang inis na nararamdaman ko sa kanya.

Dali-dali namang nag lakad palabas ng office ang Secretary ni Kaizer.

Nang tumingin ako kay Kaizer, nakakunot na ang kanyang nuo.

"Naiinis lang ako d'yan sa sekretarya mo! Ang galing niyang umextra!"

Naiinis na sabi ko. Hindi naman sumagot si Kaizer, tahimik lang siyang bumalik sa ginagawa niya.

Ang boring talagang kausap nitong lalaking 'to.

Napasandal na lang ako sa swivel chair na inuupuan ko at saka ako napatingin sa lunch box. "Hindi kapa ba gutom? Malamig na itong ulam na dala ko para sa'yo."

Napangiti ako ng huminto si Kaizer sa ginagawa niya. Dali-dali ko namang kinuha ang lunch box para ihanda ang pag kain niya.

"Teka lang ha?"

Binitbit ko ang lunch box at saka ako lumabas ng office ni Kaizer para mag tungo sa pantry.

Inilipat ko ang kaning na sa lunch box, sa plato. Ang adobong ulam, nilagay ko na din sa mangkok.

Nang matapos ako, binitbit ko na ang tray at saka ako muling lumabas ng pantry at bumalik na sa loob ng office.

Hindi makatingin sa akin ang Sekretarya ni Kaizer ng pag buksan ako nito ng pinto. Inirapan ko lang siya.

Aba! Dapat lang na mahiya siya dahil ito ang pangalawang araw na inistorbo niya ang moment naming dalawa ni Kaizer. Kung hindi siya nang istorbo, baka hanggang ngayon, nakaupo pa din ako sa hita ni Kaizer.

Natigil ako sa pag lalakad ng makita ko si Kaizer na, nakasandal sa swivel chair niya habang nakatingala at nakapikit.

Bakas ang pagod sa kanyang mukha. Hindi kasi mag pahinga.

Nang maramdaman ni Kaizer ang presensya ko, nag mulat siya ng mata at deretsong tumingin sa akin.

Ako naman, nag patuloy na sa pag lalakad palapit sa kanya. Nakangiti kong nilapag ang tray sa kanyang lamesa.

"Kumain kana muna."

Tinitigan pa muna ako ni Kaizer bago siya sumunod sa utos ko.

Naupo ako sa visitor's chair. Habang kumakain si Kaizer, kinuha ko ang isang papeles na nasa table niya. Ngunit napanguso ako ng paluin ni Kaizer ang kamay ko.

"Titignan ko lang naman eh." Nakangusong sabi ko sa kanya.

Napangiti ako ng walang nagawa si Kaizer kundi ang hayaan ako. Nag patuloy na lang siya sa pagkain. Habang ako, kunot na ang nuong binabasa ang hawak-hawak kong papel.

Ang sakit naman nito sa ulo.

Sinipat sipat ko pa saglit ang hawak kong papeles bago ko binalik sa lamesa ni Kaizer. Mas gugustuhin ko pang titigan mag damag si Kaizer kaysa mag basa ng maraming papeles.

Seductive Red [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon